Chapter 18 Mabilis na lumapit kay Kara ang binata at hinawakan nito ang kanyang baba. Nagulat siya dahil sa ginawa nito. Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata ng sunggaban siya nito ng halik. Halik na tumagal ng ilang minuto. Malamig. Iyon lang ang sumagi sa isipan ni Kara hanggang sa bawiin ng binata ang sariling labi. Hindi siya nakapagsalita. Nakanganga lang siyang nakatitig sa magandang mukha ni Vlaire. “Bakit mo ako hinalikan?” gulat niyang tanong sa binata. “Because—” “Sandali! Huwag mo ng sabihin,” pigil niya sa binata. Tumalikod si Kara at kaagad na tinakpan ang sariling mukha dahil sa sobrang hiya na naramdaman. Hindi niya maitago ang pamumula ng kanyang mukha. “Are you okay?” nag-aalala na tanong sa kanya ng binata. Aligaga siyang tumango. “Ayos lang ako. Ang prob

