Chapter 6 -Loving the Wrong Person

2244 Words
GABI na nang umuwi ang mga bisita ni Chris. Nasa kuwarto noon si Dani nang marinig niya ang ingay at tawanan. Napatayo siya mula sa kinauupuan saka siya sumilip sa bintana. Nakita niya ang mga kaibigan ni Chris na nagsisipasok na sa kani-kanilang mga sasakyan. Pare-pareho ng lasing ang mga ito kung ang pababase ay ang mga salitang lumalabas sa mga bibig nila na dinig na dinig niya dahil malapit lang sa kuwarto ni Chris ang lawn na kinapaparadahan ng mga sasakyan nila.Ang lalaswa ng mga pinag-uusapan nila na hindi normal sa isang taong hindi naman lasing. Mukha namang matino ang mga kaibigan ng asawa niya noong makaharap niya ang mga ito kanina. Pero ibang usapan na pala kapag nalasing ang mga mga ito. nagbabago pala ang mga pagkatao nila. Ibang-iba sa mga lalaking nakaharap niya kanina. Naririndi siya sa mga lumalabas na salita mula sa kanila. Parang gusto niyang magtakip ng tainga. Graduating siya sa Fashion Designing at parte ng pag-aaral nila ang pagdo-drawing ng hubad na katawan ng tao bago nila ito lagyan ng damit at diensyuhan. Pero hindi pa rin siya sanay sa ganoong usapan. Palibhasa hindi pa kasi siya nagka-boyfriend kahit kailan kaya siguro gano’n. Ni hindi rin niya nakahiligan iyong ginagawa ng mga kaklase niya na nanonood ng mga scandal at porn kaya kung makapagsalita ang mga ito napakalaswa at normal na lang sa kanila ang ganoong usapan. Pero sa kanya hindi dahil ang tangi niyang alam ay iyong mga napag-aralan nila sa loob ng klase. Kaya habang nakikinig siya sa usapan nina Chris at mga kaibigan nito, napapaisip siya kung ganito ba ang lahat ng lalaki kapag nalalasing. Nakakatakot naman kung gano’n. Kaya nga nagtataka siya sa kanyang sarili kung bakit natitiis niyang makinig sa usapan ni Chris at ng mga kasama nito dahil kung sa ibang pagkakataon ay tatalikod na siya o aalis na lang. Siguro dahil may asawa na siya ngayon kahit pa hindi asawa ang turing sa kanya ni Chris. Kahit hindi normal ang pagpapakasal nila, sa puso at isip niya may asawa na siyang tao kaya kailangan na niyang masanay sa mga ganitong mga pangyayari. Saka lang umalis sa tabi ng bintana si Dani nang makita niyang nakaalis na ang lahat ng sasakyan ng mga kaibigan ni Chris. Napansin din niyang bumalik na sa loob ng bahay ang asawa niya. Lumabas na rin siya ng kuwarto para salubungin ito. Ngunit nang makarating siya sa puno ng hagdan, para siyang sinaksak ng kutsilyo. Kitang-kita niya kung paano halos mahalikan ni Chris ang maid na umaalalay sa pag-akyat nito. Ang pesteng babae naman ay tuwang-tuwa at kinikilig pa yata ang buong katawan nito. May karapatan naman siyang magselos dahil asawa niya si Chris. Saka sa isang maid lang siya ipagpapalit ni Chris? Wala na bang taste ang asawa niya? Nagmamadaling sinalubong niya ang dalawa. Humarang na siya sa daanan nila dahil mukhang ayaw magpapigil ng maid. Tuloy-tuloy lang ito sa inot-inot na paghakbang kahit halos matutumba na sila. “Ako na ang bahala sa asawa ko.” Pinagdiinana pa niya iyong huling salitang binitiwan niya. Hindi agad kumilos ang maid. Nakatitig lang ito sa kanya na para bang walang kuwenta ang sinabi niya. Pinanlisikan niya ito ng mata. Parang gusto niyang itulak na lang ito para makabitiw kay Chris. “Ako na lang ang maghahatid sa kanya sa kuwarto,” sabi ng maid. Tinaasan ito ng kilay ni Dani. Hindi mo ba narinig ang sinabi ko. Ako na ang bahala kay Chris dahil ako naman ang asawa niya at hindi ikaw,” matigas niyang sabi. “Pero ̶ ˮ “Tse! Bakit ba mas marunong ka pa sa akin? Asawa ka ba niya? Girlfriend? Kabit?” Pinandilatan na nang husto ni Dani ang maid. Gusto pa sana niya itong itulak kung hindi lang siya nag-aalala na mahuhulog ito sa hagdan at baka madamay pa si Chris. Hindi umimik ang maid. Pero hindi naman ito kumilos para tumabi o alisin ang kamay sa katawan ni Chris. Kaya sa inis ni Dani, hinila na niya si Chris at siya na ang umalalay dito. Mabuti na lang at nasanay na siya sa mabigat na trabaho kaya hindi siya gaanong nahirapan. Nang lingunin pa niya ang maid ay nakatayo pa rin ito kung saan niya iniwan. Seryoso ang mukha nito kaya pinukulan niya ito nang matalim na titig. Grabe ah! Kung umasta ito parang pagmamay-ari nito ang asawa niya samantalang maid lang ito sa bahay ni Chris. Kahit pa hindi maayos ang trato sa kanya ni Chris, asawa pa rin siya nito kaya walang karapatan ang ibang tao na agawan siya ng posisyon ng ibang tao. Pagdating nila sa kuwarto ay pabagsak niyang ibinaba ang katawan ng asawa niya. Nangawit ang balikat at braso niya sa bigat ni Chris. Inayos niya ang pagkakahiga nito sa kama. Tinanggal na rin niya ang suot nitong sapatos at medyas. Nagdadalawang-isip pa siya kung bibihisan niya ang asawa niya o hindi na. Mabigat ito kaya alam niyang mahihirapan siya. Pero pagkaraan ng ilang segundong nakatitig siya sa guwapo nitong mukha, nagpasya siyang bihisan na lang ito. Ang una niyang inalis ay ang suot nitong pantalon. Ilang beses siyang napalunok nang tumambad sa harapan niya ang bumubukol nitong boxers. Hindi pa siya nakakita na siya ng totoong ari ng lalaki. Pero naririnig niya ang kuwentuhan ng mga kaklase at kung paano nila ilarawan iyong pribadong parte ng lalaki. Kung pagbabasehan niya ang mga narinig niyang kuwento, baka ang alaga ng asawa niya ay mukhang mas malaki pa sa pinag-uusapan ng mga kaklase niya noon. Tulog na tulog pa ang asawa niya sa lagay na ito. Paano pa kaya kung gising ito? Gaano kaya kalaki ang alaga nito? Hindi siya sigurado kung malalaman pa niya iyon kasi hindi naman sila nagtatabi ng higaan. Alangan naman bosohan niya ito habang naliligo o nagbibihis ang kanyang asawa. Nakakahiya naman yata iyon. Uy! Umamin ka na lang Dani na gusto mo ring mag-make love kayo ni Chris at interesado ka ring makita ang hubad na katawan ng asawa mo. Wala namang mali roon kasi mag-asawa naman kayo. Iyon nga lang galit sa iyo ang asawa mo kaya hanggang pantasya ka na lang muna. Manalangin kang bumait siya sa mga susunod na araw para magbago ang pakikitungo niya sa iyo para makatikim ka na rin ng paboritong pagkain ng mga mag-asawa. Ipinilig ni Dani ang kanyang ulo. