CHAPTER 75: Koza

1363 Words

MASAKIT ANG ULO NI Rocco nang magising. Nakita niya ang sarili na nasa tapat ng tatlong pinto. Nang una’y nandidilim pa ang kanyang paningin ngunit nang mga sumunod ay naging malinaw din iyon. Nakikita niya na ang lahat habang unti-unting bumabalik ang kanyang ulirat. Kaagad siya napatingin sa bahaging ininda kanina bago mawalan ng malay. Sinuri niya roon kung may sugat ang kanyang tiyan kaya ganoon na lamang ang dali-dali niyang pagtayo mula sa kinasasadlakan. Itinaas niya na ang damit, kinapa ang dapat na kapain ngunit wala siyang nakitang kahit na anong bakas ng sugat na labis niyang ipinagtataka. Inikot ni Rocco ang kanyang tingin. Nasa mahiwagang pasilyo pa rin siya kung saan naroon ang mga pintong kanyang pinasok kamakailan. Tila walang nangyari doon. Buong-buo pa rin iyon. “Anon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD