Nilakad nila ang kahabaan ng B Concourse Gate upang maghanap ng makakainan. Nadaanan nila ang ilang shop at naisip ni Mattia na bumili ng souvenir bago sila umalis sa Alaska.
At sa wakas, nakakita na rin sila ng food court. Umupo silang tatlo sa bakanteng table at nag-isip muna ng o-order-in mula sa menu.
Habang naghihintay ng pagkain ay napagdesisyunan ni Coach Caiden na ipaliwanag ang misyon nila sa Guatemala. Inilapag nito sa harap nila ang dalawang pahina ng information consent form.
"All the newbies was partnered and sent to different missions randomly. Some receive a national mission and few was given an international task," simula nito.
"Why they did that?" tanong ni Mattia. Saglit na naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating na ang waiter at inilapag sa kanilang mesa ang putahe. Halibut Fish at chips saka tsaa lamang ang pinili nilang hapunan ngayon, bukod sa Coach na mas gustong magkape at kumain ng crab leg.
"Kulang kami sa paranormal investigators. Araw-araw palaki nang palaki ang bilang ng mga tawag at kaso na natatanggap ng information unit. Hindi sapat ang mga tao namin sa bilang ng mga kaso."
Napanganga sina Mattia at Rainzel nang marinig ang paliwanag ng lalaki ngunit hindi nito pinansin ang gulat nilang mga mukha. Mahinahon na humigop lamang ito ng kape.
"Hmmm... ang sarap ng kape rito sa Alaska," dagdag pa nito.
"It's kinda unfair," pagtutol ni Mattia, "Hindi ba't delikado na isabak agad ang mga katulad naming aplikante lamang sa isang misyon? Kung ganoon pala, hindi matatawag na Training Camp ito."
"Kaya nga tinatawag namin na first mission ang Training Camp. We don't have a choice, its the only way we can meet the demand of the public. It's kinda unfair, yes I agree, we're bringing unexperienced people in danger, buts it still a win-win situation. Mababawasan ang kasong nakatambak sa HEAP at mate-test pa namin kung karapatdapat ang mga new applicants."
"Wala po bang paranormal experts sa ibang bansa at bakit nire-recruit pa po kami rito?" usisa ni Mattia.
"May ilang bansa lamang ang may paranormal organization. Bilang lamang sa kamay, Mattia. Sa kasamaang palad ay mas maraming bansa ang walang mga paranormal experts. Una, walang pinansyal na kakayahan ang government at pangalawa, walang kakayahan ang mga tao. We should be proud, nire-recruit nila ang mga Pilipino."
Gusto sanang tumutol ni Mattia dahil para sa kaniya, corny ang Filipino Pride. Pero sumingit si Rainzel sa usapan kaya hindi na siya nagsalita.
"Ano pong misyon namin sa Guatemala?" tanong ng babae.
"Dalawang Half-Filipino tourist at isang Africano ang biglang nawala habang nagha-hike sa Acatenango Volcano. May witness na nakakita ng El Cadejo na gumagala raw doon sa gubat, at pinanghihinalaan na kagagawan ito ng elemento. Ang pamilya ng dalawang Pilipino ang tumawag sa HEAP para i-report ang missing person case na 'to."
"Sounds absurd," komento ni Mattia, "Nawala lang 'yong tao, paranormal agad?"
"Sino po 'yong witness na nakakita sa El Cadejo?" tanong naman ni Rainzel na taimtim na nakinig sa impormasyon na ibinigay ng lalaki.
"Makikilala n'yo siya bukas. Siya rin ang magiging informant ninyo."
"Can you explain, ano ba 'yang El Cadejo?" —si Mattia.
"Mga supernatural dogs na kulay blue o red ang mga mata. Kasinglaki sila ng mga kalabaw o baka. Kumukuha sila ng kaluluwa ng mga tao."
"Supernatural dogs? Aso?" — si Rainzel.
"Mukha silang mga aso pero mythical beast pa rin sila kaya mag-ingat kayo."
"Ano naman kinalaman ng mga spiritual dogs sa pagkawala ng mga dayuhan? It doesn't make any sense." Napasapo na lamang sa ulo si Mattia. "What if, hindi naman mga aso ang gumagambala roon sa gubat pero mga rebelde?"
"Well, pupunta tayo roon para bigyan ng kalinawan ang lahat. Kung sakali man na Cadejo iyon, gagawin natin ang lahat ng makakaya para tumigil sila sa pambibiktima. Ngunit kung kagagawan ito ng mga tao, iiwan natin ito sa kamay ng pulisya."
Mukhang hindi pa rin kuntento si Mattia sa paliwanag ng lalaki.
"Delikado ito. Hindi natin sigurado kung anong masasagupa natin. Tao o halimaw, pare-pareho lang silang mapanganib. Kaya nga, ibinibigay ko sa inyo itong consent form. Bibigyan ko kayo ng kalayaan na pumili. Isang pagkakataon din para mag-back-out kung sa tingin n'yo ay hindi ninyo kaya."
Nagkatinginan ang dalawang kabataan. Nagtanungan ang mga mata kung anong gagawin.
