Naglalakad sina Aiden kasama ang mga kaibigan niya sa mall na ang pamilya ni Wyatt ang may-ari. Kalalabas lang nila galing sa arcade at naglalakad na naman sila sa mall. Maghahanap na naman sila ng lugar kung saan sila mag-aaliw. “Gago ka talaga, Zaver!” asik ni Wyatt sa kaibigan. “Malulugi ang mall namin dahil sa pagiging madaya mo.” Nag-cheat kasi ito sa bawat games sa arcade para lang makakuha ng maraming ticket at makakuha ng premyo. Lalo na sa games ng basketball at kasama nito sa kalokohan si Dylan. Hindi din naman ito masita ng mga staff dahil pamilya ni Wyatt ang may-ari at kilala sila nito. Inakbayan ito ni Zaver habang tumatawa. “Hindi kayo malulugi no’n. Kayo pa, eh, ang yaman-yaman niyo.” “Nagsalita ang hindi,” singit naman ni Dylan. Nagtawanan ang tatlo. Napatingin siya k

