“KUMUSTA naman ang pabrika, anak?” usisa ng papa ni Chris.
May apat na taon nang nag-retire sa pagiging president ng Galvez Industries. Nasa kamay na ni Chris ang pamamhala sa lahat ng negosyo na nasa ilalalim ng kompanya kabilang na rito ang Nikita Garments, mga pabrika ng mga pambatang damit sa Laguna at Cavite, Galvez Technologies o ang mga computer retailer shops na nagkalat sa iba’t ibang mall sa buong bansa, at ang Gaz Up o mga gasoline station na may mga branches sa buong Pilipinas.
Mga maliliit lang na negosyo kung tutuusin pero napakarami ng bilang kaya nagiging malaki ang kita at responsibilidad niya rito bilang CEO at President ng buong kompanya.
Pero minsan parang gusto nang bumitaw ni Chris sa laki ng responsibilidad niya. Parang gusto na rin niyang mag-retire tulad ng papa niya. Hindi niya kasi maibigay ang buong puso niya sa negosyo. May ibang parte ng pagkatao niya ang parang gusto nang sumuko, hindi dahil sa bigat ng responsibilidad na nakaatang sa kanya kung hindi dahil nawawalan na siya ng gana.
Magmula nang malaman niya ang katotohanan sa pagkatao ni Dani, kinain na siya ng guilt at matinding panghihinayang. Iyon din ang nagtulak sa kanya para unti-unti siyang panghinaan ng loob. Wala na kasi siyang inspirasyon para magpatuloy sa araw-araw.
Oo nga at kaya pa niyang magtrabaho at gampanan ang responsibilidad niya pero pagdating sa gabi, nahihiraoan na siyang makatulog. Ilang taon na rin niyang paulit-ulit na napapanaginipan ang nangyaring sunog sa bahay noon ng lola niya. Sa panaginip ding iyon niya nakikita ang batang si Ellie/
Kaya paggising niya sa umaga ay basa ng luha ang unan niya. Umiiyak yata siya sa kanyang panaginip. Pero ni minsan ay hindi siya dinalaw ni Dani sa kanyang panaginip. Hindi man lang ito nagpaparamdam sa kanya para kahit sa panaginip lang ay makahingi siya ng tawad dito.
Ngunit may ilang pagkakataon na napapanaginipan niya ang isang batang lalaki na tinatawag siyang daddy. Malinaw pa sa isip niya ang panaginip niya rito noong isang gabi.
“Hey! Where are you going?”
Nilingon ang pinanggalingan ng maliit na tinig. Isang bata ang nakita niya sa kanyang likuran. Tantiya niya ay nasa apat o limang taon lang ito. Nakasuot ito ng malalaking stripe na blue at white polo shirt na naka-tuck-in sa maong na pantalon. May suot din itong makintab na black leather shoes.
Wala itong ibang alahas sa katawan maliban sa suot nitong pambatang relo na may black na strap. Maayos at malinis ang gupit nito. Napakaguwapo nitong tingnan lalo na kapag ngumingiti dahil lumalabas ang pantay-pantay nitong ngipin at biloy sa magkabilang p[isngi.
Katamtaman lang ang pangangatawan nito at hindi mukhang tabain. Maputi rin ito kaysa sa pangkaraniwang kulay ng mga Pinoy. Kung hindi lang siguro itim ang kulay ng buhok nito at maging ang mga mata ay iisipin niyang may dugo itong banyaga.
Matatas kasi itong magsalita ng English na para bang first language nito ang wikang iyon. Pero minsan na rin niya itong narinig na nagsalita sa Tagalog.
“You did not answer my question, daddy?” untag ng bata nang hindi siya sumagot.
“Ah, I’m going for a walk,” sagot na lang niya dahil hindi rin naman niya alam kung saan talaga siya pupunta.
“Are you looking for my mommy?” nakangiting tanong nito.
Napalunok si Chris. Hindi niya kilala ang bata kahit ilang beses na niya itong nakausap. Kaya nagtataka siya kung bakit tinatawag siya nitong daddy. Sinita na niya ito noon pero makulit ito at sinabing siya raw ang daddy nito. Ngayon pati ang mommy nito ay mukhang hinahanap na rin sa kanya.
“Ah, no. I don’t know who your mommy is,” tugon niya.
Napasimangot ang bata. Kasunod nito ay parang may luhang namumuo sa gilid ng mga mata nito.
Pambihira naman! May mapapaiyak pa yata siyang bata nito, ah. Nilapitan niya ang bata saka niya ito niyuko.
“Hey! I really don’t know who you are. I don’t even know your name. That’s why I have no idea who is your mommy,” apologetic niyang sabi rito.
Tiningala siya ng bata. “You can call me any name you want to. I don’t have a name yet. But I know that I have a mommy and a daddy.”
Napakurap ng ilang beses si Chris. Hindi siya makapaniwala sa pinagsasabi ng bata. Mayroong bang bata na kasinlaki nito pero wala pang sariling pangalan?
Pinagpantay ni Chris ang mukha niya sa mukha ng bata. “Where are your mommy and daddy? Why didn’t they give you a name?”
Nagkibit-balikat ang bata. “They might not love me that they have forgotten to give me a name.”
Nalaglag yata ang panga niya sa kanyang narinig. May magulang ba na hindi mahal ang sariling anak? “Hey! Don’t cry. Would you like me to give you a name?”
Mabilis na tumatango ang bata.
“What shall I call you?” Napaisip siya nang malalim.
Hindi umimik ang bata. Nakangiti lang ito habang titig na titig sa kanya.
Parang nakita na niya ang mukha nito. Hindi lang niya maalala kung saan.
“Can I call you, Charlton?” Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang pangalang iyon. Basta ang alam niya malapit iyon sa pangalan ng papa niya.
“I like that!” Pumapalakpak pa ang bata.
Nakahinga siya nang maluwag. Hindi niya alam kung bakit sumasakit ang dibdib niya kapag nakikita niya itong nalulungkot o naiiyak.
“Alright, Charlton, I better go. See you next time!” Hinagkan niya ang noo nito saka niya ginulo ang buhok ng bata saka niya ito tinalikuran. Nakadalawang hakbang pa lang siya nang muling magsalita si Charlton.
“Wait! Where are you going, daddy?”
Daddy na naman!
Napahinto siya sa paglalakad. Saka siya napakamot ng kanyang ulo. Muli niya itong hinarap.
“Can you stop calling me, daddy?” Ang alam niya ay binata pa siya at wala pang asawa. Ngunit hindi niya matandaan kung may girlfriend na siya.
“Huh? Why should I? You are my daddy!” Halos ipagsigawan na nito ang salitang iyon.
Nagpapalatak si Chris. Nilingon niya ang buong paligid. Noon lang niya napansin na nasa tabi lang pala sila ng bukirin. Walang ibang tao sa paligid maliban sa kanilang dalawa. Wala rin siyang nakikitang bahay. Ang pinakamalapit na istruktura ay kulang-kulang na isang daang metro pa.
Saan nanggaling ang batang ito? Bakit naglalakad din siya sa ganitong lugar? Ano’ng ginagawa niya rito?
Mukha silang parehong naliligaw sa lugar na iyon kung ang pagbabasehan ay ang kanilang suot. Nakasuot kasi siya ng pang-opisina at mukha siyang papasok sa trabaho. Pero bakit wala siyang dalang sasakyan? Tapos naglalakad lang siya sa ganitong klaseng lugar.
“I am not your daddy, Charlton.”
Marahas na umiling ang bata. “No! Don’t say that! I love you, daddy. I love you so much, you and my mommy.” Yumakap na ang bata sa mga hita niya.
Akmang ilalayo niya ang bata sa kanya nang maramdaman niyang nababasa na ang suot niyang pantalon.
Umiiyak ang batang ito?
“Hey, Charlton! Why are you crying?” usisa niya rito habang hinahagod ang likod nito.
Nag-angat ng ulo ang bata ngunit nakakapit pa rin ang maliliit nitong kamay sa hita niya. Hilam na ng luha ang mukha nito.
“Because you don’t love me! You want to leave me behind! Why would you want to leave me?”
Napanganga si Chris. Hindi siya makapaniwala sa pinagsasabi nito. Nagbukas siya ng bibig para sana sagutin ang tanong nito pero walang lumabas na salita mula sa kanya kaya itinikom na lang niya ito.
Lalong lumakas ang pag-iyak nito na para bang pinalo niya o inagawan ng laruan.
Wala na siyang nagawa kung hindi buhatin ito dahil ayaw nang tumigil sa pag-iyak. Sumandal naman ito sa balikat niya kaya iyong coat naman niya ngayon ang nagsisimula nang mabasa dahil sa luha nito.
Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak kahit hinahagod niya ang likod nito. Ano nga ba ang dapat niyang gawin para mapatahan ito?
“Okay. Fine. I’m bringing you with me. Are you sure no one is going to look for you?” Baka mamaya bigla na lang may humabol sa kanila at pagkamalan siyang kidnapper. Wala naman siyang intensyong kunin ang bata. Gusto lang niyang tumigil sana ang pag-iyak nito kaya nga isasama.
“Just mommy,” sambit nito nang humihina na ang pag-iyak nito.
“Mommy? Where is your mommy?”
Inilayo ng bata ang mukha nito sa balikat niya. Ngayon ay nakaharap na ito sa mismong mukha niya.
“You go and look for her. She is waiting for you a long time ago.”
Pinandilatan niya ito. Ano ba ang pinagsasabi ni Charlton?
Napasinghot ang bata. Natakot yata sa ekspresyon ng mukha niya kaya ibinaling na lang niya sa paligid ang kanyang tingin. Nasa gitna na sila ng daan. Lubak-lubak ito at hindi sementado. Mabuti na lang at mataas ang sikat ng araw kaya hindi maputik. Tanging ang alikabok sa paligid ang nakikita niya at nalalanghap.
Nakapagtatakang hindi nagrereklamo ang bata kahit medyo mainit ang tama ng sikat ng araw. Hindi rin naman siya apektado dahil sanay siya sa mainit na disyerto at maalikabok na lugar. Mas sanay siya sa ganoong lugar kaysa sa naka-aircondition na kuwarto o opisina.
“Where can I see your mommy?” muling usisa niya sa bata.
“I cannot tell you. But you will have to look for her,” sagot naman nito. Tumigil na ito sa pag-iyak pero basa na rin ang halos buong mukha nito. Tumutulo na rin pati ang sipon nito.
Inilabas niya ang kanyang panyo mula sa bulsa ng pantalon niya. Pinunasan niya ang buong mukha ni Charlton.
“Okay, we’ll go and look for your mommy. Then when we found your mommy, I’m going to leave you with her,” wika niya habang ibinabalik sa bulsa niya ang kanyang panyo.
Umiling-iling ang bata.
“Hey! What’s that?” nagtatakang tanong niya.
“No, don’t leave us. You have to bring mommy and I with you wherever you go. Don’t ever leave us or drive us away from you. Mommy is going to cry like a river. I might even die if you do that.”
Napakunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ni Charlton. Napakalalim nang sinabi nito. Hindi niya maunawaan kung bakit sa kanya nito sinasabi ang mga bagay na iyon. Ano ang koneksyon niya sa batang ito?
“I don’t understand what you are trying to tell me. Can you speak Tagalog? Ipaliwanag mo nga sa akin kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi mo.”
Sumeryoso ang mukha ni Charlton. Napatitig ito nang husto sa kanya.
“You may not understand what I’m trying to tell you now. But don’t ever forget our conversation today. Someday you will remember all of these talks. If you will not follow them then something awful will happen to you, to my mommy, and to me as well. If that happens, you might regret all your actions and decisions you have made. There is no turning back. You cannot undo the past. You can only make good of the future.
Don’t ever hurt my mommy. She loves you so much, more than you ever know. She will not love any other man except you. Remember that she is waiting for you. Don’t ever leave her or push her away. If you ever do that then you will lose her, and my life will be put in danger. You might not love her today but don’t hurt her. She is worth keeping. You will never find another woman like her in your lifetime. So, take good care of her when you meet again. Can you promise me that?”
Lalong naguluhan si Chris sa pinagsasabi ni Charlton. Napakamatalinghaga ng mga binibitiwan nitong salita. Parang hindi ito normal na bata. Napaka.mature nitong mag-isip at magsalita.
“Okay, promise.” Itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay.
Ngumiti si Charlton. “Don’t ever break your promise or you will lose the ones you love.”
Napalunok siya. Nakakatakot naman ang sinabi nito.
“Okay, I’ll remember that. So, let’s go and look for your mommy.” Nagsimula na siyang maglakad. Ngunit napahinto rin siya pagkatapos ng ilang hakbang.
“Where is your house anyway? I could not find any house here.”
Nagkibit-balikat ang bata. Napakamot tuloy siya sa kanyang ulo.
“Do you know where your house is? Or are you lost?”
“You know where I live because that is your house, too. You will build a big and beautiful house for me and my mommy.”
Masisiraan yata siya ng ulo sa pakikipag-usap sa batang ito. Nalilito na siya at naguguluhan sa mga lumalabas na salita sa bibig nito.
“Okay, I’ll just ask around. Maglalakad muna tayo hanggang may makita tayong tao na puwedeng mapagtanunga. Sorry kasi nakalimutan kong magdala ng sasakyan ko para sana madali tayong makaalis.” Sinadya niyang magsalita na sa Tagalog. Baka sakaling maengganyo ang bata na sagutin siya sa ibang lengguwahe. Baka mas malinawan siya sa pinagsasabi nito kapag hindi na ito nagsasalita ng English.
“It’s okay. Walking isa a good exercise.”
Oops! Nakakaintindi naman pala ito ng Tagalog ngunit mukhang ayaw lang nitong magsalita sa ganoong lengguwahe. Hindi na bale. Mamaya na lang niya ito kukulitin.
Ilang minuto na rin silang naglalakad sa gitna ng araw nang may matanaw siyang malaking bahay. Napahinto siya sa paglalakad nang biglang sumigaw si Charlton.
“Mommy!” hiyaw nito at nagpupumilit na bumaba.
Ibinaba naman niya ito agad. Mabilis itong tumakbo papunta sa malaking bahay. Nang sundan niya ito ng tingin ay nagulat siya sa kanyang nakita. May isang babae na nakatayo sa nakabukas na gate. Kinarga nito si Charlton saka mahigpit na niyakap. Pinaghahalikan naman ng bata ang buong mukha ng babae.
Sinubukan niyang lumapit sa dalawa. Ngunit agad siyang napahinto nang makilala ang babae.
“Dani?”
“Chris, iho, may problema ba? Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?”
Parang biglang natauhan si Chris nang marinig ang tinig ng ama. Hindi pala niya namalayang nag-space out siya habang kumakain at nag-uusap sila sa harap ng hapag-kainan.
“Papa, ano na po ba iyong tinatanong ninyo?” nahihiyang usisa niya.
“Kinukumusta ko lang ang pabrika natin sa Laguna,” sagot nito.
“Pupunta po ako roon mamayang hapon para ayusin ang problema ng mga empleyado.” Nagwelga kasi ang mga trabahador kaya dalawang araw ng walang produksiyon. May hinahabol pa man din na shipment ang pabrika.
“Sige, anak. Ayusin mo iyon habang maaga bago pa ito lumala.”
Tumango siya at muling ibinalik ang atensyon sa kanyang pagkain. Pero natapos na siyang kumain at nasa sasakyan niya, hindi pa rin maalis sa isip niya ang kanyang panaginip.
Sa pagkakatanda niya ay matagal na niyang napapanaginipan iyong tungkol sa bata. Nag-aaral pa lang yata siya noon ng kolehiyo nang una niya itong mapanaginipan. Nasa SEAL na siya noong bumalik ang panaginip na iyon. Magmula noon madalas na itong laman ng kanyang panaginip. Tumigil lang ito ilang uwan bago siya umalis sa serbisyo.
Saka muli na naman siya nitong dinalaw sa mga nakalipas na taon. Hindi niya maunawaan kung bakit lagi niya itong napapanaginipan noon. Pero ngayon malinaw na sa kanya ang lahat.
Iyong batang pinangalanan niyang Charlton ay malamang iyon ang batang dala-dala ni Dani bago ito namatay. Kaya hindi niya makilala ang sinasabi ni Charlton na mommy nito dahil hindi pa niya nakikita noon si Dani.
Premonition pala iyon. Nagpakita sa kanya nang maaga si Charlton para bigyan siya ng babala. Pero binalewala niya lang iyon kaya nagkatotoo ang sinabi nito. Kung sana nakinig siya at sinunod ang sinabi nito, malamang buhay pa sina Dani at Charlton.