“Papa!” Mabilis na tumakbo si Angelo papalapit kay Aiden nang makita siya ng anak. “Buti naman po at dumalaw ka ulit.” Niyakap niya ito nang mahigpit. “Oo naman. Sinabi ko naman sa ‘yo na araw-araw kitang dadalawin, ‘di ba? Babawi ako sa mga araw at taon na hindi tayo nagkita.” Hindi niya maiwasan na matawa sa isip. Noon ay sinabi niya na may anak nga si Zaver, hindi naman nito kasama. Mukhang bumalik din sa kanya ang sinabi nito. Ngayon ay katulad na din sila ng kaibigan na hindi nakasama ang anak habang lumalaki. Ang pinagkaiba nga lang ay alam ni Zaver na may anak ito samantalang siya ay hindi. Ngumiti ito sa kanya. “Angelo, ilang beses ko bang sinabi sa ‘yo na huwag tumakbo dahil baka madapa ka.” Napatingin siya kay Apple na mukhang hinahabol ang anak nila. Tumaas ang kilay nito nan

