------ ***Lhea's POV*** - Isang linggo pa lang ang lumipas mula nang opisyal na nagkakilala sina Chelsea at Elixir, pero pakiramdam ko’y parang ang tagal na. Nakakagulat kung gaano kabilis napalapit si Chelsea sa kanyang ama. Halos araw-araw niya itong hinihintay—parang alam na ng katawan niya na darating ito. At halos araw-araw din, dumating nga si Elixir—dala ang kung anu-anong pasalubong, hindi lang para kay Chelsea kundi para rin sa akin. Hindi naman nagreklamo sina Mommy at Daddy, kahit pa ayaw talaga nila kay Elixir. Wala silang binanggit na masama. Tahimik lang sila tuwing dumarating si Elixir sa mansyon para bisitahin ang anak. At sa tuwing kinakausap nila siya, maayos, magalang, at tila ba may respeto pa nga. Minsan, nakita ko pa ngang lumabas si Elixir mula sa opisina ni Dad

