Iginala ni Brix ang kaniyang paningin sa loob ng bahay nang makapasok siya sa bahay. Ang sofa ay kulay itim na yari sa leather ang sapin, may bilog na salamin sa gitna na naaadornohan ng maliit na halaman sa gitna at mga magazines sa ilalim habang nalalatagan ng pulang carpet ang sahig ng buong salas. May fireplace sa bandang kanan, katabi ng mga tukador na maraming nakalagay na dvd at picture frames.
"Feel at home Brix. Pumunta lang sa kusina si Michelle sandali." Inakbayan siya ng kaniyang Uncle.
"Thank you po."
Mula sa kusina, sumilip ang kaniyang tiyahin. "Nakahain na. Let's eat our lunch. Alam kong nabitin si Brix sa isang chicken sandwich," paanyaya ni Michelle. Nanggaling ito sa pinto na nasa kanan, naroon ang kusina. "Ibaba mo na muna riyan ang gamit mo Brix. Kumain na tayo."
Tumango si Brix at sumunod sa mag-asawa. Tila pabango sa hangin ang amoy ng mga ulam. Mahabang lamesa na para sa walong tao ang nasa kumedor; yari sa kahoy ang lamesa pati na rin ang mga upuan. Umupo na silang lahat upang makapagsimula nang kumain.
"Chicken adobo, pork sinigang at nilagang baka ang pinahain ko, hijo. Just take your pick," pag-aasikaso ni Michelle sa kaniya.
"Kain lang nang kain Brix. Balita ko, kaya ka pumunta rito sa Amerika ay para mag-masteral ng urban planning. That's wonderful! Makakatulong iyon nang malaki sa architectural firm ng Daddy mo," puri ni Henry.
"Thanks Uncle, kain na rin po kayo." Tahimik na kumain si Brix at hinayaan lang na mag-usap ang mag-asawa.
Nang matapos siyang kumain, inihatid siya ni Michelle sa kuwarto na kaniyang tutulugan. Sakto lamang ang laki nito. Single bed sa gitna, malaking tukador sa kaliwa katabi ang pintong papunta sa banyo; sa kanan naman ay naroon ang study table, katabi nito ang malaking bintana kung saan puwedeng makita ang hardin sa labas. Umupo siya sa kama at kinuha ang cellphone niya upang tumawag.
"May kailangan ka pa ba Brix?" tanong ni Michelle.
"Wala na po, Auntie. Salamat po."
"O, sige. Hahayaan na muna kitang magpahinga. Bumaba ka na lang kung may kailangan ka," paalala ni Michelle bago nito isinara ang pintuan ng kuwarto.
Nag-dial ng mga numero si Brix at hinintay na sumagot ang nasa kabilang linya. "Hi Mom! Nasaan si Dad?" pangungumusta niya.
"Ayon, pumasok na sa opisina. How's your flight?" masuyong tanong ni Vera.
"Great! Pilipino rin pala ang dalawang kasambahay dito, sila Ate Letty at Ate Juliet kaya puro Filipino dishes ang niluluto nila. Nabawasan kahit paano ang pangungulila ko sa inyo." Sinubukan ni Brix na huwag maging emosyonal. Pero nabigo siya, hindi niya maiwasang hindi ma-homesick kahit kararating lang niya sa Amerika.
"Good to hear that Brix. Pinagkakatiwalaaan kita at naniniwala ako sa 'yo. Take care of your self. Mommy loves you," pagda-drama ng Mommy niya.
"I will, Mom. Goodbye. Gusto ko pong umidlip muna. Tumawag lang po ako para sabihin na nandito na ko sa bahay nila Uncle Henry. Kumain na rin po ako."
"Mabuti naman, anak. Sige, bye..."
Humiga na si Brix sa kama nang makapagbihis siya ng tshirt at short. Binigyan siya ng tsinelas na pambahay at kumpleto rin ang toiletries sa banyo nang mag-shower siya.
* * * *
Nakapasa si Brix sa mga exams at nakapasok sa X University at kumuha ng masteral sa Urban Planning. Nag-focus siya nang husto sa pag-aaral. Kinalimutan niya ang dating buhay sa Pilipinas. Para madagdagan ang experience niya at hindi masayang ang oras niya, Nag-apply din siya sa isang architectural firm. Nakuha naman siya bilang isang junior architect sa isang medium-size company.
Hindi rin inakala ni Brix na makakaya niyang tumigil sa pagiging babaero. O mas tamang sabihin na... Nawalan siya ng interes sa kahit na sino. Matapos ang anim na buwan niyang pag-aaral, wala siyang gustong muling makita kundi si Nhico na nakadamit na pambabae. Gusto niya ng tahimik na buhay pero hindi niya akalain na hindi siya makakatakas sa pambu-bully ng ibang lahi.
"Hey, handsome! Wanna try me?" bulong ng babae na nakasalubong niya sa pasilyo. Maraming lalaki ang pumapantasiya sa babae ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad. "What's your problem? Are you gay?"
Napalingon si Brix at nagsalita. "No, I'm not gay. I just don't like girls who wear skimpy clothes and act like whores."
She opened her mouth because of embarrasment. He's the first man who dumped her. Kumalat sa buong campus na bakla si Brix. Hindi na lang niya pinapansin kapag nilalait siya o pinagtatawanan. Kapag nag-iisa, napapaisip siya kung totoo bang bakla siya. Pero kung bakla siya, bakit ang Nhico na nakasuot ng bestida ang gusto niya?
Maraming nakilala si Brix habang nasa New York siya. Tambak ang trabaho at maraming kailangan gawin. Isang taon lang ang kinailangan niya para tapusin ang Masteral niya pero hindi pa rin siya umuwi ng Pilipinas. Hinayaan naman siya ng mga magulang dahil sinabi niyang gusto niya pang madagdagan ang experience niya.
Dahil karamihan sa mga naroon ay mga lalaki, doon na-realize ni Brix na hindi siya naa-attract sa ibang lalaki. Pero hindi pa rin naman noon nasasagot ang mga katanungan sa kaniyang isipan, bakit niya nagustuhan si Nhico?
Lumipas pa ulit ang isang taon. Habang nagbabasa ng messages si Brix sa acebook, doon niya napansin ang chat ni Nhico. Ikakasal na si Nhico at Sofia pagkatapos ng tatlong buwan, si Brix ang best man. Masaya siya para sa dalawa pero nasaktan siya nang malaman iyon. Kailangan niya nang harapin ang reyalidad. Pumayag si Brix sa pagiging best man bago siya nag-log out.
Kinausap ni Brix sila Henry at Michelle sa plano niyang pag-uwi ng Pilipinas. Pumayag naman ang mga ito. Nagpaalam si Brix na babalik na siya sa kaniyang kuwarto. Naiwan naman sa salas ang mag-asawa. Hindi mapigilan ni Michelle na mag-alala. Matagal na nitong napapansin ang malaking pagbabago ng kaniyang pamangkin.
"I'll talk to him."
"Ano iyon, babe? May sinasabi ka?" tanong ni Henry.
"Wala, babe. Pupuntahan ko lang si Brix para tanungin kung kailangan niya ng tulong sa pag-iimpake." Humalik si Michelle sa mga labi ng asawa bago tumayo. Naiwan itong nanonood ng t.v sa sala. Umakyat si Michelle sa kuwarto ni Brix at nagsimulang kumatok.
"Brix, Aunt Michelle here. Can I come in?"
Binuksan ni Brix ang pinto. "Bakit Auntie? May problema ba?"
"Gusto sana kitang makausap, hijo. Nakikita kong may problema ka, matagal na. Nag-aalala na ko."
"Wala naman pong problema Auntie." Pilit siyang ngumiti sa harap ng tiyahin.
"Oh my, Brix. Dalawang taon din tayong nagkasama rito sa bahay, anak na ang turing ko sa 'yo. Sabihin mo sa 'kin ang lahat ng bumabagabag sa 'yo. I'm willing to listen." Tumitig si Michelle sa pamangkin at dahan-dahang umupo sa tabi ng kama.
"Auntie... Will you promise to keep it a secret? Kahit kay Uncle Henry?" seryoso si Brix kaya nangako si Michelle. Ikinuwento niya rito ang lahat, pati ang mga nararamdaman at iniisip niya tungkol sa pagpapakasal ni Nhico kaya tinanong siya nito.
"Are you ready to face them Brix?"
"Hindi ko alam Auntie, lalo akong naguguluhan."
"Well in that case, mabuti pang umuwi ka nga ng Pilipinas. Malalaman mo kasi ang totoo mong nararamdaman kapag nakita mo sila. Naniniwala akong hindi ka bakla, malay mo, makahanap ka ng babae na kamukhang-kamukha ni Nhico sa Pilipinas. Be optimistic." Ngumiti si Michelle upang palakasin ang loob ni Brix.
Napaisip si Brix sa sinabi ng tiyahin. Dahan-dahan siyang ngumiti at niyakap si Michelle. "Thank you po."
Nang umalis si Michelle sa kaniyang silid, binuksan niyang muli ang laptop niya. Nag-send siya ng resignation letter sa boss niya na tinanggap naman dahil sa pamimilit niya. May isang buwan pa siya para turuan ang papalit sa kaniya.