Kabanata 21 Halik sa gitna ng ulan

2424 Words

“Mukhang malalim ang iniisip mo ah? Nagkaroon ba kayo ng LQ ni Doc Drake?” tanong ni Lira nang mapansin ang tila pagkalayo ng isip ni Sidney habang nakaupo sa duyan sa likod ng bahay. Maganda ang hapon. Bahagyang makulimlim ang langit, ngunit sapat ang liwanag ng araw upang magbigay ng ginto sa mga ulap. Sa harap nila ay ang taniman ng mga gumamela na saglit pinaglalaruan ng hangin. Ang amoy ng bagong lutong pandesal at kapeng barako ay sumasabay sa pag-agos ng damdaming tila pinipigil ni Sidney. “Hindi naman,” sagot ni Sidney, sunod-sunod ang iling na tila hindi sigurado sa sinasabi. Pero ramdam ni Lira—may bumabagabag sa kanya. “Kung hindi kayo nagka-LQ, bakit parang gusto mong magsulat ng tula sa lungkot mo?” sabay tawa ni Lira. “Parang isa ka sa mga karakter sa nobela mong iniwan ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD