Chapter 4

1388 Words
Magulo pa ang utak ni Brix kaya hindi niya sinabi sa pamilya at mga kaibigan niya na babalik na siya ng Pilipinas. Nang makalabas sa airport, sumakay na siya ng taxi para pumunta sa bagong restaurant ni Alice. American-inspired ang lugar, ito ang kaagad na ibinida sa kaniya ng kaibigan noong magka-chat sila dahil baka ma-miss naman ni Brix ang Amerika kapag umuwi siya ng Pilipinas. Dalawang taon na ang nakalipas pero wala namang masyadong nagbago. Traffic pa rin sa EDSA at napakainit ng panahon. Bumuntong-hininga na lang si Brix at tumingin-tingin sa paligid. Matapos ang halos apatnapung oras na byahe, bumaba na siya ng taxi. Huminto sila sa isang restaurant. Puro clear glass walls at may ilang parte na nilagyan ng bricks. May malalaking poster tarpaulins ang nakasabit sa bawat panels kaya naman hindi makikita nang husto ang loob kahit puro salamin ito. Pumasok na siya sa loob at naghanap ng upuan, amoy na amoy ang roasted chicken at burger sa loob. May waitress na lumapit sa kaniya at nagbigay ng menu. Sa sobrang gulat niya, napatitig siya sa dalaga. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at pabalik-balik. Mukhang hindi nito nagustuhan ang ginawa niya kaya bigla siyang sinampal. "You, p*****t! Bakit mo tinitingnan ang katawan ko? How dare you! Alam kong waitress lang ako rito at customer ka pero wala kang karapatan para tingnan ako nang ganyan!" matapang na singhal ng babae kay Brix. Napahawak si Brix sa pisnging nasampal ng babae. Naningkit ang mga mata ni Brix sa sobrang inis at biglang tumayo. "Nasaan ang manager dito? I want to complain about your waitress' manners!" Bigla namang lumabas ang manager, nakasuot ito ng itim na suit at pumipilantik ang baywang at daliri nito habang naglalakad. "May problema po ba Sir?" punong-puno ng paggalang ang pagsasalita nito. "I want her to be fired! Ipinahiya niya ako at sinampal!" Dinuro ni Brix ang babae. "Teka! Teka, Sir! Wala po akong ginawang masama! Manyak kasi siya kaya ko sinampal," pagmamakaawa ng babae sa manager nila. Hinila ng manager ang babae papunta sa kusina at sininghalan ito. "Kilala mo ba kung sino ang sinampal at ipinahiya mo? That is Mr. Brix De Vega! Kaibigan ng mismong may-ari ng rastaurant na ito! Kuha mo? I'm sorry but I have to fire you." Napanganga ang babae sa sinabi ng manager. Natanggal ito sa trabaho dahil sa manyak na lalaki? Gusto sanang sabunutan ng babae ang manager sa sobrang inis ngunit tila nawalan ito ng lakas. Napasandig na lang ang babae sa pader at pilit na tinanggap ang nangyaring kamalasan sa buhay nito. Hindi makapaniwala si Brix sa kaniyang nakita. May babaeng kamukhang-kamukha ni Nhico, ang problema lang ay para itong amazona. Nawalan na ng gana si Brix kaya nagpasya siyang umuwi na lang. Gulong-gulo ang kaniyang isipan. Puwede ba talaga iyon? Puwede ba talagang may taong kamukhang-kamukha mo na nabubuhay dito sa mundo pero ibang kasarian lang o kaya naman ay ibang lahi? "Manong pakibaba na lang ako riyan sa kanto. Ito po ang limang daan, sa inyo na ang sukli." Iniabot ni Brix ang pera sa taxi driver. "Naku! Thank you ho, Sir. Pogi niyo na, mabait pa," tuwang-tuwa si Manong. Napangiti siya sa sinabi ng lalaki. Bumaba na siya ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Nakita niya si Nanay Tessing habang nagpupunas ng mga kasangkapan sa salas. "Inay, nasaan po ba si Mommy?" Unti-unting humarap ang kasambahay kay Brix at niyakap siya sa sobrang tuwa. "Sir Brix, kayo po ba 'yan? Aba! Talagang ang laki ng ipinagbago niyo. Medyo pumuti pa kayo, bumagay naman po sa inyo," sambit ni Nanay Tessing habang nilalapirot ang kaniyang braso. "Iyan ang na-miss ko sa 'yo, Inay. Ang galing mo talaga mambola." "Ay, oo nga pala. Alam na ba ng Mommy at Daddy mo na uuwi ka? Naku! Hindi tuloy kami nakapaghanda at nakapag-ayos. Teka, kumain ka na ba? Ipaghahanda kita. Ano bang gusto mong kainin?" sunod-sunod na tanong ni Nanay Tessing na hindi niya alam kung paano sasagutin. "Kahit na ano po, gutom talaga ako. Hindi po ako nagsabi dahil susorpresahin ko sana kayo. Si Mommy po, nasaan?" muli niyang tanong. "Umalis si Maam, anak. Meron yata silang balak na magbukas ng bagong branch ng hotel. Pinuntahan nila ang site na pagtatayuan." Pumunta ang dalawa sa kusina upang maghanda ng pagkain si Nanay Tessing. "Salamat sa chicken sandwich at peach juice, 'Nay." Umupo ang dalawa sa harap ng lamesa. Kinain na niya ang sandwich habang nakikinig sa mga kuwento nito. Napansin niyang dumami na ang mga linya sa mukha nito. Inaalagaan siya nito mula noong tatlong taong gulang pa lamang siya. Nasa animnapu na ang edad nito. Dahil matandang dalaga at nasa malayong probinsya ang mga kapatid nito, tumira na ito sa kanila na bahagi ng pamilya nila. Nang mabusog siya at makapagpahinga nang kaunti, natulog siya pagkatapos. Puyat kasi siya dahil sa mahabang biyahe. * ** * "Nanay Tessing, dumating na po ba si Alex galing sa opisina?" tanong ni Vera sa kasambahay pagdating niya galing sa Makati. "Maam wala pa po, pero si Sir natutulog sa itaas," sagot nito sa kaniya. "Akala ko ba wala pa si Alex? Sino ang natutulog sa taas?" "Si Sir Brix po Maam." "What? Dumating na siya pero hindi nagpasabi? Lokong batang iyon!" Kaagad siyang umakyat ng hagdan papuntang second floor. Dumiretso siya sa kuwarto ng anak. Pagbukas niya ng pinto, kitang-kita niya ang mahimbing na pagtulog ng kaniyang unico hijo. "Maam, gusto raw po kayong sorpresahin ng anak niyo kanina. Wala nga lang po kayo at may pinuntahan kaya nagpahinga muna siya. Mukhang napagod nang husto sa byahe kaya tulog na tulog," sumunod si Nanay Tessing sa amo. "Ganoon po ba? Hintayin na lang natin siyang magising. Kumain na ba siya?" "Opo Maam. Kumain po siya bago matulog." Tumango-tango siya at isinara na ang pintuan ng kuwarto ni Brix. Maya-maya ay dadating na ang kaniyang asawa. Pumunta siya sa kuwarto at nagbihis. Nagdesisyon siyang bukas na lang kakamustahin ang anak. * * * * Biglang iminulat ni Brix ang kaniyang mga mata. Tila umiikot pa ang kaniyang paningin dahil sa biglang pagbangon. Tiningnan niya ang orasan na nakapatong sa sidetable. Alas siyete na ng umaga kaya naman pumapasok na ang liwanag ng araw sa kaniyang kuwarto. "Shoot! Napasarap ang tulog ko! Baka nakaalis na sila Mommy. Sayang... Hindi ko sila na-surprise." Bumangon na si Brix at iniayos ang kaniyang higaan. Pumasok siya sa banyo at mabilis na nag-shower bago nagsuot ng puting tshirt at asul na denim shorts. Bumaba na siya sa kusina nang makaramdam ng gutom. "O! Tamang-tama. Sumabay ka na sa amin, Brix," bati ng kaniyang Mommy. "Welcome home, anak. Halika na." Itinaas ng kaniyang Daddy ang hawak nitong mug na may lamang kape. "Himala! Bakit nandito pa kayo?" Binilisan niya ang pag-upo at pumuwesto sa harapan ng kaniyang Mommy. "Loko ka kasi. Hindi mo kaagad sinabi na uuwi ka. Kung hindi pa sinabi ni Nanay Tessing, hindi pa namin malalaman." Binatukan siya ng kaniyang ama, mahina at may halong lambing. Napahalakhak si Brix. "Sorry na po." "Mabuti naman at nandito ka na anak." Pilit na inabot ng kaniyang Mommy ang kaniyang kamay kaya naman hinawakan niya ito. "I miss you Mom." Maluwang na ngiti ang isinukli ng kaniyang ina. "Narinig mo iyon? Ako lang ang na-miss niya," pang-aasar ni Vera sa asawa. "Okay lang. Alam mo ba, sa sobrang pagka-miss sa iyo ng Mommy mo, umiiyak siya habang niyayakap ang litrato mo --" Napahinto sa pagsasalita si Alex dahil inapakan ni Vera ang paa nito. Lalong lumakas ang halakhak ni Brix. Hindi pa rin nagbabago ang kaniyang mga magulang. Nasa mid forties na ang dalawa ngunit tila mga teenager pa rin ang mga ito kung mag-asaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD