I couldn't move. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi malaman kung paano hihinga. Ititikom ko lang ba ang bibig ko o sisigaw ako at hihingi ng tulong? Mas nanlalambot lang ako tuwing masasalubong ko ang madidilim na mata nito. Tila ang lamig din ng paligid sa 'di malamang dahilan. Balot na balot ito ng itim at hindi rin pangkaraniwan ang ang katawan niya. May matutulis itong kuko at mahabang katawan na dinaig pa ang tangkad ng mga basketball player sa iba't ibang bansa. Kapag tiningnan ko siya, isa lang ang nakikita ko. Kamatayan. "U-Uh..." Hindi ko magawang makapagsalita. Sinusubukan kong ibuka ang bibig ko para malaman kung ano ang balak niya sa'kin pero hindi ko magawang ibukas nang maayos ang bibig ko. Dahan-dahang kumunot ang noo nito at mas lumapit ang dulo ng scythe

