HINDI NIYA ALAM KUNG bakit sa tuwing nakikipaglaban ay ang mga taong umaasa sa kanya ang parating laman ng kanyang isipan. Maaaring dahil alam niya ang mangyayari sa oras na siya mismo ang maging dahilan ng pagkatalo. Lahat ay maaapektuhan. Lahat ay mahihirapan. Muli niyang sinangga ang naging pag-atake nito gamit ang kaliwa at kanan niyang kamay. Hindi pa man nito naiaalis ang kanang kamay ay umatake naman ang paa nito na naging dahilan ng kanyang pagkatisod. Mabuti na lamang at masyadong mabilis si Rocco upang hindi tuluyang madapa. Isa pa sa pinagpapapasalamat niya ay matibay at malakas ang kanyang pangangatawan kaya naman hindi tuluyang bumagsak sa lapag at naitukod niya kaagad ang kanyang isang kamay. Pabaliktad ang naging pagtayo ni Rocco. Nasa lapag ang mga kamay niya nang panaho

