Chapter 4 -The Man of My Dreams

2179 Words
“LINISIN mo itong kuwarto. Tutal naman nakikigamit ka rito. Huwag mo nang ipalinis sa iba. Ikaw na mismo ang maglinis dito,” utos ni Chris. Tumango na lang si Dani. Kababangon lang niya mula sa higaan. Late ba siyang nagising? O sadyang maaga lang ang pasok ngayon ni Chris? Dati-rati kasi ay nasa banyo pa ang aswa niya kapag nagigisng siya. O kaya naman ay nag-aalmusal pa lang ito. Pero ngayon paalis na ito para pumasok. Nilingon niya ang wall clock na nakasabit sa taas mismo ng headboard ng kama ni Chris. Alas-sais pa lang ng umaga. Bakit ang aga yatang pumasok ng asawa niya? “Ano pa ang itinutunganaga mo riyan? Kumilos ka na! Huwag kang mag inarte! Nakikitira ka lang dito! Wala ka sa sarili mong pamamahay!” bulyaw ni Chris. Napilitang tumayo si Dani. Nilapitan niya ang kama ni Chris at sinimulan niyang ligpitan ang pinaghigaan nito. Animo’y dinaanan ng bagyo ang kama. Sumasayad na sa sahig ang comforter. Nalaglag din sa baba ang isang unan. Tanggal naman ang supot ng isa pang unan. Maging ang kubrekama ay hindi na maayos ang pagkakalagay. Sinadya ba ng asaw niya na guluhin ang kama nito? Hindi naman kasi ganito kagulo ang kama nito kapag nagigising siya sa umaga. Mas maayos namang tingnan kaysa sa itsura nito ngayon. Kung hindi lang niya alam na mag-isa lang na natutulog si Chris sa kama nito, iisipin niya na may kasama itong natulog kagabi “Kapag wala ako rito, huwag mong susubukang lumabas ng bahay. Dito ka lang. Hindi ka aalis hangga’t hindi ako umuuwi. Naintindihan mo?” Muling tumango si Dani. “Sumagot ka kapag kinakausap kita! Ayokong tumatango ka lang diyan! Hindi ka naman pipi, ano?” singhal ni Chris. “O-Oo, Chris. Gagawin ko ang sinabi mo,” mahinahong sagot ni Dani. “Gagawin mo ang alin?” matalim ang mga matang tanong ni Chris. Napalunok si Dani nang sulyapan niya si Chris. Nakakainis lang! Kahit nagagalit na ang asawa niya, hindi pa rin nababawasan ang kaguwapuhan nito. Kaya tuloy hindi niya magawang mainis dito. Una sa lahat, kasalanan naman niya kung bakit inabot siya inabot ng ganitong kapalaran. Pumayag siyang palitan ang ate niya para lang matakasan nito ang kasal kay Chris. Nawalan siya ng karapatang magreklamo. Kung hindi siya pumayag sa gustong mangyari ng ate niya, wala sana siya sa sitwasyong ito. Hindi sana siya nahihirapan ngayon. Pero kapag hindi naman siya pumayag sa plano ng ate niya, kawawa naman ito. Matigas ang paninindigan ng kapatid niya na hindi nito gusto si Chris. Pero may isa pang dahilan kung bakit ginusto niyang tulungan ang kanyang kapatid. “Nagkita kami at nagkausap ni Charlie Galvez. Ipinaalala niya sa akin iyong usapan namin noong nag-aaral pa kami sa college. Akala ko biruan lang iyon pero sineryoso pala niya,” nangingiting kuwento ng papa ni Dani. Nakikinig lang sila habang nagkukuwento ang kanyang ama sa harap ng hapag-kainan. “Charlie Galvez? Sino iyon?” usisa ng mama niya. “Siya iyong bestfriend ko noong college. Matagal kaming hindi nagkita. Lately ko lang nalaman na siya pala ang CEO ng Galvez Industries, iyong number exporter ng children’s clothes. Sila iyong gumagawa ng