HINDI MAAARING GANITO nang ganito ang magiging senaryo ng pakikipaglaban niya. Hindi niya na kakayaning lumaban kapag tuluyan na nitong naibalik ang mga nawalang lakas. Habang patuloy sa pag-ilag dito, tumatakbo rin ang kanyang isipan kung paano ito matatalo. Hindi niya maaasahan ang kahit sino. Siya lamang ang naroon kaya responsibilidad niya ang mga susunod na mangyayari dito. Muling sinipat ni Rocco ang pinto kung saan naroon ang mundo ng Bulislis. Mabilis ang naging paglingon niya sapagkat maaaring matunugan nito ang binabalak niya. Hindi man ito nagsasalita ngunit alam niyang malakas ang pakiramdam nito. Ganoon na naman ang panlalaki ng mga mata ni Rocco nang tangkain siyang gamitan ng kuko ng kalaban. Dali-dali ang naging pagkilos niya. Hindi na siya nagdalawang-isip na pumasok s

