Kabanata: Umagang May Lihim Nagising si Sidney sa isang umagang masaya at payapa ang kanyang pakiramdam. Ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin na malayang dumadaloy sa siwang ng bintana sa kanyang silid, sinasayawan ang mga kurtina na parang alon sa karagatan. Ang liwanag ng araw ay dahan-dahang pumapasok, humahaplos sa kanyang mukha at nagpapainit sa malamig na simoy ng hangin. Sa unang pagkakataon sa napakatagal na panahon, parang wala siyang alalahanin. Wala siyang iniintinding problema. Wala siyang kaba o lungkot na bumabagabag sa kanyang dibdib. Tahimik ang kanyang puso, at tila ba ang kanyang isipan ay nalinis ng mga kalituhan. Napangiti siya habang nakahiga pa rin, at marahang pinisil ang sariling braso. “Totoo ba ‘to?” tanong ng kanyang isipan, habang humihikab at humihila

