Kabanata 9

2906 Words
"Kailan uli kayo bibisita sa bahay ng lolo ko?" Ilang daang beses na tanong ni Ulrich. Katahimikan lang ang itinugon ko sa kanya at hindi rin siya tinapunan ng tingin. Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad, palayo lang naman sa taong pwedeng sumira ng araw at buhay ko. "Frexaline," narinig kong ulit na tawag niya. "Frexaline!" sigaw niya. Sa lakas ng boses niya lahat ng atensyon ng mga estudyanteng naroon ay natuon sa amin. Muntik na akong mapumura nang lingunin ko siya sa likod. Alam kong kanina pa niya akong umaga pinuputakti kaya kapag hindi ko siya pinagtuunan ng pansin ngayon, mukhang hanggang trabaho ko ay susundan niya ako para lang guluhin. Nagulat akong makitang mapatingala siya sa kisame ng hallway. Nagtaas ako ng isang kilay lalo na ng itaas niya ang dalawang kamay. Tuluyan na bang nasiraan siya ng bait? "Tigilan mo na nga ako, please lang? Gumagawa ka pa ngayon ng eksena!" "Thank God!" aniya. "Pwede ba!" "So, are you going?" "Going, where?" Biglang napangiwi siyang ipinagtaka ko. "Ugh! Nakalimutan mo agad?" He groaned. Kumunot ang noo niyang tila hindi nagustuhan ang pagpapaulit ko ng sinabi niya. "Hindi ako pwede at saka marami akong gagawin ngayong hapon," tanggi ko na totoo naman. Hindi naman ako tulad niya na buhay prinsipe, kahit tanghali na siya gumising at magliwaliw maghapon at magdamag ay siguradong may palaging kakainin siya. "Pero, siguradong matutuwa si lolo at lola kapag nakita ka nila." Natigilan ako. Bigla na namang bumilis ang pintig ng puso ko. Kung hindi pa ako agad dumistansya kay Ulrich marahil baka narinig na nito ang mabilis at nagwawalang puso ko. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya, naramdaman ko na lang ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Nagbalak akong umalis na. "Hey! Not anymore." Basta na lang siyang umakbay sa 'kin, kaya't hindi agad ako nakapag-react. "Alam mo ba, when you smile you look prettier." Sinasabi ba niyang maganda ako? Parang hindi naman kapani-paniwala, imposibleng sabihin niyang maganda ako. Ipinanganak siya para lokohin ang lahat ng kababaihan sa kalupaan na maganda ang mga ito at kalauna'y gagawing nobya at iiwan sa ere. Buong lakas ko siyang itinulak, wala sa bokabularyo kong pumatol sa isang babaero! "Pwede ba? Iba na lang ang guluhin mo at idaan mo sa mga linya mong 'yan, dahil hindi mo ako mauuto!" singhal ko sa kanya. Ngumisi ang mokong na tila nagustuhan ang naging reaksyon ko. "That's so cute!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. May sayad ata siya. Kung ano-ano na lang ang sinasabing niyang malaki ang kaibahan sa tunay na nangyayari at sinasabi ko. "Nahihibang ka na!" "Lahat na yata ng masakit na salita narinig ko na mula sa 'yo." Is he a masochist? Kumunot ang noo ko at ibinaling sa ibang direksyon ang mukha ko. Malalim na bumuntong-hininga ako at sapo ang noo ay umiling-iling ako. Kahit ano yata ang sabihin ko sa kanyang masakit na salita, iniisip niya yatang palaging compliment sa kanya. Nang harapin ko siya. Malapad na ngiti niya ang agad bumungad sa akin, nakita ko na naman ang pantay-pantay niyang mga ngipin. Muli na naman kumabog ang dibdib ko ng masilayan ko ang maaliwalas niyang mukha. Kung hindi lang masama na saktan ang kapwa ay matagal ko ng isinilid si Ulrich sa sako at iuwi sa bahay, doon ay mas ma-appreciate ko ang bawat himaymay ng pagkatao niya. Iiling-iling ako at