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya. Ipinagpatuloy na lang niya ang pag-alis sa pantaas na damit ng asawa niya. Gaya ng dati, napalunok na naman siya ng ilang beses na para bang may bumara sa lalamunan niya nang makita niya ang halos hubad ng katawan ng kanyang asawa. Tanging ang suot nitong boxers ang natitirang saplot nito. Kung totoo man ang mga kuwento tungkol sa mga Greek gods, hindi magpapahuli ang asawa niya. Ang lapad ng balikat nito, mabato ang dibdib, at may ipinagmamalaki pa itong walong pandesal. Kung nagkataong mahilig siya sa kape at nakakain ang pandesal ng asawa niya, baka isinawsaw na niya ito sa mainit na kape. Pero alam niyang wishful thinking lang iyon. Luluhod muna siguro siya at mananalangin ng maraming beses bago siya pansinin ng asawa niya. Mabuti nga at tulog ito ngayon kaya may pagkakataon siyang pagsawaang titigan ang katawan nito. Ang amo pala ng mukha nito kapag tulog. Akala mo ay anghel na napakabait at inosente. Kabaligtaran kapag gising ito dahil mukha itong mabangis na leon na laging nakahandang silain siya. Napahugot siya ng malalim na hininga. Bumaba siya ng kama at nagtungo sa banyo. Binasa niya ang face towel saka naglagay ng tubig sa tabo. Pinatakan pa niya ito ng alcohol Tapos bumalik siya sa kama at masuyong binanyusan ang buong katawan ng kanyang asawa. Ngayon lang siya mabibigyan ng pagkakataon na mapalapit nang ganito sa asawa niya kaya lulubusin na niya. Nasisiguro niyang kapag nagising ito ay wala na naman siyang silbi rito kung hindi ang maging yaya at utusan nito. Masakit man sa dibdib pero kailangan niyang tiisin ang buhay sa piling nito. Kawawa ang ate niya kapag hindi niya iyon gagawin. Siguradong pababalikin iyon ng mga magulang nila. Hindi niya gustong mahirapan ang ate niya. Isa pa’y gusto rin naman niya talagang mapalapit kay Chris kahit noon pa. Kung hindi man nito masuklian ang sakripisyo niya, masaya pa rin siya kasi kasama niya ito at hindi ibang babae ang naging asawa nito. Mas masakit iyon para sa kanya. Nang ibababa na niya ang boxers ni Chris ay ipinikit niya ang mga mata. Ayaw niyang makita iyon at baka hindi siya makatulog ngayong gabi. Pagod pa man din siya at kailangan niyang makapagpahinga. Pagkatapos maalis ang boxers nito ay mabilisan niya itong pinunasan habang nakapikit pa rin. Nang matapos siya ay kumuha siya ng pantulog at underwear ng asawa niya. Pumikit siya ulit nang isuot niya ang boxers nito. Saka niya inayos nang matakpan na ang alaga nito. Pero kahit paano ay apektado pa rin siya dahil ilang beses niyang nasagi ang alaga nito. Napapangiwi siya kapag dumidikit sa balat niya ang itinatagaong p*********i ng asawa niya. Ilang babae na kaya ang nakatikim ng alaga nito? Biglang nagtakip ng kanyang bibig si Dani nang maisip ang tanong na iyon. s**t! Hindi niya dapat iniisip pa ang bagay na iyon. Masasaktan lang siya dahil sigurado siyang babaero ang asawa niya. Sa gandang lalaki rin nito, malamang pinipilahan ito ng mga babae. Nagkataon lang na siya ang nakapirma sa marriage certificate nila. Kung hindi ay baka mapasama rin siya sa listahan nito ng mga babaeng napaloko rito. Pagkatapos niyang mabihisan ang asawa niya ay tumabi siya rito sa higaan. Dahil tulog na tulog pa rin ito, niyakap niya ito. Hindi pa siya nakuntento, inihilig niya ang ulo sa dibdib nito saka kinuha ang isang braso ni Chris at ipinatong sa katawan niya na para bang niyakap siya nito. Pumikit siya at ninamnam ang nakaw na sandaling ito. Natatakot siyang hindi na ito mauulit pa kaya lulubusin na niya nang husto. Pero hindi siya makatulog. Nasa dibdib pa rin niya ang pag-aalala na baka biglang magising ang asawa niya at magwala ito. Nagmulat siya at kinuha ang kanyang cellphone. Magsi-selfie muna siya na kayakap ang asawa niya. Kung hindi na mauulit ang ganitong eksena, at least may maiwan man lang siyang souvenir na maari niyang itago at titigan kapag nararamdaman niyang nahihirapan na siya. Pagkatapos niyang makakuha ng letrato ay inayos na niya ang katawan ng asawa. Natukso pa siyang halikan ito sa noo, tungki ng ilong, pisngi, at maging sa labi nito kahit dampi lang. Natatakot kasi siyang kapag diniinan niya ang paghalik rito ay baka magising ito at malintikan siya. “I love you so much, Mr. Christian Angelo Galvez. Kahit masungit ka, barumbado, pinapahirapan, at pinapahiya mo ako, mahal pa rin kita. Puwede ko bang hilingin sa langit na bago ako mauntog at magising sa katotohanan ay matutuhan mo rin akong pahalagahan kahit kaunti lang? Kahit hindi mo na ako mahalin katulad ng pagmamahal mo doon sa batang babaeng nagligtas sa iyo noon, basta tanggapin mo lang ako bilang asawa mo, ayos na sa akin. Sapat na iyon. Hindi naman ako humihingi ng bagay na hindi mo kayang ibigay, eh.” Kusang pumatak ang luha ni Dani pagkatapos niyang sabihin iyon kaya agad niya itong pinahid. Masyado pang maaga para iyakan niya ang pagsasama nila. Muli niyang dinampian ng halik sa labi ang asawa niya bago siya bumaba ng kama. Bumalik siya sa hinihigaan niyang sofa. Habang nasa ilalim siya ng kumot ay nakatitig siya sa natutulog niyang asawa. Mapalad siya bilang anak dahil mahal na mahal siya ng mga magulang niya lalo na ang kanyang ama. Pero hindi maganda ang kapalaran niya bilang asawa. Hindi na nga siya mahal ni Chris, kinasusuklaman pa siya nito na para bang isa siyang masamang nilalang at walang gagawing mabuti. Ang kasalanan lang naman niya ay inako ang responsibilidad ng ate niya. Kasalanan din siguro na lihim niya itong minamahal. Kung malalaman lang siguro iyon ni Chris baka lalo siya nitong pahirapan. Kaya ililihim na lang niya itong kanyang nararamdaman dahil malabong magkaroon ito ng tugon. Nakatulog siya na ganoon ang laman ng kanyang isip. Nagulantang na lang siya paggising niya kinabukasan. Muntik na siyang mahulog sa sahig dahil bigla na lang may humila sa kumot niya. Pagmulat niya ay bumungad sa kanya ang nanlilisik na titig ni Chris. “Gising! Bumangon ka diyan!” sigaw nito. Naglabasan ang mga litid sa leeg nito sa lakas nitong sumigaw. Mabilis siyang bumangon at tumayo sa harapan ng asawa niya. “Anong ginawa mo sa akin kagabi, ha? Sino ang nagbigay sa iyo ng permiso na pakialaman ang katawan ko? Pinagnanasaan mo ba ako?” Bago pa makasagot si Dani ay pinisil ng palad ni Chris ang ang pisngi niya. Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang umiling lang. “Kahit lumundag pa ang mga bato at malaglag ang lahat ng mga bituin sa langit, hinding-hindi kita magugustuhan! Maghubad ka man sa harapan ko, hindi ko pakikialaman ang katawan mo!” Pagkasabi iyon ay bahagya siyang itinulak ni Chris. Mabuti na lang at napaupo siya sa sofa at hindi sa sahig bumagsak. Ibinalibag pa ni Chris ang pintuan ng banyo nang pumasok ito roon. Napahawak na lang si Dani sa pisngi niya na sumasakit. Baka nga nag-iwan pa ng marka ang mahigpit na pagkakahawak ni Chris sa kanya kanina. That’s the price you have to pay for being in love with the wrong person, Danielle Lierinna Devilla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD