Kabanata 5 : Welcome to Guatemala

1209 Words
Dalawang kuwarto ang nirentahan nila sa Lakefront Hotel sapagkat hindi maaaring matulog si Rainzel kasama ang mga lalaki. Gayunman, ang pagpapahinga nila ay hindi tumagal sapagkat madaling araw pa lamang ay gumising na sila upang magpatuloy sa biyahe. Puyat at pagod ang dalawang kabataan na parehong natulog magdamag sa loob ng eroplano, samantalang si Caiden ay gising na gising dahil sanay na ito sa mahabang paglalakbay. At sa wakas, mula sa bintana ay namataan ni Caiden ang mga bulubundukin ng Guatemala—kasama na roon ang Acatenango Volcano. Kay ganda nitong pagmasdan dahil napapaligiran ito ng ulap at ng mga kulay ng papalubog na araw. Tinapik at ginising niya ang dalawang kabataan at sinabing malapit na silang maglanding. Ilang saglit pa ay nakababa na sila sa La Aurora International Airport. Kapansin-pansin agad ang pagbabago ng wika, kung sa Alaska karamihan ay nagsasalita ng English, dito naman ang lengguwaheng ginagamit ay Spanish. Mula sa mga destanation signs at mga food stalls, ginagamit ang wikang espanyol. Napakamot tuloy sa ulo si Mattia, naturuan siya ni Joriz ng ilang basic sa Spanish pero hindi niya akalaing mapapaaga ang pag-apply niya sa mga iyon. "Kaya kailangan n'yong sumali sa mga languange training, mahihirapan kayo kung wala kayong kaalam-alam sa ibat-ibang wika. Hindi lahat ng bansang mapupuntahan niyo ay marunong mag-english," paalala sa kanila ni Coach Caiden habang nakikipagpalit ng salapi sa currency exchange stall, malapit sa arrival hall ng airport. Napagtanto ni Mattia na marunong mag-spanish ang coach habang nakikipag-usap ito sa isang lalaki. "Quetzal ang tawag sa pera nila. Bibigyan ko kayo ng allowance, huwag kayong gagastos kung 'di naman kailangan," baling nito sa kanila at binigyan sila ng tig-isang libong quetzal. Pakiramdam nila ay para silang mga estudyanteng binabalaan ng tatay na huwag maging gastador. Hindi alam ni Mattia kung paano ang sistema ng currency sa bansang ito ngunit sa tingin niya ay malaki na ang isang libo. Magkano kaya ang kinikita ng HEAP? Araw-araw siguro ay milyon ang kinikita nila sa pagpapadala ng mga paranormal experts. Pero naisip din ni Mattia na milyon din ang inilalabas nilang pera para sa allowance ng international missions. Lumabas sila sa airport at hinintay ang taxi na inupahan ni Coach Caiden sa isang rental car company. "Tandaan ninyo, kapag international mission, mag-advance research na agad kayo ukol sa travel advisory ng bansang pupuntahan ninyo." bilin pa nito sa kanila bago sumakay sa sasakyan. Gamit ang phone at internet ay nag-book na rin sila ng dalawang kuwarto sa pinakamalapit na hotel. Pansamantala ay doon sila magpapahinga bago magsimula sa misyon bukas. *** Plantains, eggs at beans ito ang almusal nila kanina bago sila umalis sa hotel na tinuluyan. Parang nami-miss na ni Mattia ang mga Pilipinong putahe pang-almusal, ngunit masarap din naman ang pagkain ng ibang bansa. Ngunit kung pagbabasehan ang tanawin ay sadyang nakakagulat. Nang makalibot sila sa labas, naikumpara nilang maraming pagkakatulad ang Guatemala at Pilipinas. Ang mga sasakyan na tinatawag nilang Chicken Bus ay kamukha ng mga jeepneys ng kinalakihang bansa. Wala ring pagkakaiba ang itsura ng mga istraktura at bahay kung ihahambing sa mga israktura at bahay ng Pilipinas. Subalit kahit may air-condition ang chicken bus na sinakyan, tumutulo pa rin ang pawis ni Mattia dahil sa dami ng pasaherong pilit pinagkasya sa loob. Umurong siya palapit kay Rainzel na nasa tabi ng bintana. Parang naiilang na tumingin sa kaniya ang dalaga pero hindi nagsalita. "Ingat, baka madukutan kayo," wika sa kanila ni Coach Caiden na luminga sa kanila. Nakaupo ito sa harap nila. Dalawang tao lamang kasi ang kasya sa isang hilera ng upuan. "Kaya ba hindi mo inilalagay ang bag natin sa itaas dahil nag-aalala ka sa mga mandurukot?" Itinuro ni Mattia ang overhead luggage rack. Saglit na tumitig muna ang lalaki sa kaniya bago tumugon. "Ang mga bus driver dito ay nagbabayad ng protection fee. Kung magtatanong kayo kung ano ang protection fee, kailangan nilang magbayad sa mga g**g members para hindi sila pasukin ng masasamang loob. Sakop ng mga g**g ang mga dadaanan nilang kalsada kaya common sense lang mga anak. Its either they pay the price or risk their lives." Napanganga si Rainzel sa sinabi ng lalaki. Halatang nahintakutan samantalang poker face lamang si Mattia. "Well, kadalasan naman nagaganap ang arm robbery tuwing gabi. Umaga naman ngayon kaya sa tingin ko ay safe tayo," dugtong nito, "Pero pagdasal pa rin natin na hindi tayo maaksidente o matutukan ng baril." At hindi nakatulong ang sinabi ng lalaki, pakiramdam ni Rainzel ay namumutla na ang kaniyang buong mukha. "Wala naman pagkakaiba sa Pilipinas. Kahit saan naman lupalop ng mundo ay may magnanakaw." Napabuntong-hininga na lamang si Mattia. Pakiramdam niya ay sinasadya ng lalaki na takutin sila. At napag-isip-isip ni Mattia, "Is he testing us? Tinitimbang ba niya kung gaano kami katapang? Well, it doesn't matter to me but..." Napatingin siya sa katabing babae. "Ok ka lang, Rain?" Tumingin sa kaniya ang dalagita at pilit na ngumiti. "Y-Yes." *** Naging tahimik ang biyahe hanggang sa bumaba sila sa destinasyon. Pagkababa nila sa kalye ay naghintay pa sila ng ilang minuto. "Sino po ang hinihintay natin dito?" usisa ni Mattia sa lalaki. "Tandaan ninyo, mga bata. National missions will be supervised by a crime scene investigators. While international missions will be supervised by a personal informant. Hindi kayo pwedeng kumilos na walang kasamang informant. Ang mga informant ay tour guides na naninirahan sa bansa at may sapat na kaalaman sa kultura at wika." Natahimik bigla si Mattia dahil may naalala siyang tao. Nabanggit nina Joriz at Chubs, bago sila maghiwa-hiwalay na may national mission din ang dalawa kaya sa susunod na linggo na sila magtatagpong muli. Siguradong kasama ng dalawang kaibigan si Detective Buysit— ang imbestigador na palagi nilang kasama sa mga misyon sa Pilipinas. At marahil sa kasalukuyan ay nag-aaway-away na naman ang tatlo dahil hindi sila magkasundo sa maraming bagay. Bumalik ang diwa niya sa kasalukuyan nang may dumatingn na isang lalaking nakasakay sa asul na auto rickshaw. May katabaan ang katawan nito, bilugan ang mukha at kayumangging kutis na natural lamang sa mga Latinong Amerikano. Nanaog ito sa auto rickshaw na tinatawag nilang Tuk-tuk. Maya-maya pa ay nasa harapan na nila ang misteryosong lalaki. "Buenos Dias," bati nito sa kanila na ang ibig-sabihin ay magandang umaga. Tinanggal nito ang suot na cowboy hat at inilahad ang kanang kamay sa harap ni Coach Caiden. Inabot naman ng coach ang kamay nito upang makipag-handshake. "Mucho gusto," maikling tugon at bumaling sa dalawang kabataan. "Siya ang sinasabi ko sa inyong Informant." Itinuro ni Coach Caiden ang hindi pa nakikilalang lalaki. "Siya si Señor Alejandro Gonzales." "Welcome to Guatemala," nakangiting wika nito. "Gracias Señor," tugon naman ni Mattia. Thank you lang ang kaya niyang sabihin sa wikang espanyol. "You don't need to make an effort to speak Spanish if you can't. I can communicate in English," pabirong sabi nito pagkatapos ay bumaling muli sa unang kinausap. "Are you prepared? In order for you to meet your client in Antigua, we will travel there with my Tuktuk." "Is there sufficient seat for the three of us?" tanong ng coach. "Ofcourse. My vehicle can accommodate four passengers." "Okay. Cool." Wala nang pasubali pa na sumakay sila sa loob ng sasakyan. Nagkasya silang tatlo sa passenger seat na nasa likod ng driver. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD