Chapter 19 Nakauwi sila nang maayos at hindi na makapaghintay si Kara sa aminin sa kanyang ama na may nanliligaw na sa kanya. Kahit sinabi nito noon na hindi pa siya puwedeng mag-boyfriend, ayaw naman niyang maglihim sa kanyang ama. “Kara, kamusta ang field trip ninyo?” bungad na tanong sa kanyang ni Dylan. Kauuwi lang din nito galing sa bukid. Nginitian niya ang binata. “Ayos naman. May natutunan ako,” nakangiti niyang kuwento. Pumasok siya sa loob ng kanyang kuwarto at paglabas ay dala na niya ang isang supot ng mamahaling tinapay. “Heto, binilhan kita. Pasensya ka na at iyan lang ang pasalubong ko,” usal ni Kara. Umiling ang binata bago tinanggap ang bigay niya. “Salamat.” Kaagad nitong binuksan ang supot at sumubo ng tinapay. “Masarap,” komento ng binata. Matagal na nakatitig

