Magang-maga ang mga mata ni Apple kinabukasan nang magising siya mula sa isang oras niya lang na tulog. Nakatulog man siya ay isang oras lang dahil nagising din siya nang magising ang mga kaibigan niya. Nahihiya din siya sa mga ito dahil pati ito ay hindi din masyadong nakatulog. Nahihiya siyang lumabas at makita ito ng iba pa niyang kasamahan sa bahay, lalo na ni Manang Pesing dahil alam niyang mag-aalala ito sa kanya. Ayaw niyang pati ito ay maipit sa kanila ni Aiden. Nakahiga pa din siya sa kama habang ang dalawa naman niyang kaibigan ay nakaayos na at handa na para magtrabaho. Napabuntong-hininga si Yna saka naupo sa kama niya. Hinaplos nito ang kanyang buhok. “Dito ka na lang muna at huwag na munang magtrabaho. Para ka ng pinaghalong zombie at panda sa mukha mo ngayon,” nakangiwi n

