Pinindot ni Apple ang doorbell ng condo ni Aiden at hindi nagtagal ay bumukas ito at bumungad sa kanya ang gwapo niyang anak. Mabilis siya nitong niyakap. “Mama, bakit ang tagal mo?” Niyakap niya din ito pabalik saka hinalikan sa pisngi. “May binili lang kasi si mama.” “What’s that?” Nakatingin ito sa paper bag na hawak niya. Kinuha niya ang isang box ng chocolate na binili niya sa mall dahilan para magningning ang mga mata nito. “Wow! My favorite chocolate.” Kinuha nito ang chocolate mula sa kamay niya saka niyakap ito. Napangiti siya nang makita ang masaya nitong mukha. Isa sa mga nakakapagpasaya sa anak niya ay ang chocolate. “Thank you, Mama.” Humalik ito sa pisngi niya. “You’re always welcome, Baby, pero wait…” napatigil ang anak niya. “Bukas muna ‘yan kainin kasi almost dinner na

