Kabanata 11

1812 Words
Tahimik lang ako habang nakamasid kay Ulrich. Takang-taka ako kung gaano niya tila kabisado ang lugar patungo sa bahay ko at kahit ang mga shortcut na dinaraanan ko pauwi. Hindi ko tuloy maiwasang magduda kung hindi lang sa bayan niya ako nagawang sundan maging siguro hanggang bahay ko. Pakiramdam ko lihim niya akong sinusundan mula pa noon, lalo pa ngayon laking gulat ko ng sumuot muli siya sa isang shortcut na madalas kong dinadaanan. Nauuna siya palagi sa akin maglakad marahil iniisip niyang baka iwanan ko siya kung nasa likod siya. Kung gaano balutin ang isip ko ng mga katanungan saka naman ako nakaramdam ng panghihinayang nang mapansing malapit na kami sa bahay ko. Hindi ko na talaga alam ang iisipin. Napangiti na lang ako. "Why are you smiling?" napaigtad ako sa gulat nang mapansing nasa harapan ko na si Ulrich. Sandaling natigilan ako, pero agad ding nakahulma. "May bigla ka bang naalala?" dagdag na tanong niya. "Wala. Masama ba?" agad kong katwiran. "Hindi naman." Saka naman siya ang ngumiti siya. "Your smiling face is my most favorite." Huminto ako sa paglalakad. Parang nagsiliparan na palabas ng tiyan ko ang ilang libong nagliliparang paru-paro. Tumikhim lang ako kunwari at ibinaling ang atensyon sa ibang direksyon. "A-ano ba'ng sinasabi mo?" pa-inosenteng tanong ko. "Hindi mo na kailangan itago pa ang nahihiya mong mukha." Maniniwala na sana ako kung hindi lang niya binuntutan iyon ng tawa. Sinuntok ko ang tagiliran niya. Napangiwi siya sa sakit. Pero nagpatuloy pa rin sa pagtawa hanggang sa makarating kami ng bahay ko. Kung ikukumpara sa bahay ko sa mansyon ng pamilya Mandragon baka isiping may bahay lang duwende ito. Karaniwan nga naman maipagmalaki ng isang pamilyang nagtatamasa ng karangyaan. Bigla kong naalala ang kwento ni Ulrich tungkol sa ina niya. Ang buong akala ko talaga ay isang magandang halimbawa ang pamilya niya. Tulad din ng pamilya ni Ulrich, hindi rin perpekto ang pamilyang mayroon ako. Pero masasabi kong lubos akong nagpapasalamat dahil may akong napakabuti at bunsong kapatid na mapagmahal, sapat na ang mga 'yon sa akin na matawag na pamilya. Papasok na sana ako pero alam kong patuloy na nakamasid sa 'kin si Ulrich. "S-salamat nga pala sa paghahatid mo sa 'kin," naiilang kong sabi sa kanya. "‘Wag kang mag-alala walang makakaalam sa kinwento mo sa 'kin. Promise `yan," dagdag ko. "Thank you. I know I can trust you," aniya. Tila may nagbago sa tono ng boses niya, dahilan para mapaharap ako sa kanya. Nangingislap ang mga mata niya samantalang hapon pa lang, bumagay sa kanya ang itsura ng lugar, kung may makakakita sa kanya iisiping isa siyang diyos ng kalikasan. Lalong nakadagdag ng appeal niya ang alon-alon na buhok. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan." Bigla akong napahiya. "Sorry, sige na." Tinalikuran ko na siya. "Frexa..." "Bakit?" Matamang tiningnan niya ako. "Wala. Wala lang. Sige, bye." Palaisipang humakbang kusa ang mga paa ko para sundan siya. "Sandali!" Nakita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang labi na umabot hanggang tainga, maski ang dimple niya tumataginting. "Bakit?" "M-mag-iingat ka," nahihiya kong sabi. Agad akong tumakbo sa loob ng bahay. *** Lahat ay abala sa pagpapasa ng requirements para sa ilang subject teachers. Malapit na kasi ang taon-taon na Saint Anna Academy Ball o kilala bilang SAAB, kitang-kita sa mukha ng mga dilag ng naturang paaralan ang pagkasabik sa papalapit na event. Sa katunayan, hindi lang ang mga estudyante ang excited maging pati ang mga teacher, professor, school counsilor, school director at marami pang iba. Ipinahayag na rin ng school owner na magiging bukas ang academy sa mga tagalabas. Kaya't hindi lang ang buong academy ang sabik na sabik maging ang buong kababaihan ng San Agustin. Matagal ng pangarap na makasali ng mga mamamayan lalo na ang hindi nakapasok at nabigyang pagkakataon makatapak sa sinasabing mailap na paaralan na karaniwan ay pawang mayayaman at kilalang tao lang ang nakakapag-aral. Ito lang din kasing paaralan ang matatagpuan dito sa kabayanan, lalo't lubha malayo ang iba pang pampublikong paaralan at lahat ay halos nasa syudad. Malayo sa gulo at maging polusyon. In-announce na rin na may mga artistang darating at mga world class singers na dating nakapag-aral sa naturang paaralan. Hitik ang nasabing event sa mga pasabog kaya hindi na makapaghintay ang lahat. Paliko na ako sa isang hallway nang bigla na lang may babaeng bumangga sa 'kin, muntik na akong matumba ng tuluyan ngunit mabuti na lang nakakapit agad ako sa isang pasimano na naroon. Agad din akong dinaluhan ng babae. "I'm sorry, I'm not looking properly. Okay ka lang ba?" anang niya habang hawak ang isang kamay ko. "Okay lang. Hindi naman ako nasaktan," wika ko at umayos ng tayo. "Are you sure?" Tumingin pa siyang maigi sa mga mata ko. Nakita ko ang sobrang pag-aalala sa mga mata niya. Naninibago talaga ako. Ngayon lang talaga ako naka-encounter ng katulad ni Sam. Maliban siguro sa mga kapareho kong scholar, pero halata namang anak mayaman siya lalo na sa mga suot niyang alahas. "O-oo," tila naiilang kong sagot. Batid kong pinagtitinginan na kami ng mga ibang estudyante na naroon. "Okay. Pero huwag kang mahihiyang tawagan ako oras na may maramdaman ka." May kinukuha siya sa pouch bag niya. "Here." May inabot siya sa 'king maliit na pirasong papel na kulay dilaw. Lian Moore? Calling card? "Sige, pero okay lang talaga ako." "Pasensya ka na. I'm a bit in a hurry right now, I hope you don't mind if I'll leave you right now. But never forget to call me if you felt uncertain, okay?" Nagmamadaling umalis siya sa harap ko at naiwan ngayong hawak ang calling card. Pinanood ko lang ang papalayong pigura ng babaeng nagngangalang Lian. Aminado akong nagagandahan sa kanya lalo't kakaiba ang taglay niyang ganda sa mga karaniwang babae sa Pilipinas. Marahil hindi siya kahit kailan nababad sa ilalim ng araw. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Frexa!" tawag sa akin. Agad kong nilingon kung sino 'yon. "Oh, Sam. Bakit?" Nagmamadaling tumakbo siya dahil ilang dipa rin ang layo niya mula sa akin. Hinahabol pa niya ang hininga ng huminto sa harap ko. "Saan ang punta mo ngayon?" hinihingal niyang tanong. "Tumakbo ka para lang tanungin ako?" nagtatakang tanong ko. Umayos siya ng tayo. "Yeah. By the way, I saw Ulrich a while ago searching for you." Nagsalubong ang kilay ko ng marinig ang pangalan na 'yon, hindi ko pa nga nakikita ang hudyo simula pa kanina. Halatang tulad ng iba ay abala rin ito. Mabuti naman para makapagpahinga ako kahit sandali lang. Ngayon ko lang talaga napansin mahina ang resistensya ni Sam. Hanggang ngayon ay pinagpapawisan pa rin siya at ilang beses na huminga ng malalim. "Ganoon ba. Hayaan mo siyang maghanap." "LQ kayo?" natatawang tanong niya. Lalong kumunot ang noo ko sa tinuran niya, gusto ko sanang simangutan siya kaya lang alam kong nagbibiro lang siya. Sa totoo naglalakad lang naman ako. Naiinip kasi ako sa classroom kaya't naisipan kong maglakad-lakad muna. "Hindi, at saka wala naman kaming relasyon." "Ganoon ba. Sige, samahan mo na lang ako." Kakaiba ang kislap ng mga mata niyang ipinagtaka ko. Pero wala naman akong nagawa at sinundan lang din siya. Napukaw ang atensyon ng mga estudyanteng nadaraanan namin marahil takang-taka kung bakit ang isang scholar ay kasama ang isang mailap na lalaki. "Is that Sam?!" bulalas ng isang babae. Mas lalo akong tiningnan at hinusgahan ulo hanggang paa, nakaramdam din ako bigla ng pagkailang. "Don't mind them," nakangiting bulong ni Sam. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na magpinsan nga talaga sila ni Ulrich, parehong hindi alintana kung ano ang sasabihin ng iba. Tumango lang ako bilang tugon. Pero sa kabila ng isip ko ay nagtataka na rin ako sa kakaibang ikinikilos niya at kung saan niya rin ako dadalhin. Nakarating kami nang classroom pero buong pagtataka ko ng wala naman kaming mga kaklase. Inilibot ko pang muli ang mga mata ko sa paligid. Inisip ko pang mabuti kung bakit sa classroom lang niya ako dinala. Lalo tuloy akong binalot ng pagtataka. Ngumiti lang sa 'kin si Sam at kumindat. Pilit na napangiti ako sa kanya, ayoko namang pagdudahan ang kung ano man marahil na dahilan niya. "Lets just wait," nakangiting wika niya. Binitawan niya na ang braso ko at pumwesto sa may gilid. Gagawin ko rin sana ang pag-usod akala ko kasi may papasok. ‘Di pa nga ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko may kumalabit na agad sa 'kin. Bumungad ang gwapong mukha ni Ulrich habang ngiting-ngiti. Hindi tuloy maiwasang muling magwala ang puso ko sa tindi ng gulat. Ibang-iba talaga kapag nakikita ko si Ulrich batid kong sa kanya lang talaga nagkakaganito ang puso ko. Napabaling ako sa kamay niya dahil parang may kung anong itinatago siya sa likod niya. "A-ano `yong nasa likod mo?" kunot ang noo kong tanong. Baka isa na naman 'to sa mga pang-aasar niya akin. Lalong lumaki ang pagkakangiti niya. Nagtaas ako ng isang kilay. Naramdaman ko na lang umakyat ang dugo sa mukha ko. "Don't disappoint me, I took her all the way here." Humarap ako kay Sam na ngayo'y ngiting-ngiti habang nakapamulsa. Bahagi na rin ba siya ng grupo ng pinsan sa panggugulo ng buhay ko? Binalingan ko si Ulrich at pinukol ng masamang tingin. Sa isang iglap naglaho ang mga ngiti kanina sa labi niya. "Ako ba pinag-ti-trip-an n‘yo?" taas ang kilay na tanong ko. Nakahalukipkip ako at pilit itinatago ang patuloy na pagpapawala ng puso ko. "Hindi Frexa," agad na wika ni Sam bakas ang pagkagulat. "May sasabihin lang si Ulrich sa 'yo." Bumaling siya kay Ulrich. "Hindi ba ‘Insan?" dagdag ni Sam. Ngumiti naman ang mokong. "Oo, salamat nga pala," nakangiting wika niya at sandaling tinapunan ng tingin si Sam. Saka ko lang napansin simula pa kanina hindi na inalis ni Ulrich ang mga mata niyang nakatingin lamang sa akin, maliban lang sa mga oras na 'yon. "Ano ba'ng mayro'n?" pagtataka ko. Hanggang kailan ba ako pagmamasdan ni Ulrich, nagwawala na kasi ang puso ko at ready ng lumabas mula sa kinalalagyan nito. Nanlaki ang mga mata ko ng bastang lumuhod sa harapan ko si Ulrich. Inilabas na rin niya ang kanina pang itinatago sa likod. Laking gulat ko ng mapag-alamang bouquet iyon ng bulaklak. Sandaling binalingan kong muli si Sam sa may sulok. Nakangiti lang siya habang nakatayo mula roon, samantalang napamaang lang ako. "Would you be my dance for the upcoming SAAB?" tanong ni Ulrich. Nakagat ko ang ibabang labi dahil hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon ko sa mga oras na 'to. Nangungusap ang mga mata ni Ulrich habang naghihintay sa magiging sagot ko. Animo'y tumigil sa pag-inog ang buong mundo ng mga oras na 'yon. Bumagal na rin ang pagtibok ng puso ko at unti-unti na ring kumalma. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD