Chapter 30 “Uy, gabi na. Kailangan ko nang umuwi,” untag ni Kara sa binata habang nagbabasa ito ng mga chart ng pasyente. “Mmm. I’ll take you home,” presinta pa nito. Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Kara dahil sa gulat. “Huh? Hindi puwede! Alam mo namang galit si Tatay sa akin,” katwiran niya ngunit hindi nagpatinag si Vlaire. Mabilis na tumayo si Kara nang mapansing kanina pa pala siya nakaupo sa kandungan nito. “You’re malnourished,” komento nito sa kanyang timbang. Inambaan niya ito ng suntok. “Sus! Akala mo naman hindi ka malnourished. Matanda ka pa sa akin kaya huwag mo akong matawag-tawag na payat,” nandidilat niyang wika. Natigilan ito at natawa sa sariling biro. “I’m just kidding,” rason nito. “Kidding mo mukha mo,” nakangusong wika ni Kara. “Tara na nga! Ang tagal m

