HINAYAAN NI ROCCO na pakiramdam ang kanyang sarili sa loob ng ilang minuto. Hindi siya nataranta o gumawa ng kahit na anong magiging rason upang lalong lumala ang kalagayan niya. Kailangang makatayo siyang muli at maipagpatuloy ang mga dapat na gawin. Maraming umaasa sa kanya. Hindi sa ganitong pagkakataon siya matatalo. Makalipas ang ilang minuto, namula nang husto ang mukha niya. Tila ba umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang ulo. Nagsisipaglitawan din doon ang malalaking ugat niya kaya naman ganoon na lamang din ang kanyang pagpapawis. Tagaktak iyon dahil na rin sa mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Mayamaya pa, biglaang napatid ang kanyang paghinga. Tila nasa ilalim siya ng tubig at kinakapos sa hangin. Ang sumunod na minuto naman ay parang binuhusan siya ng balde-baldeng tubig na