"Ano pong mangyayari kapag nag-back-out kami?" nag-aalalang tanong ng dalagita.
"Ihahatid ko kayo ngayon sa departure area para makauwi kayo sa Pilipinas," simpleng tugon.
Pero hindi buo ang tiwala ni Mattia sa lalaki. Hindi rin niya nagustuhan ang mga narinig mula rito. Bakit ngayon pa sila tinanong kung gusto nilang magpatuloy? Ngayon pa na nakasakay na sila ng eroplano.
"You're too late to ask us about that," anito at kinuha ang ballpen sa bulsa ng bagpack. "Ngayong nandito na kami, wala naman kaming choice para umurong. I can't believe na ganito ka-selfish ang mga tao sa organization ninyo. Wala kayong paki sa mga imbestigador ninyo at basta padala lang kayo ng kung sino-sino para ma-meet ang demand ng publiko. Ano pa bang ine-expect ko sa isang business na hindi naman priority ang tumulong?"
Hindi makapaniwalang napatingin si Rainzel sa binata. Hindi naman kumibo si Coach Caiden sa rant ni Mattia.
"Kung una pa lang may pakialam kayo, bago pa kami magpunta sa airport, binigyan ninyo kami ng consent form. Ilang tao na kaya ang namatay sa mission?" Matalim siyang tumingin sa lalaki habang pinipirmahan ang papel sa mesa.
"Mattia..." aawat sana si Rainzel ngunit naudlot nang biglang tumawa si Coach Caiden. Bumaling ang tingin nito sa lalaki.
"Tama nga ang sinabi sa akin ni Estrella, sinasabi mo palagi ang gusto mo. Pero gusto ko 'yan, tapat kang tao. I can't say that you're wrong, but I can't say you're right either."
"Well, answer my question, ilang tao ang namamatay sa mission kada taon?" Hindi pa rin nagpatinag si Mattia at pinagkrus pa ang mga braso.
"About 35%," simpleng tugon.
Nanlaki ang mga mata ni Rainzel sa narinig, nakaramdam siya ng takot dahil sa binulgar ng lalaki. Nanginig ang mga kamay niya habang nakahawak sa ballpen. Hindi pa niya napipirmahan ang consent form.
"Malaking bilang na rin 'yon. Kung nasa 500 ang bilang ng mga paranormal investigator, ibig-sabihin nasa 175 na tao ang mamamatay sa kanila. Simple Math," naisip ni Mattia.
"I agree. Supernatural beings are very unpredictable. Simpleng mga tao lang tayo na walang super powers. Ano bang laban natin sa kanila? Himala nga na hindi pa lumalaki ang bilang ng mga death cases. Well, sagot naman ng HEAP ang funeral," simpleng wika ni Coach Caiden na muling uminom ng kape.
"Wow, funeral. Great!" sarkastiko niyang tugon. Napasapo pa sa noo at napailing si Mattia.
"Lagpas kalahati ang nagre-resign kada taon. May PSTD ang karamihan dahil sa mga nasaksihan nila sa trabaho. At ang nakakalungkot pa, may mga ex-paranormal investigators na nagpapakamatay, pagkatapos nilang mag-resign sa HEAP. Walang nakakaalam kung ano ba talagang mga nakita nila o naranasan. Ang basehan lang namin ay ang mga case report na ibinigay nila. We're guilty, after all karamihan sa kanila ay mga minors."
Nakakalungkot pakinggan ang mga impormasyon na narinig nila mula sa Coach. Lahat sila ay natahimik at napaisip nang malalim. Kung mamatay sila ngayon, alam din nila na wala silang makukuhang hustisya. Ano naman kasi ang kayang gawin ng batas ng tao sa mga nilalang ng kabilang mundo? At napagtanto nila, nagsasakripisyo ng buhay ang iba para sa kapayapaan ng karamihan. Ngunit walang nakakaalam ng tungkol doon.
Mukhang hindi rin isinasapubliko ng HEAP ang personal na mga data na katulad nito, kung ilan ang bilang ng mga namatay, ilan ang umalis, ilan ang mga bagong paranormal experts, at ilan ang bilang ng mga kasong hindi naresolba.
"Now, it makes sense, kung bakit kulang sila sa tao. Kung maraming nagre-resign o namamatay sa bilang ng empleyado at mapili pa sila sa mga aplikante, hindi na nakapagtataka. Naghihikahos din pala ang HEAP," naisip ni Rainzel at napatingin sa information consent form. Napabuntong-hininga na pinirmahan na nito ang papel. Nangangamba man sa mangyayari, wala ring pagpipilian ang dalaga. Hindi maaaring bumalik sa Pilipinas nang wala silang napala lalo pa't bawat isa ay may napakabigat na dahilan kung bakit sila sumali rito. Isa pa, hindi matatapos ang sinusulat nitong libro kung uurong sila ngayon.
Nakahinga nang maluwag si Caiden nang makitang pumirma na si Rainzel sa consent form. "Kumain na kayo, mamaya na ulit tayo mag-usap sa hotel."
Pagkatapos maghapunan ay sumakay muli sila ng bus papunta sa tinatawag na Lakefront Hotel upang doon pansamantalang manatili at magpalipas ng gabi.
***