hinayaan na lang siyang sundan ako sa kahit saan akong magpunta. Hindi sa pagod na akong makipagtalo pa sa kanya, marahil sawa na lang akong makita ang iba't ibang reaksyon ng mukha niya na nagiging dahilan ng pagwawala ng puso ko. *** Inilapag ko sa gilid ng pwesto ang bago kong hangong repolyo. "Hindi yata mapuknat ang ngiti mo ah," tukso sa akin ni Rita. Binalingan ko siya. "Bakit ka nandito?" tanong ko, binalewala ang tukso niya. Iniwan niya ang pwesto samantalang marami pang mamimili. "Matumal naman at saka wala namang bumibili sa 'kin. Masama bang punahin 'yang pagkakangiti mo ngayong hapon?" nakangising wika ni Rita. Umupo muna ako sa bakanteng upuan na naroon malapit sa 'kin. "Masama rin bang ngumiti?" pambabara ko. "Oo, pero parang kakaiba ‘yang kislap ng mga mata mo." "Talaga?" "Naku, Frexa. Hindi mo ako madadaan diyan sa pasikreto mong sagutan, matagal na kitang kilala. Buong pangalan at address nga ng bahay mo alam ko." Nakangisi siya habang nakatingin sa akin. Umiling lang ako. Lalong lumapad ang ngiti niya ng mahalatang wala akong balak pag-usapan ang dahilan. Hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya, siguro ayoko lang na paabutin sa kanya para sa susunod na yugto ng mga buhay namin ay may mga bago na siyang patutsada sa akin. Pero hindi pa rin mapuknat ang ngiti niya. Pumalatak ako at napahalukipkip. "Magtigil ka nga Rita!" saway ko sa kanya kalaunan nang mapansing wala siyang balak na lubayan ako ng hindi sinasabi ang dahilan sa kanya. "Ano nga?" Inaabala ko ang sarili ko sa kahit anong magagawa sa pwesto ko. Paunti-unti na ring nawawala ang mga mamimili dahil pasapit na ang gabi. "Ay, ang gara! Parang wala tayong pinagsamahan. Ano nga nangyari?" isa pang hirit ni Rita, at pumasok na nga ang bruhilda sa loob ng maliit kong pwesto. Inirapan ko na siya sa pagkakataong ‘yon. "Tulad ng sinabi ko kanina wa–" "Uy, narinig ko `yong balitang madalas daw kayong magkasama ng apo ng alkalde," putol niya sa sasabihin ko. Kung siguro may iba pang bagay na nagtataglay ng kakaibang bilis, siguro tsismis na 'yon dahil sa isang kurap lang ng mata nasa kabilang ibayo na ang balita. "Pogi ba?" "Hindi `yon totoo ano ka ba naman napakadali mong magpaniwala." "Alam mo naman si Aling Ebang napalakas ng WiFi niyon kung makasagap lalo ng tsismis." Ang tinutukoy niya ay ang matandang tindera ng kakanin, at walang duda sa bagay na 'yon, totoo ang tawag sa matandang babae na dakilang tsismosa. "Baka nagkakamali lang siya," kaila ko. "Talaga? Pero nakita ka nga ni Wayne kahapon may kasama ka raw gwapo? So, sino naman `yon?" Biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Ulrich habang masayang nagkukuwento samantalang hindi naman ako interesado sa mga 'yon. Lihim akong nakamasid lang sa mukha nito, wala naman akong ibang magawa kung hindi pagmasdan siya. "Frexa? Uy, nakikinig ka ba?" Kinaway ni Rita ang kamay niya sa mukha ko. "Nakikinig ako," sabi ko lang at nagsimulang magkalikot ng kahit ano sa pwesto ko. "Sus! Siguro iniisip mo 'yung lalaking kasama mo kahapon. Ikaw ah!" Nagsimula na siyang humalakhak, hindi na sana ako papatol sa kanya, pero nakakarindi ang mga pagtawa at paghampas niya sa likod ko. "Ano ba Rita?!" untag ko. "Kapag nagkatuluyan kayo niyon ‘wag na ‘wag mo akong makakalimutan ha!" Kumindat pa siya sa 'kin at nagmamadaling umalis. Tinungo niya ang kaninang pwesto. Sanay na ako sa ugali ni Rita, dahil simula pagkabata magkasama na kami, kung tutuusin si Rita ang kauna-unahang kaibigan ko at ang taong siyang mas nakakaintindi sa ugali ko. Minsan nga nauuwi sa away ang ilan sa mga biro ni Rita na sa madaling salita hindi ko kung minsan masakyan, pero kapag alam kong mali ako agad naman akong humihingi ng paumanhin. Inaamin ko namang mahirap din para sa 'kin mag-sorry, pagkatapos masasayang lang sa tulad ni Rita na hindi ata marunong magalit dahil madalas tatawanan niya lang. Mabait siya kahit alam niyang mahirap akong pakisamahan. Siya lang ata ang tumagal na kaibigan sa akin, karaniwan kasing kinamumuhian ako ng lahat bago nila ako kilalanin mabuti sisimulan muna nilang kamuhian ako. Natigilan ako bigla ng muling maalala si Ulrich. Sandaling napaisip ako, pati rin kasi ito ay nakatagal sa mga nakakainis kong patutsada. *** "Uwi na tayo?" Bigla na lang sumulpot sa kung saang lupalop ang mokong sa harap ng pwesto ko sa bayan. Tulad ng nakasanayan hindi mapuknat ang pagkakangiti niya. Sanay na marahil ang puso kong kumabog sa tuwing makikita ang mukha niya. Ibinaling ko ang atensyon ko sa ibang direksyon. Baka mamaya lundagin ko na lang siya at iuwi sa bahay aminado akong iba ang dala niya sa buong sistema ko. Pero hindi lingin sa kaalaman ko na kaya lang niya lahat ito ginagawa ay upang kuhanin ang atensyon, para kompleto na listahan niya sa buong klase namin na naging nobya niya. Marahas na umiling-iling ako sa katotohanang 'yon na sumagi sa isip ko. Madalas na niya akong ihatid kapag uwian at maging pagsundo sa akin sa bayan para samahan hanggang terminal ng tricycle. Hindi ko tuloy maiwasang maawa sa sitwasyon ko ngayon, dahil batid kong tumatalab na ang mga simpleng ginagawa ni Ulrich sa akin. Sa halip na tumalab ang pagtataboy ko sa kanya noong una, mukhang lalo siyang na-motivate na suyuin ako. "Hindi na, kaya kong umuwi mag-isa." Hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Siguro tama na ang ilang gabing pagsama niya sa akin, saka ayoko na rin na hayaan siyang manghimasok pa sa buhay ko. Alam kong may takot sa puso ko sa tuwing magkikita kami. Kaya lang, hindi yata gusto ng buong sistema ko na basta na lang siyang umalis. Sa maiksing panahon, tila nasanay na ang sarili ko sa presensya niya. "I'll stay," seryosong wika niya. Naupo siya sa isang gilid doon. Lihim nagdiwang ang bawat himaymay ng pagkatao ko sa sinabi niya. Hinarap niyang muli ako "So, any plans? Kailan ba ang uwi natin?" aniya. "Hindi ako magpapahatid sa 'yo ngayon, at saka pwede ba tigilan mo na ang pagsunod sa 'kin. Paano na lang kung matsismis tayo?" "Gossips about us?" Pinukol ko siya ng matalim na tingin. Wala ba siyang ideya na pwedeng mangyari sa kanya at lalo na sa 'kin, higit sa lahat isa lang naman akong hamak na tindera sa bayan. Ayoko naman na may bigla na lang na sumugod sa akin na grupo ng mga kababaihan na hiniwalayan niya ng dahil kasalukuyan niyang ibinibigay ang oras sa 'kin. Wala naman akong maipagmamalaki sa mga 'yon. "Pwede ba Ulrich, ‘wag kang umastang hindi mo alam ang pwedeng mangyari sa 'kin. Siguro nag-e-enjoy ka sa lahat ng nangyayari ngayon, pero balang araw mabo-bore ka rin sa 'kin. Why not just leave me alone?" Malamlam na tiningnan ko siya sa mga mata. Wala akong nakitang reaksyon sa kanya na ipinagtaka ko. Siguro nga, tama ang hinala ko na ang mahalaga lang sa kanya ngayon ang sariling kasiyahan sa nangyayari. Ano pa ba‘ng inaasahan ko sa isang anak mayaman? Karaniwan naman na wala silang pakialam sa kung ano'ng pwedeng nangyari sa kapwa nila. Tahimik siyang lubhang ipinagtaka ko. "Bes! Sabay ka na sa 'min ng asawa ko!" narinig kong sigaw ni Rita sa hindi kalayuan. Kumakaway pa siya sa 'kin at itinuturo ang tricycle ng asawa. Lumipas ang ilang sandali, kinuha ko ang bayong laman ang mga gulay na iuuwi ko sa bahay para sa hapunan. Balak ko sanang iwan na si Ulrich dahil natahimik na siya sa mga sinabi ko kanina na sa katunayan ay totoo naman. "Who is she?" Nagulat ako ng bigla na lang siyang humarang sa harap ko. "Bakit sasama ka sa kanya? Hindi ba't ako ang unang nag-alok sa 'yo?" Inginuso pa niya ang kaibigan kong naghihintay ngayon sa akin. Nakahalukipkip ako at tinaasan siya ng isang kilay. "Bakit sino ka rin ba?" sarkastikong tanong ko sa kanya. "The princess’ knight in shining armor–" Tinapakan ko ang sapatos niya. "Ouch!" "Joke mo ‘di nakakatawa." Inismiran ko siya at sandaling sinulyapan sina Rita. "Hindi naman ako nagbibiro!" nakangusong kaila niya. Muntik na tuloy akong humagalpak ng tawa sa reaksyon niya. "Sabihin mo sa kung sino'ng babae na 'yon na sa 'kin ka sasama." Gusto niya sanang hilutin ang nasaktang paa kaya lang natatakot na baka bigla na lang akong umalis at iwan siya. Gusto ko na rin umalis sa harap niya at tuluyang iwan siya, batid ko kasing nagsimula ng magwala ang puso ko sa mga simpleng ngiti at linya niya, marahil ganoon ako kababaw pero iba talaga ang kayang gawin sa akin ng lalaking ito. He could easily captures your heart. Ngunit kaya niya ring iwan ng basta-basta. "Bahala ka riyan at malapa ng mga daga!" Nagdesisyon akong tuluyang iwan na siya, masyado na ring malalim ang gabi. Nagtungo ako sa direksyon kung nasaan si Rita at ang asawa nito. "Rats?" nagtatakang tanong ni Ulrich. Pero laking gulat ko nang makitang mabilis niya akong nasundan. Mahinang napamura ako. "Ang sweet naman ng boyfriend mo Frexa. Nakita ko siyang palagi kang hinahatid sa inyo," kantyaw ni Berth ang asawa ni Rita. Ngiting aso lang ang tinugon ko. "Really?" patol ni Ulrich sa patutsada ni Berth. "Mukhang imported pa ata 'to Frexa!" asar pa ni Berth. Narinig kong malakas na tumawa ito, at umakbay pa kay Ulrich. Ngayon ang dalawang kumag na ang nagtawanan. Naramdaman ko ang paglapit ni Rita sa 'kin kaya naalarma agad ako sa mga maaari niyang itanong. Pinilit kong dumistansya kaya lang pinigilan niya agad ako sa braso. "Teka lang ‘di ba apo `yan ni Mayor Alfredo?" usisa niya. "Oo," masama sa loob kong sagot. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" may pagtatampo niyang tanong habang kunot ang noo. "Pero, in fairness. Ang gwapo pala ng apo ni Mayor Alfredo sa personal." Biglang nagulat ako sa dagling pagbabago ng anyo ng mukha niya, lalo na nang kumindat pa siya sa 'kin. "Ano ka ba Rita? Tao lang din ‘yan, dumudumi kapag tinawag ng kalikasan." Inirapan ko siya. Malalim na bumuntong-hininga ‘ko. Laking pagtataka ko na imbes na ayain akong sumakay ng tricycle. Isinakay lang ni Berth ang dala kong bayong. Maya-maya lang nag-alok si Rita na kumain muna kami sa malapit na lugawan sa bandang unahan lang ng bayan. Muntik na akong mapamura dahil tatanggihan ko sana 'yon nang magsalita si Ulrich, nagmatigas siyang gustong sumama para kumain muna bago umuwi. Siniko ko siya, pinanlakihan ko siya ng mata pero isang malapad na ngiti lang ang isinagot niya sa 'kin. Sa maiksing sandaling 'yon, naramdaman ko na naman ang mabilis na t***k ng puso ko. Napasinghap ako at mariing napapikit. Piping nagdasal ako sa na huwag sanang magtuloy-tuloy ang pagwawala ng puso ko. Binalingan ko ang dalawang lalaki sa likod. Mas lalo atang kumabog at halos lumugwak na palabas ang puso ko nang mahuling nakatingin si Ulrich sa 'kin! Ano ba naman 'to? Agad akong nag-iwas ng tingin. "Pero sana sinabi mo pa ring may kaklase kang pogi Frexa. Para tuloy akong nagsisising nag-asawa ng maaga dahil sa ganda kong ito ay bumagsak lang kay Berth, samantalang panalo ang beauty ko sa mga beauty pageant!" untag ni Rita sa tabi ko. Hindi man lamang niya alintana kung marinig siya ng sariling asawa. At saka may isang taong gulang na rin siyang anak na si Brigette. "Pasalamat na rin ako marahil dahil may Brigette naman ako." Umaliwalas bigla ang mukha niya at naupo sa isang upuan sa bakanteng mesa sa lugawan ni Ka Isko. Nakita namin ang matandang lalaki na si Ka Isko na ngiting-ngiti ng makita kami. Tumanda na lang itong biyudo at ipinagpatuloy ang negosyong marahil ay apat na dekada na. Dito ako madalas tumambay kapag may libreng oras noon, kaya lang simula nang matutong tumingin sa timbangan ay nagbanat na agad ako ng buto sa edad na sampu hanggang ngayon. "This is a nice place," usal ni Ulrich habang inililibot ang mga mata sa buong lugar. Ang buong akala ko ay mandidiri siya lalo't iba ang lugar kung saan siya karaniwang kumakain. Pero napapiksi ako nang maupo siya sa tabi ko. Lilipat sana ako sa tabi ni Rita kaya lang nasa tabi na agad nito ang asawa. Apat na tao lang ang maaaring maupos bawat mesa. Lihim kong naiyukom ang mga kamay sa ilalim ng mesa, at nakagat ang ibabang labi. Ang ibig sabihi'y ito ang unang pagkakataon na makakatabi ko siya. "So, what's the menu?" Muntik na akong humagalpak na tawa, dahil halatang wala siyang ideya kung ano ang kakainin namin at kung ano lang ang available na pagkain sa lugawan na 'yon. Sinubukan kong ipagsawalang-bahala 'yon at itinuon ang atensyon sa asawa ni Rita. Ito kasi ang lumapit sa bantay na naroon para sabihin ang order namin. Ayaw na rin umimik ni Rita sa harap ko at halatang natatawa sa narinig mula kay Ulrich. Pero inapakan ko ang paa nito para sawayin na huwag lang nitong matangka-tangka. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataong matitigan ng malapitan ang mukha ni Ulrich. Mahaba ang mga pilik mata niya, manipis ang labi, matangos ang ilong at mamula-mula ang pisngi, dahil mainit din kasi ang lugar na 'yon. Sinunod kong pagmasdan ang bawat galaw niya habang isini-serve ni Ka Isko ang order naming lugaw. Para siyang bata, base sa napakainosenteng reaksyon niya habang excited na makita ang mga pagkain. Tulala lang ako habang pinapanood siya kumain. Animo'y nanonood ako ng isang advertisement ng pagkain at si Ulrich ang taong sarap-sarap sa kinakain nito. "Mamaya mo na ako pagmasdan... kumain ka na muna d'yan. I hate it when food is being ignored." Inilagay niya sa kamay ko ang isang kutsara. Batid kong nakaramdam ako bolta-boltaheng kuryente sa pagdadaiti ng balat namin. Nginitian pa niya ako ng kay tamis kahit namumula pa ang mukha niya. Malalim na napabuntong-hininga ako at hinarap ang pagkaing nasa harap ko. Bagsak pareho ang balikat na tahimik akong kumain. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin matapos niyon. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD