------ ***Lhea's POV*** - Napaurong ako sa huling tanong niya. Parang may malamig na hangin na dumaan sa likuran ko. Masakit sa akin na ang batang kasing-inosente ni Chelsea ay kailangang madamay sa kasinungalingan ni Megan. At ang mas masakit pa, si Elixir mismo ay walang ginawa upang itama ito. Hindi man lang niya nagawang kontrolin si Megan. Kaya hindi natatakot si Megan na magpakilala bilang asawa ni Elixir. “Hindi asawa ng daddy mo ang babaeng iyon,” mahinahon kong sagot habang pilit kong pinananatili ang katatagan sa harap niya. “At pasensya na anak kung hindi ko pa kayang ipaliwanag sa’yo ang lahat sa ngayon. Darating din ang tamang panahon.” Hinaplos ko ang kanyang buhok—marahan, puno ng pagmamahal. “Pero anak, ang dapat mong tandaan… hindi mo kailangang matakot. Ako ang momm

