Chapter 19 - Letting Go is the Hardest Thing to Do

2053 Words
FIVE YEARS LATER “Happy anniversary, honey!” nakangiting bati ni Chris bago niya ibinaba ang pumpon ng bulaklak sa puntod ni Dani. Lagi niya itong dinadalaw magmula noong malaman niya na dito nakalibing ang bangkay ng kanyang asawa. Hindi na siya nagpumilit na ilipat pa ito sa ibang libingan kahit pa pinipilit siya ng mga magulang nito. Nahiya na rin siya sa mag-asawang Bautista na tumulong sa asawa niya noong panahong higit nitong kailangan ang tulong at suporta at pamilya nito. Saka abo na lang ang maililipat niya kung sakali dahil na-cremate ang katawan ng asawa niya. Iyong anak naman nila ay fetus pa kaya ayaw rin niyang magkahiwalay ang mag-ina niya. “Kailan mo ba ako susunduin? Kayo ng anak natin? Naiiip na ako. Nahihirapan na rin akong mabuhay sa araw-araw. Kung hindi lang sa kompanya na ipinagkatiwala ni papa sa akin, baka ibinangga ko na lang iyong SUV ko para matapos na ang paghihirap ko. Minsan nga naisip ko pa na humingi ng isag bote ng alak ni Jak para laklakin ko na lang. Baka kapag nasobrahan ko ang pag-inom sa alak na iyon, sa halip na babae ang hanapin ng katawan ko, magpapakalunod ako sa pinakamalapit na dagat. Nagsasawa na ako sa buhay na ito, honey.” Nakasanayan na niyang kausapin ang puntod ng asawa niya sa tuwing dumadadalaw siya rito. Natutuhan na rin niyang tawagin itong honey katulad ng pagtawag niya rito noong gabing lango siya sa alak at may nangyari sa kanila. Kung sana hindi siya naging gago, buhay pa sana ang mag-ina niya. Hindi niya kailanman mapapatawad ang sarili niya dahil sa sinapit ng kanyang asawa at magiging anak sana. Ni hindi nga niya magawang aminin ang totoo sa mga magulang ni Dani. Tandang-tanda pa niya ang naging usapan nila noong puntahan niya ang mga ito pagkatapos niyang dalawin ang puntod ng asawa niya. “Papa, mama, I’m sorry po kung hindi ko naisama si Dani sa pagpunta ko rito. Ang totoo niyan, nag-away kami kaya umalis siya ng bahay. Hanggang ngayon hinahanap ko pa rin siya.,” pagdadahilan ni Chris. Nagkatinginan ang mga magulang ni Dani. “Ano ba kasi ang pinag-awayan ninyo?” tanong ng papa nito. Napalunok si Chris. “Pinaghinalaan ko po kasi siya na may karelasyon na ibang lalaki,” lakas-loob niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ng mag-asawa. Napatakip pa ng kanyang bibig ang mama ni Dani. “Ibig mong sabihin nanlalalaki ang anak ko? Paano mo nasabi iyon?” galit ang tinig na usisa ng ama ni Dani. “Naghinala lang po ako kasi minsan lang naman may nangyari sa amin tapos bigla niyang sasabihin na buntis na siya. Kaya naisip ko po na baka may ibang lalaki ang asawa ko.” Halos manginig ang boses ni Chris habang nagpapaliwanag sa mga magulang ni Dani. “Hindi magagawa ng anak ko ang ibinibintang mo. Napakabait na bata ni Dani. Hindi niya magagawang manloko ng tao lalo na at mag-asawa kayo. Wala rin namang nobyo ang anak ko kahit na noong hindi pa kayo magkakilala,” sabad ng mama ni Dani. Napayuko si Chris. Hindi niya akalaing ganoon pala ang pagkatao ng asawa niya. “Sorry po. Ginagawa ko po ang lahat ng paraan upang makita ko po siya. Kahit ano pa ang mangyari, hindi ako titigil hanggang hindi ko nakikita si Dani. Pangako ko po iyan sa inyo.” Halos hindi makatingin nang diretso si Chris sa mga magulang ng asawa niya habang sinasabi niya iyon. Kinakain siya ng konsensiya niya. “Kaya humihingi po ako ng tulong sa inyo kung saan ko po maaaring makita ang asawa ko,” dagdag pa niya. “Sandali lang at ililista ko ang mga pangalan ng mga kaibigan at kaklase niya. May mga number din sila na maaari mong tawagan. Kami na ang bahala ng papa mo na magtanong-tanong sa mga kamag-anak namin at iba pang kakilala,” saad ng mama ni Dani. “Salamat po, ‘ma,” nahihiyang sabi ni Chris. Habang gumagawa ng listahan ang mag-asawa, bigla niyang naalala na may isa pa pala siyang pakay kaya siya naglakjas-loob na humarap sa mga biyenan niya. Hinintay lang niyang makuha ang listahan bago niya sila tinanong. “Pamilyar po ba sa inyo ang kuwintas na ito?” Ipinakita ni Chris ang kuwintas niya na nakita ng mga maid sa gamit na naiwan ng kanyang asawa. “Kuwintas ito ni Dani, ah. Naiwan ba niya ito?” usisa ni Mama Eliza. Parang biglang nawalan ng lakas ng loob na sumagot si Chris kaya tumango na lang siya. “Matindi ba ang pag-aaway ninyo na kahit ang pinakaimportanteng gamit niya ay naiwan niya?” Lalong napipi si Chris sa tanong na iyon ni Papa Romy. Ilang segundo siyang natahimik bago siya naglakas-loob na magsalita. “Sa inyo po ba galing ang kuwintas na iyan?” Magkasabay na umiling ang mag-asawa. “Hindi kami ang nagbigay ng kuwintas na ito kay Dani. Ang kuwento ng mommy ko na lola ni Dani, may isang binatilyo daw na tinulungan ang anak namin noong minsang nagbakasyon siya sa probinsiya. Ibinigay daw ng binatilyong iyon ang kuwintas na ito bilang pasasalamat sa ginawa ng anak ko para sa kanya.” Nanlamig ang buong katawan ni Chris sa kanyang narinig. Pakiwari niya ay lalong bumigat ang dalahin niya sa kanyang dibdib at balikat. “Ibig sabihin si Dani po ay siya iyong batang nagligtas sa akin noon. Ako po kasi ang may-ari ng kuwintas na iyan at ibinigay ko iyan kay Ellie bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagtulong niya sa akin.” “Oh! Ikaw pala iyon! Bakit kaya hindi ka nakilala ni Dani? Sabagay matagal ng panahon iyon. Bata pa ang anak ko kaya hindi ka niya siguro maalala. Isa pa’y ang lola lang naman niya ang nagtatawag sa kanya ng Ellie. Mas kilala siya ng lahat bilang si Dani. Pero lagi niyang suot ang kuwintas na ito magmula noon. Minsan nga binibiro pa niya kami na hinihintay daw niyang balikan siya ng may-ari ng kuwintas na nangakong pakakasalan siya balang araw. Kaya nga ayaw niyang makipag-boyfriend dahil may prince charming na raw siya at kailangan na lang niyang hintaying bumalik,” kuwnto ni Mama Eliza. Animo’y pinipit na parang bawang ang puso ni Chris sa kanyang nalaman. Gusto niyang magsisigaw. Pero naisip niyang baka lalo lamang siyang mapahamak kapag ginawa niya iyon sa harapan ng magulang ni Dani. Bakit nga ba napakalupit ng tadhana sa kanilang dalawa ni Dani. Pareho pala silang umaasang magkikita silang muli.n. Ngunit nang magkita naman sila ay hindi nila nakilala ang isa’t isa. What an irony! Hindi na siya nagtagal na makipag-usap sa mga biyenan niya. Hindi niya matagalan ang pag-uusig ng kanyang konsensiya. KInakain siya ng guilt habang tumatagal ang kanilang pag-uusap. Nagpaalam na lang siya nang maayos. Balak sana niyang iwan sa kanila ang luwintas ngunit tumanggi si Mama Eliza. “Itago mo muna iyan. Ibalik mo na lang iyan kay Dani kapag nagkaayos na kayo at babalik siya sa piling mo.” Naumid ang dila ni Chris Hindi na mangyayari ang inaasam ni mama ni Dani dahil wala na ang anak nila. Hindi lang niya masabi nang diretsahan sa kanila. Kailangan muna niyang mag-ipon ng maraming lakas ng loob upang umamin sa mag-asawa kung ano talaga nangyari sa kanila ni Dani. Hindi doon natapos ang kalabaryo ni Chris. Kinakailangan din niyang harapin ang kanyang mga magulang. Kung ano ang sinabi niya sa mga magulang ni Dani ay inulit lang niya iyon sa mama at papa niya. Ang hirap magpanggap pero kailangan niyang panindigan. Hindi dahil takot siya sa mga biyenan niya o sa mga kanyang mga magulang. Pero ayaw lang niyang magkagulo sila. Alam niyang hindi iyon magugustuhan ni Dani. Kaya nga pumayag itong maging kapalit ng ate nito para lang matulungan ang kapatid. Nagsakripisyo ito hindi lang para sa mga magulang nito kung hindi pati na rin sa nag-iisa nitong kapatid. Napaka-selfless ng asawa niya. Bulag lang siya noon kaya hindi niya nakita ang mga magagandang katangian ng kanyang asawa. Kailangan pang mangyari ito sa kanila bago niya na-realiza ang lahat ng kanyang nagawang kasalanan sa asawa niya. Kung maaari nga lang niyang hilingin sa langit na pabalikin kahit ang asawa niya, matagal na sana niyang ginawa iyon nang sa gano’n ay makabawi man lang siya sa mga pagkukulang niya sa kanyang asawa. Pero wala nang pag-asa na muli niyang makakasama si Dani. Iniwan na siya nito nang tuluyan. Ilang buwan din siyang nagkunwaring naghahanap kay Dani kahoit na sa totoo lang ay umabot na siya sa dead end. Iniwasan din niyang dumalo sa mga pagtitipon lalo na iyong makikita niya roon ang mga magulang ng asawa niya. Nakokonsensiya na siyang humarap pa sa kanila. Ultimo iyong kasal nina Dexter at Kara ay hindi siya dumalo. Baka makantiyawan lang siya ng mga kaibigan nila. Kaya nagdahilan na lang siya na busy sa paghahanap sa kanyang asawa kahit na alam naman niya kung nasaan na ito. Hindi pa rin niya magawang aminin ang katotohanan sa mga magulang ni Dani at kahit sa sarili niyang magulang. Inabot pa siya ng ilang buwan bago niya nasabi ang totoong kalagayan ni Dani Noong una ay galit na galit si Papa Romy sa kanya. Baka raw may kinalaman sa away nila ang dahilan ng kamatayan nito na sinegunadahan naman ng mga magulang niya. Hindi na lang siya umimik. Hinayaan niya sila sa kanialng ispekulasyon. Wala namang magbabago kahit ano pa ang sabihin nila dahil matagal nang namatay ang asawa niya at hindi na ito muling babalik sa buhay niya. Pinilit niyang mabuhay nang maayos sa nakalipas na taon. Pero habang tumatagal ay lalo siyang nahihirapan. Ilang beses na niyang tinangkang ibuwis ang kanyang buhay. Makailang beses na siyang nasangkot sa car accident pero heto at buhay pa rin siya. May ilang pagkakataon na rin na sinubukan niyang magpakalunod sa dagat. Pero lagi namang may nagliligtas sa kanya. Iyong magbigti, uminom ng lason , at magbaril sa sarili ang hindi niya nagawa. Hindi niya kasi kaya. Mas gugustuhin pa niyang bumalik na lang sa SEAL para doon na sana siya bawian ng buhay ngunit ayaw naman siyang tanggapin pabalik sa dati niyang trabaho. Ang suhestiyon nila ay pumasok na lang siya sa CIA. FBI o sa iba pang organisasyon. Ngunit sa tuwing maiisip niyang mawawalay siya sa kanyang mag-ina ay nagbabago ang isip niya at hindi siya tumutuloy. Hindi niya kasi kayang iwan ang puntod ng mag-ina niya kahit wala na ang mga ito. Para bang kapag hindi niya sila dinalaw kahit dalawang beses lang sa isang buwan ay nadagadagan ang mga kasalanan niya sa kanila. Kaya halos linggo-linggo ay dinadalaw niya angnkanyang mag-ina at dinadalhan ng bulaklak katulad ngayon. Espesyal pa nga ang araw na ito dahil ikalimang anibersaryo ng kasal nila ngayon. Kung nabubuhay lang sana ang mag-ina niya ay siguradong malaki na ang panganay nila at malamang may kapatid na rin ito na isa o dalawa. Pero maagang binawi ng langit ang buhay ng mag-ina niya. Hindi niya kasi sila inalagaan lalo na ang asawa niya. Kung nalaman lang sana niya nang maaga na si Ellie at Dani ay iisa, sana hindi sila humantong sa ganito. Sana sinunod na lang niya ang madalas bilin ng yaya niya sa kanya noong magkasama pa sila ni Dani, na dapat alagaan niya at pahalagahan ang kanyang asawa niya. Ang tigas kasi ng ulo niya, maging ang kanyang puso. Nagbulag-lagan siya sa nakikita niyang magagandang katangian ng asawa niya. Ang tanging nakikita niya at naaalala ay ang nagawa nitong kasalanan. Kung tutuusin ay hindi naman kasalanan ni Dani na tumakas ang ate nitong si Kara. Mganda pa nga ang motibo nito na palitan ang ate niya para lang matuloy ang kasal nila. Siya naman itong sig ago, nagalit sa ginawa nito. Hindi niya naisip na balang araw ay lalambot din pala ang puso niya at matututuhan niya itong mahalin./ Pero sayang dahil huli na nang ma-realize niyang mahal na pala niya ang kanyang asawa. In-denial lang siya noon. Natatakpan ng galit niya ang totoong nararamdaman niya para kay Dani. Ngayon kahit magsisi pa siya ay hindi na niya maibabalik pa ang lahat sa dati. Hindi na babalik ang buhay ng asawa niya at anak. Hindi na rin niya matutupad ang ipinangako niya kay Ellie. Sayang ang napakaganda sanang love story nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD