------- ***Lhea's POV*** - Tahimik na gumagalaw ang alak sa loob ng baso habang marahan ko itong iniikot. Sa harap ko, si Markus ay relaxed na nakasandal sa kanyang upuan, hawak ang sariling baso ng alak at nakangiting pinapakinggan ako. “Nakakatawa rin isipin, no?” panimula ko habang pinagmamasdan ang repleksyon ng buwan sa dagat. “Dati, bawat galaw ko ay may kinalaman sa operasyon, sa undercover work, sa panganib. Isang utos lang, lipad ako kahit saan. Pero ngayon…” Napatingin ako sa kanya at ngumiti. “Naka-heels ako buong araw at may hawak na laptop imbes na baril.” Napatawa si Markus. “Quite the change. From secret agent ng Saavedra Empire to CEO ng isang malaking land development company. That’s a jump.” Tumango ako. “Oo, malaking pagbabago talaga. Pero alam mo, kahit papaano… n

