Chapter 93

1712 Words

NANG magising siya ay napatingin siya sa puting kisame. Inilibot niya ang paningin sa paligid at napagtanto niyang nasa hospital siya. Napatingin naman siya sa pinto nang bumukas ito at nakita niya si Noah na pumasok. Mabilis itong lumapit sa kanya nang makita nitong gising na siya. Bumangon naman siya at naupo sa kama. Inalalayan siya ng binata saka nilagyan ng unan ang likod niya para mapasandal siya doon. “Kumusta na ang pakiramdam mo? Gusto mo bang kumain?” Umiling siya saka napatingin sa bintana. Mataas na ang sikat ng araw. “Medyo okay na. Ano bang nangyari?” Hindi niya kasi maalala kung anong nangyari. Sa huling pag-alala niya ay umiiyak siya habang nakayakap kay Noah. Napabuntong-hininga ito. “Hinimatay ka kagabi at inaapoy ka ng lagnat kaya dinala na kita dito sa hospital.” Hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD