Candice POV
"Mom, please you should calm down first! baka hindi na tayo umabot sa pupuntahan natin."
"How can I calm down dear!? This is so f*****g unbelievable!"
"What the fudge mom you curse!? You've already violated the acceleration limit!"
"Who cares, you're safe on that seat belt."
Dahilan nito habang ang mga mata nya ay nakatutok pa rin sa harapan. Now I know kung bakit ganito na lang mag react si nerdy pag mabilis ang takbo ng kotse.
Gosh, I didn't plan to be killed by a car accident.
"Jesus Christ!!"
Hindi ko mapigilan tili nang bumangking lang naman si mommy sa isang kotse na kahit nag signal ito na pa left, eh sa left pa rin lumusot si mom.
Malakas tuloy na busina ang inabot namin, pero parang wala lang paki ang kasama ko na tutok pa rin sa pag d-drive.
What the hell! Tuluyan na talaga nawala ang jet lag at antok ko sa nangyari. Sa pagkaka alam ko napa aga ako nang gising dahil na-alimpungatan ako sa kirot nang aking ulo, kaya binalak kong bumaba para kumuha sana ng gamot.
Kaso, agad ako napapitlag nang marinig ko ang isang malakas na tunog na galing yata sa babasagin na bagay.
Ang akala ko nga ay na nakawan kami kaya dali-dali akong bumaba na nakasuot pa nang pajama. Tapos kahit kinakabahan ay mas minabuti ko pa rin tignan ito, dahil baka isa lang namin itong katulong.
Because I’m sure na mahigpit ang security namin, kaya mahirap pasukin ito pwera na lang kung nasa loob na ang mag nanakaw.
Subalit, laking gulat ko nang mabungaran ko si mommy na namumula ang mukha. at ang kaharap netong lalaki ay hindi na alam kung anong gagawin, dahil parang natuptop din ito sa kanyang pwesto.
"How did he do this to me!?"
Nahihimigan ang galit sa boses ni mommy, nag alala naman ako dito nang mapansin kong kinuha nya ang kalahating basag ng vase na hindi nya ata napansin nasugatan na ito.
Kaya bago pa nya itapon ulit ay agad ko na syang inawat.
"Stop mom! You're bleeding!"
"C-candice."
Nang hihina nitong tawag at pasalamat naman ay nakinig ito sakin. Pasalampak syang napaupo sa sahig na ngayon naman ay nakatulala na ito sa kawalan.
Binaling ko na muna ang aking atensyon sa lalaki na namumutla pero tahimik pa rin. Nang mapansin nya sigurong may nakatingin sa kanya ay sakto nag tama ang aming mata.
"Who are you?"
"A-ako po yung naka kota sa i-inbistigasyon n-na inutos sakin ng m-mama nyo."
Nauutal nyang pakilala at doon ko lang napansin na may nakakalat rin palang mga papel sa sahig.
"Pulutin mo ang mga papel."
Utos ko dito at agad nya naman sinunod. Tinulungan ko na rin si mommy makatayo at pinaupo sya sa couch.
"Yaya pakuha ng first aid kit."
Sakto na utos ko sa kakarating na yaya, halata pa sa kanya ang gulat pero nataranta itong kumilos nang mariin ko itong tinignan.
"Mom, what happened? Bakit ka nag hysterical sa ganitong oras?"
Madaling araw palang kasi at hindi pa sumisilip ang araw kaya mabuti na lang eh wala itong nadistorbo.
Hindi naman ako sinagot neto, kaya hinayaan ko na lang at pinagtuunan nang pansin ang sugat nyang kamay.
"M-mam ito na po ang mga papel."
Pag kuha nang atensyon sakin nang lalaki at tinuro ko na lang ang coffee table para doon nya ilagay. Nang matapos ko ang pag gamot, agad kong sinenyasan ang lalaki na sumama sakin.
"So, what is that all about? Bakit naging ganun ang mommy ko?"
Bungad kong tanong nang makalayo na kami, napakamot muna ito sa kanyang kilay bago tumayo nang maayos saking harapan.
"Nung makita nya ang laman ng folder."
"Ano ba yung folder na yun?"
"Isang case po kasi yun na matagal nang pinapa imbistiga ni mam andrea samin. Tas ngayon lang po nakuha ang tunay na resulta."
"Is that a case of Federico Greenmily?"
"Yes mam"
Pero bakit ganun na lang ang reaction ni mommy kung kay daddy pala iyon?
"Ano ba ang resulta?"
"Masyadong komplekado po mam, kahit nga po kami ay naguluhan at nalito pero ang pinaka importante po ay hindi na tu-----"
"Mam, si mam andrea po aalis!"
"What!"
Gulat kong reaction saking narinig at agad umalis sa presensya nang kausap ko.
"Mommy, where are you going!?"
Pero imbis na sagutin nya ako ay mabilis nyang pinaandar ang makina, kaya wala na akong magawa kundi ang sumakay...
At ito nga nandito na kami sa gitna nang madilim na kalsada na tanging mga road light lang ang nag sisilbing ilaw. Mabuti na lang talaga wala pang masyadong kotse dahil nga sa madaling araw pa lang.
Agad naman lumabas si mommy sa kanyang sasakyan nang maayos kaming nakarating sa bahay nila kim. Kaso walang hiya nag i-iskandalo naman agad ito sa labas nang gate kaya mabilis ko itong nilapitan at pilit hininto dahil nakakarindi ang paos na pag sigaw neto.
"Lumabas ka dyan! Federico! Lumabas ka dyan!!"
"Mom, please calm down will you! Madami kang mabubulabog dito natutulog pa sila!"
Pilit kong pampakalma, pero parang wala talaga itong naririnig. pero buti na lang ay bumukas na ang gate na automatic pala, kaya walang sinayang na oras na pumasok si mommy sa loob na ang tanging nagawa ko na lang ay sundan sya.
"Magandang gabi po, ano pong maipag lilingkod ko sa inyo?" Bungad nang katulong na nag bukas nang pinto samin.
"Where is federico? Dalhin mo ako sa kanya." Maatoridad naman na sabi nang aking ina na ikinangiwi ko dahil parang nakikita ko ngayon ang sarili ko sa kanya.
The heck!
"Pasensya na po mam pero di ko po maaring gawin yun dahil nag papahinga na po sya."
"I don't give a f**k! Where is he!? Federico! Federico!!"
Galit na sigaw ni mom na aking ikinagulat dahil kung tutuusin uuwi pa ata kaming may penalty dahil dalawang beses na ang violation nito.
"Mom!"
Wala naman akong magawa kundi sumunod sa kanya. Nako naman oh! ano ba kasi ang nangyayari!?
Hindi ko mapigilan sapo sa noo at agad nakisabay sa katulong na sundan si mom upang pigilan sya na ngayon ay malaya nang umaakyat sa hagdan papuntang second floor.
Oh my gosh.