Naglalaro sa sala sina Denise at Angelo. Tuwang-tuwa ang anak ni Apple dahil maraming pasalubong ang ginang dito. Nahihiya man ay wala siyang magawa, alangan naman hindi niya tanggapin. Napapailing na lang siya habang nakatingin sa dalawa. Napakaswerte talaga ng magiging apo ng ginang dahil alagang-alaga nito at lahat ng gusto nito ay ibibigay sa magiging apo nito. Nakaupo lang siya sa sofa habang ka-chat si Noah. Binalita niya dito ang success nang pagperma niya ng kontrata kay Mr. Sanchez. Ikweninto niya din sa binata ang nangyari kagabi, tungkol sa pinag-usapan nila ni Aiden. Sinabi niya din dito ang tungkol sa sinabi ng anak niya kanina. Tumawag si Noah kaya naman napatayo siya saka bahagyang lumayo sa dalawa. “Are you okay?” agad na tanong ng kaibigan nang sagutin niya ang tawag. “O

