NAKATINGIN LAMANG SI Rocco sa pagbabago ng anyo ng kambing. Habang patuloy ang pagtubo ng balahibo nito ay siya ring patuloy ng pagbabago ng anyo nito. Ang kulay ng balahibo nito ay nagiging halos kulay pula. May panaka-nakang kulay na kahel, dilaw at puti. Ang kuko nito ay tila lalong nagiging matalim. Habang tumatagal ay para bang ang sinumang matamaan niyon ay siguradong ay mahihirapang malabanan ang matinding pagdurugo ng sugat na lilikhain ng kalaban. Napansin niya rin na may pagkakapareho ang nilalang na ito sa Kuletris ngunit sa kabilang banda ay napakalayo rin. Magulo ngunit iyon ang nakikita niya sa hindi malamang dahilan. Nang magsimulang gumalaw ang mga paa nito ay ganoon na lamang ang pabaon ng kuko nito sa lapag ng kinatatayuan. Tumunog pa ang sementong unti-unting nabibitak