Kidzstuff,” tugon ng papa niya. “Kidzstuff? Iyong sikat na clothing line na pambata?” malapad ang ngiting tanong ng mama niya. “Oo nga. Sa kanila iyon.” “Wow! Ang galing, ah! Baka puwede kong idagdag sa collection ko sa boutique iyong mga product nila. Kausapin mo siya, Charlie. Sabihin mong gusto kong maging local distributor ng Kidzstuff para naman madagdagan ang kita ng boutique. Tutal bestfriend mo pala siya.” “Well, madali lang iyong gawin. Pero tingin ko mas mapapabilis ang pagpayag niya kung papayag din tayo sa gusto niyang mangyari,” wika ng daddy niya. Hindi sana papansinin ni Dani ang usapan ng mga magulang niya kung hindi siya siniko ng ate niya nakaupo sa kanyang tabi. Napatingin siya agad dito. Inilapit ng ate niya ang mukha nito. “Kinakabahan ako sa pinag-uusapan nina mama at papa,” pabulong nitong sabi. Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit?” pabulong din niyang tanong. Hindi na nakasagot ang ate niya dahil nagulat sila sa sumunod na usapan ng mga magulang nila. “Ano ba ang gusto ng kaibigan mo?” “Gusto ni Charlie na ituloy iyong usapan namin noon na iyong magiging anak namin ay magkatuluyan bilang mag-asawa.” Biglang nagkatinginan sina Dani at ang ate niya. Pinandilatan pa siya ng kapatid niya na para bang sinasabi nitong tama ang hinala nito. “Nag-iisa lang iyong anak ni Charlie. Dahil ikaw ang panganay Kara, ikaw ang ipapakasal ko kay Chris.” Lumikha ng tunog ang nalaglag na kutsara ng ate niya. Samantalang si Dani ay napatakip naman ng kanyang bibig para mapigilan ang sariling humiyaw. “Papa, ayoko pa pong mag-asawa. Bata pa po ako. Twenty-three lang ako,” reklamo ng ate ni Dani. Biglang pinukpok ng papa nila ang mesa. Sa lakas ng impact nito ay muntik nang malaglag ang mga nasa mesa. “Tumatanggi ka? Bakit ayaw mo? Nakita mo na ba iyong anak ng kaibigan ko para tanggihan mo siya? Saka wala ka namang boyfriend, hindi ba? Hindi na bata ang twenty-three! Kasing-edad mo nga ang mama mo noong ikinasal kami!” bulyaw ng papa nila. Pare-pareho silang hindi nakaimik. Maging ang mama nina Dani ay hindi nakapagsalita. “Kung hindi ka papayag na magpakasal sa anak ng kaibigan ko, sino ang ipapakasal ko kay Chris? Si Dani ba? Alam mong nag-aaral pa ang kapatid mo! Siya ang bata pa at hindi ikaw!” Lalo silang natameme sa sinabi ng papa niya. “Magpapakasal ka kay Chris sa ayaw at sa gusto mo. That’s final!” Padabog na tumayo ang papa nila at mabilis na nilisan ang hapag-kainan. Hindi naman ito pinigilan ng mama nila. Kapag mainit ang ulo ng kanilang ama ay walang nagsasalita sa kanila o kumokontra sa sinasabi nito. Maging ang mama nila ay takot sa kanilang ama. “I’m sorry, anak. Kilala mo naman ang papa ninyo. Kapag sinabi niya, kailangan nating sundin kung hindi malilintikan lang tayo. Basta ang isipin mo na lang ay matutulungan mo si mama sa kanyang boutique. Sisikat ang boutique at malaking pera ang kikitain kapag naging distributor tayo ng Kidzstuff. Alam mo naman siguro na hindi maganda ang takbo ng negosyo ng papa mo ngayon, hindi ba, Kara?” Hindi sumasagot ang ate ni Dani. Nakikinig lang ito sa sinasabi ng mama nila. Gustuhin man niyang tulungan ang ate niya, wala naman siyang magagawa. Kinabukasan ng gabi ay nalaman niyang makikipagkita ang mga magulang niya kasama ang kanyang ate sa pamilya ng mapapangasawa nito. Hindi na siya isinama dahil hindi naman daw kailangan ang presensiya niya. Kaya naghintay na lang siya sa kanila sa bahay. Hindi niya maiwasang mag-alala lalo na nang makita niyang parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura ng ate niya nang dumating sila. “Kumusta iyong pinuntahan ninyo, ate?” usisa ni Dani nang puntahan niya ang kapatid sa kuwarto nito. “Ayokong magpakasal, Dani. Ayoko sa kanya,” naiiyak na saad ng ate niya. “Bakit ate? Pangit ba siya? Masama ba ang ugali niya?” Umiling ate niya. “Kahit pa guwapo siya o mabait, wala akong pakialam. Hindi ako interesado sa kanya. Ayoko talagang mag-asawa pa. Marami pa akong gustong gawin sa buhay,” himutok ng kapatid niya. Tinabihan ni Dani ang ate niya na nakaupo sa gilid ng kama nito saka niya ang inakbayan ang kapatid. “Ate, kung may magagawa lang sana ako para pigilan ang kasal ninyo, gagawin ko. Pero kilala mo naman si papa, hindi ba? Lahat ng sasabihin niya ay kailangan nating sundin.” Ipinatong ng ate niya ang ulo nito sa kanyang balikat saka tahimik na umiyak. Parang piniga ang puso ni Dani sa reaksyon ng kapatid niya. Kung may magagawa lang sana siya. Hinayaan niyang umiyak ang ate niya. Ito lang naman ang kaya niyang gawin para sa kapatid niya. Ilang minuto rin na umiiyak ang ate niya bago ito kusang tumahan. “Ano nga pala ang itsura ng lalaking iyon? Siguro pangit siya, ano? Kaya lalong ayaw mong magpakasal sa kanya?” pagbibiro ni Dani. Dinampot ng ate niya ang cellphone nitong nakalapag sa side table. May pinindot ito bago inabot sa kanya. “Iyan siya, Dani,” wika ng ate niya nang tanggapin niya ang cellphone nito. Napaawang ang labi ni Dani nang makita ang picture kung saan kasama ng ate niya ang isang guwapong lalaki. Nakaharap ang dalawa sa camera ngunit pareho silang hindi nakangiti. Kaya lang kahit hindi ngumingiti ang lalaking kasama ng ate niya, napakaguwapo pa rin nito. Ito ang yata ang pinakamagandang lalaki na nakilala niya sa buong buhay niya. Twenty-one na siya pero ngayon lang siya nakakita ng ganito kaguwapong lalaki. Iyong mga nakikita niya sa university nila ay halos binabae o kaya naman mukhang mga punk. Hindi katulad ng lalaking ito na iba ang aura. Lalaking-lalaki ang dating. He fits exactly the kind of man she is dreaming of – tall, mestizo, and handsome. Paano’ng hindi niya iisiping matangkad ang lalaki gayong nakaupo silang pareho ng ate niya sa picture? Matangkad ang ate niya dahil limang talampakan at anim na pulgada ang taas nito, mas maliit lang siya ng kaunti rito. Pero ang lalaking kasama ng kapatid niya ay mas malayong mataas kaysa sa ate niya. Mukhang foreigner pa ang lalaki dahil bukod sa maputi ito, mukhang light brown pa ang mata nito. Kapag pinagtabi silang dalawa, baka maging kape at gatas sila. Mas maputi pa ang ate niya kaysa sa kanya. Namana niya ang kulay niyang kayumanggi sa papa niya. Samantalang nakuha naman ng ate niya ang kulay nito sa mama nila. “Ang guwapo pala niya, ate. May lahi ba siyang foreigner?” “Oo guwapo siya pero hindi ko sure if may may dugo siyang foreigner. Pero hindi ko pa rin siya gustong maging asawa. Mabuti naman sana kung kamukha niya si Kuya Dexter.” Muntik nang malaglag ni Dani ang hawak niyang cellphone. “Bakit nasali ang pangalan ni Kuya Dexter dito?” Kilala niya ang sinasabi ng ate niya. Pinsan nila iyon sa father side. Pero bihira nilang makita kasi naka-base ito sa US. “Kung mag-aasawa rin lang ako, pipiliin ko na iyong kamukha ni Kuya Dexter, iyong kasing-guwapo niya, ano?” Pinandilatan ni Dani ang ate niya. “Crush mo ba si Kuya Dexter?” kinakabahang tanong niya. Namula ang buong mukha ng ate niya. “Hey! Atin-atin lang ito, ha? Huwag mong ipagsasabi sa iba lalo na kina mama at papa.” Tumango si Dani. “Crush ko si Kuya Dexter noon pa. Pero pinsan kasi natin kaya pinipigilan ko iyong sarili ko. Kaya nga ang gusto kong mapangasawa ay siya o kaya kahit kamukha na lang niya.” Kulang na lang ay tumalsik palabas ang mga eyeball ni Dani dahil sa narinig niya. “Ate naman! Sa lahat ng magugustuhan mong lalaki, si Kuya Dexter pa talaga.” Tinaasan siya ng kilay ng kapatid niya. “Ano’ng magagawa ko? Sa kanya nga tumibok ang puso ko. Basta manahimik ka na lang,” katuwiran nito. Natapik na lang ni Dani ang kanyang noo. Magmula ng gabing iyon ay hindi na nila pinag-usapan pa ang tungkol sa pinsan nila. Pero hindi na rin maalis sa isip ni Dani ang mukha ng mapapangasawa ng kanyang kapatid. Parang nakikisama naman ang pagkakataon sa kanila. Nang samahan niya ang kapatid sa final fitting ng wedding gown nito ay naroon din si Chris. Ipinakilala siya ng ate niya rito. “Nice meeting you, kuya,” matamis ang ngiting wika niya nang makipagkamay siya rito. Nginitian lang siya nang matipid ng lalaki. Pinakawalan din nito agad ang kamay niya. Pero pakiwari ni Dani ay nasa cloud nine siya ng oras na iyon. Mas guwapo pala sa personal si Chris. Mas malaki ang pangangatawan nito at ang tangkad. Nangmumukha silang bansot ng ate habang kaharap nila ito. Sayang nga lang at hindi siya ang bride nito. Kung puwede lang sana na siya na lang ang magpakasal dito at hindi ang ate niya. Hanggang ngayon ay hindi nagbago ang pagtingin niya kay Chris kahit nahihirapan siyang pakisamahan ito. Iniisip niyang napakapalad niya dahil natupad ang pinapangarap niyang maging asawa niya ito. “Kinakausap kita, Dani! Bakit hindi ka sumasagot?” Napapitlag si Dani nang marinig ang mataas na tinig ni Chris. “Sorry. Ano na nga ba iyong tinatanong mo?” Nag-space out pala siya nang hindi niya namamalayan. “Ano iyong sinasabi mong gagawin mo ang lahat?” “Ah, ang ibig kong sabihin ay gagawin ko ang lahat ng gusto mo kasama na iyong inuutos mo,” pagliliwanag niya. Bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi nito. “That’s good. Kung ganyan ka lagi, magkakasundo tayo.” Bago pa makapag-react si Dani ay tinalikuran na siya ni Chris. Napa-buntunghininga na lang siya. Willing naman talaga siyang gawin ang lahat para sa pagsasama nilang mag-asawa. Umaasa siyang lalambot din ang puso ng asawa niya. Sana…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD