Ang Pagbagsak

635 Words
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto nang mag-isa. Nabitawan niya ang diary at napalingon siya. “May tao ba?” sigaw niya, ngunit walang sumagot. Sa puntong iyon, ramdam niyang hindi na niya kayang balewalain ang nangyayari. “Lara, kailangan kitang makausap,” bulong niya sa sarili habang mabilis na nililigpit ang diary. Kinabukasan, habang maagang nagsimula si Samuel sa kanyang gawain, desidido siyang simulan ang pagpapalit ng mga lumang sahig sa ikalawang palapag ng bahay. Hindi pa man tapos ang kanyang kape, hawak na niya ang martilyo at crowbar. "Okay, simulan na natin 'to," bulong niya habang tinatanggal ang unang plank. Habang abala siya sa pagtanggal ng mga pako, napansin niyang may mga bahagi ng sahig na tila nabubulok na. Nag-ingat siya, ngunit may bahagi rin ng kanyang isipan na natatangay ng mga tanong mula sa diary. “Sino kaya ang tinutukoy sa mga sulat?” tanong niya sa sarili, habang tuloy sa pagbabaklas ng sahig. Biglang nag-c***k ang kahoy sa ilalim ng kanyang paa. “Whoa! Sandali lang—” hindi niya natapos ang kanyang sinasabi nang bigla siyang bumagsak mula sa ikalawang palapag. Mabilis ang lahat. Ang huling nakita niya bago siya tumama sa malamig na sahig ay ang sinag ng araw na tumagos sa sirang bubong. Nakahiga si Samuel sa alikabok, dahan-dahang minulat ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang hapdi sa kanyang balikat at hita. "Ahh… ang sakit," daing niya habang pilit na bumabangon. Ngunit sa kanyang pagkakahiga, napansin niyang tila may anino sa dulo ng silid. Isang pigura ng babae ang unti-unting lumitaw mula sa dilim. Hindi malinaw ang kanyang mukha, ngunit ang mga luha nitong bumabagsak ay kapansin-pansin. "Ikaw ba ang nagbabasa ng diary?" tanong ng boses na malamig at puno ng lungkot. “Anong... sino ka?” tanong ni Samuel, nanginginig ang boses. “Hindi mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay huwag mong pakialaman ang hindi mo naiintindihan.” Dahan-dahang lumapit ang pigura, ngunit bago pa man siya makalapit nang tuluyan, biglang nagdilim ang paligid. Nagkamalay si Samuel sa tunog ng mga yabag at boses ni Lara. “Samuel! Ano’ng nangyari?!” sigaw nito habang nakaluhod sa tabi niya. "Natanggal yung sahig... nahulog ako," sagot niya, pilit na tinatayo ang sarili kahit masakit ang bawat galaw. “Anong ginagawa mo kasi? Sabi ko naman sa’yo, kumuha ka ng tao para tumulong, eh!” galit ngunit halatang nag-aalala si Lara. Habang inaakay siya nito papunta sa sofa, bumalik sa isip niya ang mukha ng babaeng nakita niya sa dilim. Tila napaka-real ng lahat, pero imposible... di ba? “Samuel, okay ka lang ba? Parang wala ka sa sarili mo,” tanong ni Lara. “Lara, may nakita ako. Isang babae...” tumigil siya, pilit na hinahanap ang tamang salita. “Hindi ko alam kung totoo, pero parang... umiiyak siya.” Napatigil si Lara. “Samuel, baka epekto lang ‘to ng diary. Napaparanoid ka lang siguro.” “Hindi, Lara. Totoo ang nakita ko,” giit niya. Habang nagpapahinga si Samuel, pilit niyang binalikan ang mga nakasulat sa diary at ang misteryosong babaeng nakita niya. “Mang Isko,” tawag niya nang dumating ang caretaker sa sala. “May kilala ka bang babaeng nakatira rito noon? Iyong laging umiiyak?” Halata ang tensyon sa mukha ni Mang Isko. “Sir, marami nang kwento tungkol sa bahay na ‘to, pero wala akong gustong kumpirmahin.” “Bakit?” tanong ni Samuel. “Kung may alam kayo, sabihin niyo sa akin.” “Sir, baka mas mabuting tigilan niyo na lang ang pagtuklas. Ang bahay na ito ay para sa mga bagay na dapat kinakalimutan na.” Pero sa halip na takutin si Samuel, lalo lang niyang naramdaman ang pangangailangang malaman ang buong kasaysayan ng bahay. "Lara, kailangan ko nang tapusin ang sinimulan ko," aniya, puno ng determinasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD