KUNG SA IBA NANGYARI ang pinagdaanan niya lang ngayon-ngayon lang baka hindi na tumuloy ang mga ito at piniling umatras sa laban na kahaharapin. Hindi iyon pagiging duwag ngunit pagiging wais sa ganitong sitwasyon ngayon ngunit hindi niya piniling maging wais. Kanina nang magkaroon siya ng pagkakataon na lumabas sa kwartong magdadala sa kanya sa ibang bahagi ng Morefia, ang ginawa lamang ni Rocco ay huminga nang malalim upang sumisid muli sa katubigan. Inalam niya rin ang sitwasyon sa oras na lumabas siya ng silid na portal. Doon niya napatunayan na hindi lumalabas ang tubig sa mahiwagang kwarto. Hanggang doon lamang iyon sa pagitan ng pinto. Maging ang damit na suot niya ay hindi na rin basa nang makalabas siya. Nagdesisyon si Rocco na muling bumalik sa loob upang malam kung nasaang baha

