Kabanata 10

1911 Words
Naudlot ang mga klase ngayong araw matapos na may isang estudyanteng napag-trip-an na pindutin ang fire alarm, kaya kanina nagpapanic ang lahat. Pero nahuli rin agad ang estudyanteng nagdulot ng malaking eksena ngayong umaga. Hindi pa sigurado kung itutuloy ang klase dahil basa ngayon ang bawat mga classroom. "So, kailan uli ang punta n‘yo ng dad mo sa bahay ng lolo ko?" Hindi ko muling tinapunan ng tingin ang pobreng si Ulrich, nakasunod na naman siya sa akin matapos ang nangyaring kaguluhan kanina. "Hindi na kami magpupunta ulit sa inyo." "What? Why?!" "Bakit ba gustong-gusto mo akong pumunta sa inyo?" sarkastikong tanong ko sa kanya "Because I want to see you again. Nakangiti ka kasi habang kausap ka ni lolo, I want to see you smile again." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa naging sagot niya. Hindi ko 'yon inaasahan kaya naman kumabog muli ang puso ko. Ang buong akala ko nga aatakihin na ako sa puso. "Will you?" "Busy ako." "How about on your extra time?" "Pasensya na, pero wala ako n'on." "Hmm." Matamang nakatitig lang siya sa akin na nahagip ng mga mata ko. Kung alam lang niyang halos magwala na ang puso ko sa kinalalagyan nito sa mga simpleng tingin niya. Nagdesisyon na pauwiin na ang mga estudyante kalaunan kaya ngayon may panibago na namang nagaganap na kaguluhan. Unahan ang mga estudyanteng makalabas hindi alintana kung nagkababalyahan na ang mga ito. "Hey." Napatili ako sa gulat ng bastang sumulpot si Ulrich sa tabi ko. "Sorry," hinging paumanhin niya. "Bakit ka ba sulpot nang sulpot kung saan?" galit kong tanong sa kanya. "I didn't mean–" "Hindi mo na kailangan magpaliwanag," pigil ko sa kanya. Sa bandang huli kasi ay ayoko na naman ang may kasalanan, at hindi rin naman siya sinsero sa tuwing humihingi ng paumanhin. Iniwan ko na lang siya, maya-maya na siguro ako uuwi at ayokong maipit sa mga hayok ng umuwing mga estudyante. Kasalukuyan kong binabagtas ang building kung nasaan ang Music Room. Masyado lang siguro ako nadadala sa mga pinapakita ni Ulrich. Pinanatili ko ang sarili kong malayo sa ano mang ugnayan sa mga lalaki, at higit sa lahat ay magkaroon maging ng crush sa kahit sinoman. Akala ko pa naman sobrang tatag ng ginawa kong pader sa puso ko pero parang hindi pa sapat. Lagi na lang kasing gumugulo sa isip ko si Ulrich kahit ano pang pagbubuyo kong kalimutan at titigilan ko ng isipin siya. Kung pwede lang magpalipat ng section gusto ko sana `yong hindi ko na talaga siya makita. Kaya lang duda ako kung tatalab ang bagay na 'yon lalo't kahit yata hanggang trabaho ko ay nakasunod siya. Noong ikalawang beses kong makita si Ulrich bilang kaklase ko, muntik pa akong mapamura sa sarili matapos na titigan niya ako sa mga mata at basta na lang ngitian. Ito namang puso ko parang nakuryente't huminto sa pagtibok at animo'y tumigil sa pag-inog ng mundo ko ng mga oras na 'yon. Matapos niyon lahat ginawa ko para tuluyang maialis siya sa isipan ko. Mukhang bigong muli ako, dahil ngayong unti-unti ko siyang nakikilala mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Malaking kasinungalingan kapag patuloy kong kinalaban ang sarili ko at ipagpilitang kalimutan ko na siya. "Frexa, I bought drinks for the both of us." Sumulpot na lang sa kung saan si Ulrich at bastang naupo sa tabi ko. Iniabot niya ang isang mamahaling brand ng bottled juice. Hindi lang `yon. Kikindat pa ang mokong akala mo nagpapa-cute samantalang matagal na siyang cute. "Utang ba 'to?" tanong ko habang binubuksan ang bottled juice. "No need. Libre ko ‘yan!" nakangiting tugon niya. "Gano'n ba. Salamat." Sabi ko lang habang iniinom ang binigay niya. Iba talaga kapag may kakilala kang mayaman at gwapo pa. "Anytime." Tinanaw niya ang malawak na school courtyard, doon din kasi ako nakatingin waring may nakikita kami mula roon kaya hindi na namin inaalis ang mga mata. Ngunit sa totoo lang, kaya ako nakatingin doon ay iniiwasan ko lang na tumingin sa mukha ni Ulrich at makatuklas muli ng bagong reaksyon sa kanya. "I enjoyed last time's dinner." Tinutukoy niya ang lugaw at tokwa't baboy. Tumango ako. "Halata nga, nakailang order ka bago ka sumuko." Biglang humalakhak siya na parang baliw. Minsan talaga napapaisip ako kung ano bang nakita niya sa 'kin. Samantalang hindi naman ako kagandahan, higit sa lahat boring lang naman ako. "Kain uli tayo do'n next time, libre ko kayong lahat uli." Kung marinig lang talaga siya ng mag-asawa, siguradong nagtatalon na ang mga 'yon kapag nakarinig ng libre. Sinaway ko siya na huwag ng magbayad para sa kinain namin, pero lintik lang sa kakapalan ng mukha ni Berth. Umiling-iling ako. "Wala ng next time." Bumaling ako sa kanya. Muntik ko pang maibuga ang iniinom ko, kahit sino marahil ay matitigilan kung masasaksihan ang napakagandang mukha ni Ulrich. Nakangiti siya at mas lalong makikita ang dimple niya. Kung pwede lang siya isilid sa sako at iuwi ko sa barong-barong naming bahay. "Is that so. They may also hate. No one seems to like me." Bumakas ang matinding lungkot sa mukha niya. Wala naman akong binabanggit na ayaw na siyang makita muli ng mag-asawa kung tutuusi'y magkakandrapa pa nga ang mga 'yon oras na marinig na libre niya ulit. "Ano ka ba, wala naman akong sinasabing masama. Sabi ko lang wala ng next time." Tumango-tango siya. Muntik ko na siyang sabunutan kasi hindi pa rin mapalis ang lungkot sa mukha niya. "I felt like everyone simply hates me like my mother just abandoning me." "Mama mo?" "Yeah." Bakas ang matinding lungkot at halatang pinipilit lang niyang ngumiti. Talaga naman halata namang nasasaktan siya. "Hindi ka naman namin kinamumuhian." Pakiramdam ko kapag hindi ko agad nilinaw ang mga bagay baka isipin niyang galit kami sa kanya. "Ni minsan hindi ko pa nga nakita ang mama mo rito sa San Agustin, ang buong akala ko nga nasa Amerika siya, kasama ang Papa mo." Marahang umiling siya. "Seven years old lang ako nang magdesisyon ang parents ko na maghiwalay. Noong una akala ko okay lang na salitan sila sa pag-aalaga sa 'kin, I later realize my existence itself to their lives is like a chain. They can't end their relationship not unless I disappear. Sa bandang huli nagsawa rin silang dalawa at ipinadala na lang nila ako rito sa Pilipinas." Ibinaling niya ang atensyon sa malayo. Ginaya ko rin ang ginawa niya, nakita ko sa malayo ang ilang mga grupo ng estudyanteng nagkakatuwaan. Mukhang magsisiuwi na rin ang mga ito at galing marahil sa practice. "Wala naman kasing perpektong pamilya," mahinang sabi ko. "I think so too." "Bakit sa tingin mo lang? May nakita ka na bang pamilya na tila walang problema sa buhay. Lahat ng tao may problema, at walang exempted sa bagay na 'yon." Nakikisali pa ngayon itong puso ko na napakalakas ngayon ng kabog. Ilang beses ko na marahil sinaway ang puso ko na huwag naman ngayong malapit siya sa 'kin. "I prayed almost everyday to have at least a family to be called." Bumuntong-hininga siya. Umihip ang malamig na simoy ng hangin. Sandaling inayos ko ang hibla ng buhok na kumawala sa tali ko. "Frexa..." pukaw niya sa 'kin. "Sabi ko nga sa 'yo walang perpektong pamilya. Pero pwede kang gumawa ng sarili mong pamilya na matatawag tulad ng mga kaibigan, kabarkada at saka may lolo at lola ka, pamilya mo na rin sila kung maituturing." Tumawa lang ako at tumayo. Dumapo kasi ang mata ko sa malaking orasan sa gitnang bahagi ng building ng sports club. "Kung hindi pa rin okay ang pakiramdam mo at nalulungkot ka pa rin. Ipikit mo ang mga mata at magbilang hanggang tatlo, then make a wish." "Really?" "Naniniwala ka do'n sa sinabi ko?" Natatawa na lang ako sa seryosong reaksyon ng mukha niya. Sa totoo lang nagbibiro lang ako. "Is that yes?" "Nagbibiro ka ba? Joke lang 'yon!" Walang mababanaag sa mukha niya ng mga oras na 'yon. Pero nananatiling malakas ang kabog ng puso ko habang nakatingin sa kanya. "Hatid na kita," aniya. Tumayo na rin siya tulad ko. "Hindi na." Tama na Ulrich! Durog-durog na ang puso ko kakasirko! "Ihahatid nga kita sabi." "Ayoko, at saka gusto kong umuwi ng matiwasay." "Hindi kita papatayin." "Bukas makalawa may bigla na lang sumugod sa aking babae mo sabihin inaagaw kita sa kanila. Tigilan mo na nga ako." Kunot-noong tiningnan ko siya ng masama. "Kahit kailan hindi kita niloko Frexaline..." Kinuha niya mula sa akin pinauwing activity work sa bahay para makabawi sa naudlot na klase ngayong araw. Bukas din kasi agad iyon ipapasa. Pumalatak ako ng makitang nauna na siyang maglakad sa akin. Kapag sinimulan ko na namang agawin iyon sa kanya, hinding-hindi niya 'yon ibibigay. Hanggang sa magsawa na lang marahil siya. Sumunod din naman ako agad sa kanya. "Sandali lang!" tawag ko sa kanya. Dahil matangkad siya malalaking hakbang agad ang nagagawa niya, kaya sobrang layo na ng distansya niya. Hinihingal pa ay sa wakas naabutan ko rin siya. "Bilisan mo kasi. Ang bagal talaga ni Frexaline! Unano kasi!" Sandaling bumaling siya sa 'kin at muling nakita ko ang ngiti niya. Ewan ko pero parang kakaiba ang pagkaaliwalas ng mukha niya. Is he having fun? Ako ba may gawa niyon? Feeling ko tuloy napakaswerte kong nilalang dahil nagawa ko siyang pasayahin. Kakaibang pakiramdam pero gusto ko 'to at ayokong iwaksi. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti na rin tulad niya at hindi ko na talaga 'yon maialis pa sa labi ko. "Bahala ka riyan, maraming sanggano sa 'min," biro ko ng sumabay sa paglalakad sa kanya. Sinabayan niya rin ang bawat hakbang ko kaya naman napuno na naman ang puso ko ng kagalakan. "Ayos lang. I'll just close my eyes and count one to three." "Talagang naniniwala ka ro'n. Biro lang 'yon!" Ipinikit niya ang mga mata at ang hudyo ay nagsimula na ring magbilang. "One, two and three." "Tigilan mo nga 'yan!" Hinampas ko siya sa braso, hindi naman `yon malakas. Gusto ko lang siyang patigilin. May ideya na ako kung ano marahil itsura niya habang natutulog. Mabilis din siyang dumilat bahagyang nagulat at agad akong nag-iwas ng mukha. "There. I'm done." "So, ano'ng winish mo?" nauutal kong tanong. Pero hindi ko na nagawa pang tumingin sa kanya. "Secret!" Biglang humarang siya sa harapan ko. Kumindat pa ang mokong! Humagalpak pa siya ng tawa at nagpatuloy na sa paglalakad. Kahit ilang beses kong aminin sa sarili ko, ayoko rin namang ikaila. Mahal na nga talaga kita Ulrich... Sana hindi tulad ng mabilis na pagkahulog ng loob ko sa 'yo, ang magiging pagkabiyak nito. Bumagal ang bawat mga hakbang ko kaya naman nauna na sa akin si Ulrich. Gusto ko rin naman na pagmasdan ang likod niya, kasi balang araw hindi ko na muli magagawa ang mga bagay na 'to. I-appreciate ang bawat himaymay ng pagkatao niya at maging ang nakaaadik na mga ngiti niya. "Ano pang ginagawa mo r‘yan?" pukaw niya sa 'kin pero hindi inaalis ang mga ngiting 'yon. Eksaheradong sumimangot ako. "Kapre ka kasi kung maglakad!" Binilisan ko ang bawat hakbang ng huminto siya sa paglalakad. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya at pagkamaang niya sa sinabi ko. Sana habambuhay na lang ganito. My heart is filled with happiness, the way he took good care of me and remind me a woman deserves a man by her side. I couldn't wish for more. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD