Napanganga si Mattia nang masulyapan ang bintana ng eroplano dahil sa labis na paghanga. Sa ibaba ay kitang-kita ang mga bundok na nababalutan ng puting nuwebe.
"Some people paid a lot of money just to see these white mountains. Sa mga pictures ko lang 'to nakikita, ngayon abot kamay ko na," wika niya sa katabing babae, nahihiyang nagbawi naman ito ng tingin dahil nagtama ang linya ng mga mata nila.
"I can't tell we're different at all. Nagbayad at sumakay rin tayo rito pero napakapalad natin na nakita natin 'to," tugon ng dalaga at pagkatapos, hindi na naman kumibo,
Bumalik ang tingin niya sa labas ng bintana, nakalagpas na pala sila sa bulunbundukin at malapit nang maglanding. Dumiretso ang tingin niya sa harap nang maramdaman ang impact ng pagbaba nila. Inaamin ni Mattia, pakiramdam niya ay masusuka siya, hindi pa talaga siya sanay sumakay sa eroplano.
Maya-maya pa ay nakalapag na rin ang sasakayang himpapawid at nakita niyang nagsitayuan nang paisa-isa ang mga pasahero. Si Coach Caiden ang unang tumayo sa kanila. "Let's go. Follow my lead."
***
Nang makatapak siya sa ibang lupain, hindi mailarawan ni Mattia ang nadarama niyang kasabikan. Kaagad niyang inilibot ang paningin sa malawak na kapaligiran ng Anchorage International Airport. Pansamantala silang mananatili rito sa Alaska. Humahanga siya sa kutis at tangkad ng mga dayuhang nakikita. Sa Pilipinas ay matangkad ang tingin sa kaniya ng karamihan ngunit dito ay nagmukha lamang siyang average height. At kahit nakasuot ng jacket ay nararamdaman pa rin niya ang lamig ng klima.
Naputol ang kaniyang pag-iisip nang tapikin siya ni Coach Caiden sa likod. Luminga siya rito at itinuro agad ng lalaki ang isang parte ng lugar.
"Sa Baggage Claim muna tayo, pagkatapos sasakay tayo ng shuttle bus papunta sa South Terminal. We have 11 hours of layover kaya maghahanap muna tayo ng hotel. Pansamantalang mananatili roon bago tayo sumakay muli ng eroplano bukas papunta ng Guatemala," paliwanag sa kanila ng lalaki.
Parehong bumagsak ang balikat ng dalawang kabataan. Naalala nilang malayo pa ang kanilang lalakbayin. Isang eroplano at isang buong araw pa ang lilipas.
***
Pagkatapos makuha ang mga gamit ay dumiretso muna sila sa ATM. Tinuruan sila ni Coach Caiden kung paano gumamit ng debit card visa. Ang Debit Card Visa na ito ay ibinibigay ng HEAP sa mga paranormal experts na may international mission, upang hindi na sila mahirapan pang makipagpalit ng pera. First time din ni Mattia na makahawak ng American Dollars.
"Sapat lang ang inilabas kong pera. Kailangan lamang natin makaraos dito," wika ni Coach Caiden sa kanila. "At dahil mga minors pa kayo, huwag kayong aalis sa tabi ko, maliwanag?"
Tumango lamang silang dalawa.
Ilang saglit pang paghihintay sa terminal ay dumating na rin ang hinihintay nilang shuttle bus. Mas malaki,mas moderno at mas malawak ang mga bus dito kumpara sa Pilipinas. Nakatutok ang mga mata niya sa LED display screen na nasa itaas ng transport vehicle. Ito ang nagsisilbing sign destination ng sasakyan. Naikumpara na naman niya sa pinagmulang bansa na mga plakard lamang ang ginagamit na sign destination.
Nang huminto ang bus sa tapat nila, si Coach Caiden ang unang pumasok sa sasakyan. Sumunod silang dalawa sa likod ng lalaki. Kakaunti lamang ang nakasakay sa loob at maraming bakanteng upuan.
Napabuga nang malalim na hininga si Mattia nang makaupo sa passenger seat, tumabi sa kaniya ang dalagita na hindi pa rin niya naitatanong ang pangalan. Samantalang umupo si Coach Caiden sa harap nila, malapit sa bintana.
"Maraming turista kapag ganitong panahon pero nakapagtatakang maluwag ang mga upuan dito." Napatingin sa kaniya ang babaeng katabi nang magsalita siyang muli. Gusto lamang niyang makipag-usap dahil kanina pa siya naiinip.
"Saan mo naman nalaman 'yan?" anito.
"Nabasa ko lang kanina sa internet," simple niyang tugon na umayos ng upo. "Maganda kasi ang panahon sa Alaska kapag June dahil hindi masyadong umuulan ng nuwebe. June-August ang summer season nila."
"Ah..." Tumango lamang ito. Naramdaman nito ang lamig ng paligid kaya bahagyang napayakap sa sarili.
"Hindi ka rin sanay sa lamig ano?" pansin niya sa kinilos nito.
"Um, oo."
"Napakalamig rito, nakakapanibago, samantalang sa Pilipinas sobrang init naman palagi. Kung dito ay may four seasons, sa atin naman ay three seasons."
Sa ganitong pagkakataon ay nagtatakang tumingin sa kaniya ang babae. "Three seasons?"
"Three seasons, hot, hotter and hottest," biro niya. Gasgas na pero napatawa pa rin ang kasama.
Mahina rin siyang napatawa. May itatanong pa sana siya pero naudlot nang biglang tumigil ang bus at may pumanhik na isang pasahero. Kasabay ng pagsakay ng lalaki ay nagpatay-sindi bigla ang ilaw ng shuttle bus. Natigilan ang bagong sakay na pasahero at nagtatakang napatingin sa kisame pero nagkibit lamang ito ng balikat saka umupo sa dulo. Nang makasakay ang lalaki ay nagpatuloy muli ang pag-andar ng sasakayan.
Isinawalang-bahala nila ang simpleng pangyayari dahil maaaring nag-malfunction lang nang saglit ang ilaw. Ngunit maya-maya pa ay may nakaramdam si Mattia ng kakaibang aura. "Ano 'yon?" bulong niya.
Tumayo siya upang sumilip sa driver at sa Coach na nasa harap. Seryoso lamang na nakatuon ang mga mata ng nagmamaneho sa kalsada at mukhang hindi napansin ang saglit na pagkamatay ng ilaw. Si Coach Caiden naman ay nakapikit ang mga mata habang nakasandig sa upuan. Mukhang umiidlip lamang nang kaunti ang lalaki.
"Tingnan mo."
Napalingon siya at muling umupo nang marinig ang pagtawag ng babae. Ngunit hindi nakatingin sa kaniya ang kasama, sa halip ay may pinapanood ito sa likod. Sinundan niya ng tingin ang tinitignan nito.
Hindi siya nagulat o natakot dahil normal lamang sa kaniya ang makakita ng kaluluwa. Simula pagkabata ay nakakakakita na siya ng mga maligno. Sinuri niya ang damit na suot ng espirito, nakaputi ito at nagliliwanag, mahaba at kulot ang dilaw na buhok. Nakatingin ang kaluluwa ng babae sa bagong pasok na pasahero na nakaupo sa dulo.
"Nakikita mo ba ang nakikita ko?"
"Oo at mukhang sinusundan niya 'yong lalaking pumasok," hinuha ni Mattia.
"Mabait siyang espirito," wika naman ng dalagita at nakaramdam ng simpatya.
"Mabait? Paano mo nalaman?"
"Kapag nakasuot ng puti at nagliliwanag ang kaluluwa, siguradong mabait siya. Bakit kaya niya sinusundan iyong lalaki?"
"Sa tingin ko ay kailangan niya ng tulong."
Ngayon ay nakatitig na rin sa kanila ang multo, partikular na sa babaeng kasama. Ilang minuto lamang na nagkatitigan ang dalawang babae, pagkatapos ay biglang ngumiti at nawalang parang bula ang kaluluwa.
"Ano 'yon?" Hindi naintindihan ni Mattia kung anong nangyari. Ngunit hindi siya pinansin ng babaeng katabi, bagkos bigla itong tumayo at naglakad papalapit sa lalaking nasa dulo.
"Hoy, saglit lang," pipigilan sana niya ang dalagita pero mabilis itong nakalipat ng puwesto. Sumunod na lamang siya rito.
Ngayon ay nasa tapat na sila ng misteryosong lalaki. Bumaling ang bughaw na balitataw nito sa kanila. Nagtanggal ito ng earphone sa tainga at nagtatakang nagtanong. "What is it?"
"Excuse me sir, but I need to tell you something," diretsong sabi ng dalagita. Seryoso ang mga mata nito ngunit mailap. "I saw the spirit of your daughter a while ago. She's already dead."
Napasapo si Mattia sa bibig dahil sa dahil sa diretso at walang pakundangan na salita ng kasama. "At least tell him gently," bulong niya agad sa babae.
"There's no other way. Mabibigla rin naman siya kahit sabihin ko pa nang dahan-dahan," tugon naman nito. Ayaw ko rin ng mahabang usapan.
"What?" Nanlaki ang mga mata nito at napabuka ang bibig. "What are you talking about? Are you making fun of me?"
"Claire Barnett, that's her name, right?"
"How do you know–"
"She had previously died in a car accident. She wants you to know that she loves you and that she will keep an eye on you 'till she departs into the afterlife. She expresses her regret for all of her mistakes as well."
Napanganga na lamang ang pobreng lalaki dahil sa pagiging straightforward ng babae.
"Pls. call your wife and tell her about it. She's worried about her mom."
Hindi pa rin makapaniwala ang lalaki, may sasabihin pa sana ito ngunit biglang may humila sa likod nina Mattia at ng dalagita.
Pumagitna si Coach Caiden sa kanila na ngayo'y nagising mula sa power nap. Kasabay ng pagsasalita nito ay ang paghinto ng sasakyan sa south terminal bus station. "What the hell are you two doing?!" pinagalitan agad sila nito, pagkatapos ay bumaling sa Alaskanong nasa harap. "Are they bothering you? I'm so sorry, sir. Taking care of kids nowadays is challenging. I really apologize!" Nag-bow pa ng ulo ang Coach bago sila kinaladkad pababa ng shuttle bus.
"N-No worries," pahabol ng lalaki at sinundan sila ng tingin.
Hindi na nakapalag pa ang dalawang kabataan dahil hinila at kinaladkad sila ni Coach Caiden habang sinesermunan. Nakakahiya dahil nagmukha silang mga musmos na pinagagalitan ng tatay.
Hindi na nila nasaksihan pa ang balisang mukha ng Alaskanong nakausap. Nang magsimula na muling umandar ang sasakyan, tumunog ang phone nito at agad na kinuha sa bulsa. Nagulantang ito nang makausap ang asawang umiiyak at malaman ang malagim na balita.
***
"s**t!" Ganoon na lamang ang mura ni Coach Caiden sa dalawa nang makababa sila sa terminal. Nahihiya naman na nagyuko sila ng ulo at hindi sumagot sa pagtatalak nito. Lihim silang nagpasalamat na hindi nakakaintindi ng Tagalog ang mga nakakarinig dahil mas lalong nakakahiya. "Umidlip lang ako nang saglit, nandoon na agad kayo at nakikipag-usap sa estranghero!"
Si Mattia ang unang dumipensa sa kanilang dalawa."Pero gusto lang namin tulungan 'yong multo na—"
"Huwag kayong mangingialam sa ibang espirito kung hindi natin sila misyon! Ano bang pakialam natin sa kaluluwa ng babae na 'yon? Paano kung masamang espirito pala iyon at ginambala pa tayo? Eh, 'di may dagdag problema pa tayo bukod sa misyon!"
"Pero mabait naman po s'ya!"
"Kahit na! No more words and just obey my commands, naintindihan ninyo?!"
"Opo." Wala nang nagawa pa ang dalagita kundi um-oo na lamang. Samantalang si Mattia ay malaki lamang ang simangot sa mukha ngunit hindi na sumagot sa lalaki.
Napabuntong-hininga ang coach at pinagkrus ang mga braso. "Tara na, malalim na ang gabi at maghahanap pa tayo ng hotel na matutuluyan. Kumain na muna tayo rito." Nauna na itong tumalikod at naglakad papasok sa gusali. Walang reklamo na bumuntot sila sa likod ng lalaking mainit pa rin ang kalbong ulo.
Habang naglalakad ay bumaling sa kaniya ang dalagita at malungkot na nagsalita. "Sorry, napagalitan ka tuloy dahil sa akin."
Tumingin siya rito at matamis na ngumiti. "Wala 'yon. Tama rin naman ang ginawa mo."
"Talaga?" tila nabigla ito sa sinabi niya.
"Oo naman, wala namang masama sa pagtulong. Paano mo pala nalaman ang lahat ng detalye na iyon kanina?" may kuryosidad na usisa niya sa babae.
"Hmmm..." Napaisip ito nang ilang saglit, tumingin sa itaas at napahawak sa baba."I'm not sure pero nakikipag-usap sa akin ang mga souls through telepathy."
"Really? Ang galing mo pala!" humahanga niyang sambit.
Napalingon ito kay Mattia, pinamulahan ng pisngi nang masilayan ang matamis at palakaibigang ngiti ng gwapong binata. Naiilang na muli itong nagbawi ng tingin.
Napansin naman ni Mattia na bumalik muli ang pagiging mahiyain ng kasama. "Ano nga pala ang pangalan mo? Hindi pa tayo nagpapakilala sa isa't isa."
"R-Rainzel ang pangalan ko, R-Rain na lang ang itawag mo sa 'kin," nautal nitong sabi na tila ninenerbiyos sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Rain? As in ulan?" pabiro niyang sabi.
Napatawa nang mahina ang dalagita habang namumula pa rin ang mukha at hindi makatitig nang diretso. "Ganoon na nga."
"Ako naman si Mattia."
"Mattia..." bulong nito, kiming napangiti at mistulang kinilig. Lihim na natutuwa ang dalaga dahil ito ang unang pagkakataon na may pumuri sa kaniyang psychic ability.
"Mukhang nahihiya pa rin siya sa akin. Ang weird ng babaeng ito." Pero iba naman ang naglalaro sa isip ng binatilyo, napakamot na lamang siya sa ulo.
***