"Napatagal ka yata? Tumae ka ba?" Salubong niya sa'kin na nakakunot ang noo. "H-Hindi, ah..." Pagtanggi ko at bahagya siyang tinaliman ng tingin. Grabe talaga ang isang 'to. Walang preno ang bibig niya, e. Hindi man lang gumamit ng mas maayos na word o nilagyan ng filter. "E, anong ginawa mo sa loob? 'Di ka naman siguro naligo, 'no?" Patuloy niya sa pangbabatikos. "Wala..." Iniiwas ko ang tingin ko para hindi niya na mahalata na nagsisinungaling ako. Nagtagal nga ako ng kaunti sa cr. No'ng mabasa ko ang text ni Ria, halos five minutes din akong nakatulala roon. Pinag-iisipan ko kung dapat ko ba siyang i-text back o 'wag na hayaan na lang siya sa kung anong trip niya. "Pwede ba 'yong wala?" Inilagay niya ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya. "May iniisip ka ba?" "W-Wala nga

