Habang masaya silang namimili sa loob ng grocery, panay ang kulitan at harutan nina Sidney at Drake. Magkahawak kamay pa silang pumipili ng mga prutas habang tila bagong kasal ang kanilang mga kilos. Sinasamahan ni Drake si Sidney sa bawat aisle, at tuwang-tuwa ito tuwing kinikindatan siya ng lalaki. “Alin sa dalawa ang gusto mo, Mommy?” tanong ni Drake habang may hawak na dalawang klase ng cereal. “Yung may honey flavor,” sagot ni Sidney, saka inabot ang isa. “Para matamis ang umaga natin.” Napangiti si Drake at walang sabi-sabing hinalikan ang noo ni Sidney. “Kahit walang honey, matamis na umaga ko basta kasama kita.” Napailing si Sidney habang pinipigilang kiligin. “Ang corny mo talaga.” “Mahal mo naman ako kahit corny,” bulong ni Drake sabay kindat. Maya-maya pa’y nag-vibrate ang

