Kabanata 3

1132 Words
Iniligay ko ang mga bagong dating na gulay ‘baguio’ sa ilalim ng pwesto bago ako umuwi para makasigurong walang magsasalising kumuha ng gulay, lalo't may kamahalan ito kung ikukumpara sa gulay ‘tagalog’. Itinali kong maigi ang pantabing sa maliit kong puwesto rito sa bayan. Nang makasigurong maayos at secured na ang lahat, agad kong kinuha ang bayong kung saan inilagay ko ang mga iuuwi kong gulay para sa hapunan. Medyo madilim na sa labas dahil alas nuwebe na rin, kaya nagmamadali na ako. Maraming sabi-sabi na may umaaligid na masasamang loob ngayon. "Uuwi ka na ba Frexa?" usisa ni Rita kapwa ko tindera ng gulay. Katatapos lang din nitong magligpit at balak na ring umuwi. "Oo eh. Sasabay ka ba sa 'kin?" tanong ko sa kanya. "Susunduin ako n'ong asawa kong sira ulo, alam mo naman 'yon walang tiwala sa 'kin. Pero wala namang ginawa sa buhay kundi uminom nang uminom," usal niya. "Sige mauna na ko sa 'yo may pasok pa kasi ako bukas," paalam ko. "Mag-aral kang mabuti huwag ka munang magbo-boypren-boypren, naku baka mangyari rin sayo 'tong buhay ko!" reklamo na niya. Padabog niyang binato ang isang plastic na basura sa mga tambak na bulok na gulay. "Nasa'n na ba ang Bertong 'yon!" "Alis na 'ko." Pumunta ako sa paradahan ng tricycle para sumakay na lang, alam kong madilim sa mga dadaanan ko at dahil hindi pa tapos ang mga inaayos na lamp post. At saka may kabigatan din kasi ang dala kong bayong kaya pahinto-hinto ako sa paglalakad. Natigilan ako nang mapansing may kung sinong nakasunod sa 'kin mula sa likuran, sa halip na humingi ng tulong mas binilisan ko na lang ang paglalakad, muntik pa nga akong matalisod sa nakakalat na basura. "Sino `yan?!" lakas loob kong tanong. Kamalas-malasan walang nakaparadang tricycle kaya't wala akong maaaring hingan ng tulong kung sakali. Naghintay ako ng may maaaring sumagot ngunit wala. Pinagpatuloy ko ang paglalakad, marahil matatawag ko na nga itong takbo sapagkat halos hingalin na nga ako sa bilis ng mga lakad ko. Kung sino man ang sumusunod sa 'kin, yari ka kapag nakita kita. Hindi ko napansing may hamps pala sa nilalakaran ko, saktong natumba ako. Sapo ko ang sariling ilong nang tumayo ako. "Are you alright?" Ulrich suddenly appeared. Dinaluhan niya agad ako at tinulungang makatayo. Tiningnan ko s'ya nang napakasama. "Ikaw ba ang sumusunod sa 'kin?" maawtoridad kong tanong patuloy kong hinihilot ang nasaktang ilong. Sobrang sakit talaga parang nanunuot hanggang utak. "I'm sorry." He sincerely apologised. Ulrich isa kang malaking bwisit sa buhay ko! "I just want to make sure you get home safely." "Bakit tatay ba kita? Bwisit ka! Akala ko kung sinong wala sa katinuan ang sumusunod sa 'kin simula pa kanina!" singhal ko sa kanya. Isa-isa kong pinulot ang mga nalaglag mula sa bayong na dala ko. "I didn't mean to scare you." Naiimbiyerna na talaga ako sa kaka-ingles n'ya kung hindi lang pandagdag appreciation baka matagal ko na s'yang nilaglag sa pinakamataas na bangin. "Nakakainis ka!" sigaw ko pa sa kanya. Tinulungan n'ya akong pulutin ang mga nagkalag na gulay. Sandaling sinulyapan niya ako at ibinalik ang atensyon sa pagpupulot. "Pansin ko, hindi na mainit ulo mo sa 'kin," puna n'ya. "Seryoso?!" Padabog kong kinuha sa kanya ang ilang kamatis at sibuyas, mabilis kong ipinasok sa bayong. Napansin kong nakamasid pa rin s'ya sa akin habang naglalakad ako palayo. Eksaktong dumating naman ang Tatay ko habang sakay ng bisikleta nito. Kumaway ako para malaman niyang nandoon ako. Napaisip din ako bigla kung sinadyang hinintay ako ni Ulrich. Sandali nga lang, napakalaking kalokohan naman ng mga iniisip ko. "Oh, anak nariyan ka lang pala hinanap kita sa loob, sabi ni Rita umuwi ka na raw." Bungad agad ni Tatay nang makalapit ito. "Uuwi na sana po ako, kaya lang nagkaubusan ng masasakyan sa terminal `Tay," magalang kong sagot, iniabot ko sa kanya ang bayong para isakay sa bisikleta niya. "Mabuti na lang nandito ka lang. Halika sumakay ka na, para makatipid din ng pamasahe," aniya. "Opo `Tay." Binalingan ko si Ulrich marahil kanina pa nanonood sa usapan namin ng Tatay ko. "Umuwi ka na," sabi ko sa kanya. "Good evening Sir!" magalang na bati nito sa Tatay ko. Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata, ayokong kung ano pa ang masabi niya sa Tatay ko. "Sino ba 'yang kasama mo Frexa, mukhang foreigner?" usisa ng Tatay ko. Hindi ko na lang pinansin si Ulrich. "Mukhang imported. Taga-saan ba 'yan?" mabilis na tanong pa niya. "Kaklase ko po s'ya `Tay. Taga Sunny Village po s'ya nakatira," walang ganang tugon ko. "Aba'y mayaman ka pala hijo! Nililigawan mo ba ireng anak ko?" Sandali akong natigilan, pinandilatan ko naman ngayon ang Tatay ko. "Nice meeting you sir, my name is Ulrich. Sa katunayan nga po, mukhang wala pa po sa isip ni Frexa na magkanobyo," saad ni Ulrich. Demonyo ka talaga! Bakit naman ngayon ka pa nanggugulo tipaklong ka?! "Tatay alis na ho tayo," wika ko. "Ano raw sabi Frexa?" Medyo mahina na ang pandinig ng tatay ko kaya mabuti na lang at hindi niya masyadong naintindihan ang sinabi ng mokong. "Wala lang 'yon `Tay. Halika na po at magluluto pa ako pagdating sa bahay." Umangkas na ako sa bisikleta ng Tatay ko, ngunit nagawa ko pang lingunin si Ulrich habang papaalis kami. Pilit kong binasa ang mga mata niya, tila may kung ano'ng kumurot sa puso ko ng makita ko ang kalungkutan sa mga 'yon. Saan naman? Hindi ko tuloy magawang itanong sa sarili ko kung bakit nasabi 'yon ni Ulrich. Minsan nga napapaisip ako kung anong maaaring mayro'n kay Ulrich dahil minsan itinatago niya lang ang katotohanang malungkot siya. Nahuli ko siya noong nagdaang Lunes habang mag-isa s'yang kumakain, habang nakatingin sa malayo samantalang pwede naman siyang makisabay kumain kina JJ. Pero saktong makita niya akong pumapasok ng classroom parang ilog lang ng sss biglang bilis ng agos, nagbagong bigla ang timpla ng mood niya, ngumingiti lang naman siyang parang baliw. Napangiwi ako bigla. Bakit ko ba siya iniisip at nagawa ko pang i-justify ang mga mata niya? Nananahimik ang buhay ko nanggugulo na naman siya. "Bwisit!" sigaw ko. Nawalan tuloy ng balanse ang bisikleta ng Tatay ko makaraang kumilos ako, muntik pa kaming matumba. Mabuti na lang ay agad itong namaniobra ni Tatay. "May poblema ba ‘nak? Nasaktan ka ba riyan sa likod?" nag-aalalang tanong niya. "Wala ho 'Tay. Ayos lang ho ako," sagot ko. Napatingala na lang ako sa madilim na kalangitan. Wala ni isang isang bituin na makikita, maliban sa buwan. Umihip ang malamig na simoy ng hangin at dumaiti sa balat ko. Bumahing ako ilang beses bago muling pinagmasdan ang kalangitan. Kahit wala akong nakikita mula roon, pakiramdam ko matagal ko ng gawain ang panoorin ang buwan. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD