Kabanata 8

1781 Words
Nagugulantang ang buong mundo ko habang pinapanood kung gaano ka-close ang kagalang-galang na alkade ng San Agustin sa ama ko. Hindi sa minamaliit ko ang mismong ama ko, pero sadyang nagulat lang ako sa mga nasasaksihan. Parang mga bata lang ito magkulitan at magkwentuhan tungkol sa mga kani-kanilang pinagdaanan sa matagal na hindi pagkikita. Napamaang na lang ako kung paanong akbayan ni Don Alfredo ang ama ko, kulang na lang ay isiping magkapatid na ang mga ito. Malakas ang tawanan at halakhakan ng bawat isa na halos marinig sa buong lugar. Matagal ng panahon noong huli kong makita na ganito kasaya ang ama ko kaya't hindi ko magawang sumabat. Nasa kabilang sofa ako habang tahimik na pinapanood sila, natutuwa akong makita ang dalawang matanda ay hindi alintana kung may maaaring makakita sa kulitan at halakahakan ng mga ito. Inilibot ko ang mga mata sa kabuuan ng mansyon. Tila nasa loob ako ng isang palasyo dahil sa grand staircase at ang nagniningning na chandilier sa itaas. Mukhang sa hula ko ay mayroong tatlong palapag, ang bawat furnitures ay pawang galing pa ata sa middle east at sa mga nakasabit na paintings ay mukhang ipininta pa ata ng mga kilalang pintor. Animo'y talagang nasa loob ako ng palasyo lalo na sa mga kakaibang figurines sa ibabaw ng mga furniture. Sa bahaging left side, halatang nag-innovate sila ng new style dahil open ang salamin niyon. Mula sa kinauupuan ko kitang-kita ang bakuran ng mansyon, napakalawak nito at nagmumutiktik sa mga bulaklak. Marahil hilig ng asawa ng Don ang pag-aalaga ng mga bulaklak. Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Ulrich na noong nakaraan nasa ospital ang lola nito. "‘Ayan na ba ang isa sa mga anak mo, Anton?" biglang napalingon ako sa ama ko at ang kaibigan nito. "Oo. Nasa huling taon na rin nga pala niya sa high school, kompañero," sagot ng ama ko. "Ay, oo nga pala! Naku, maswerte ka talaga Anton at may anak ka na namang magkakapagtapos ng highschool!" puri ni Mayor Alfredo. "Siguro'y dito na lang talaga sa anak kong ito aahon kami sa hirap." "Eh hindi ba't may anak ka pang babae, `yong nasa kolehiyo na?" nagtatakang tanong ng huli. "Kaya lang namamanipula na ang anak kong `yon ng makabagong mundo." Buntong-hininga ang ama ko. "Hindi ba't may apo kang lalaki Fred?" pagbabago bigla niya ng paksa. Natawa lamang ang matanda. "Kung ikaw nga ay may problema sa anak mong babae, ako pa kayang may apo at lalaki pa!" Humalakhak si Mayor Alfredo. Mukhang hindi na ako nagugulat kung saan nagmana ang apo nito. "Gano'n ba? Aba'y ang pagkakaalam ko nasa Amerika ang apo mong `yon?" usisa ng ama ko. "Nakabalik na s'ya Anton, ilang buwan na ang nakararaan, masyado ka marahil abala noong mga nagdaang araw. Kaya't matagal na ng huli kitang nakita." Napaisip ako bigla kung mayroong namana ang hudyo sa lolo nito maliban sa madalas na pagngiti nito. Marahil naman nito ang hugis ng mukha at pangangatawan. Siguro'y noong kabataan nito ay magandang lalaki rin ito tulad ni Ulrich. Kahit may edad na ang alkalde mapapansin ang bata pa rin nitong itsura. May kung ano'ng nagtulak sa akin para luminga-linga sa paligid upang hanapin ang isang tao sa buong mansyon. Nasaan kaya si Ulrich? Nanghihitakutan ako nang maintindihan ang naitanong ko sa sarili. Hinahanap ko ba talaga ang tipaklong na 'yon? Umiling-iling ako sa sariling iniisip. "Frexa, nababagot ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Mayor Alfredo sa 'kin. "Naku hindi po Mayor," mabilis at magalang kong sagot. "Siguro'y maglibot-libot ka muna rito sa mansyon para malibang ka hija," alok niya. Nakangiti siya sa 'kin. Noong una ko siyang makita sa isang programa sa bayan ang akala ko talaga ay masungit at may pagkaistrikto siya, pero sa isang iglap naglahong lahat ng mga unang impression ko sa kanya ngayong kaharap ko na siya. "Nakakahiya naman po Mayor," tanggi ko. "Kahit Lolo Fred na lang hija tutal ay parang apo na rin naman kita." Binalingan niya ang ama ko. “Anton napakabait nitong anak mo sana'y makilala niya ang apo kong binata." Kumislap ang mga mata niya matapos sabihin ‘yon. Parang may gustong ipahiwatig ang mga sinabi niya tungkol sa apo niyang lalaki. "Sige na ‘Nak, at saka may importante rin kaming pag-uusapan ng kompañero ko," wika ng ama ko. Seryoso ang anyo ng mukha niya balak ko sanang tumanggi at hintayin na lang sina na matapos mag-usap. "Sige ho `Tay," paalam ko. Iniwan ko sila sa may sala, habang hindi ko alam saan magsisimula. Gusto ko rin namang maglibot-libot, kaya't lihim rin akong nagpapasalamat at pinilit nila ako. Una akong umakyat sa malaking hagdan sa gitna para libutin ang ikalawang palapag. Namangha ako dahil tulad sa baba ay mayroon namang kakaibang disenyong hitik sa kulay gold na kulay ang halos buong palapag. Pagkatapos kong purihin ang bawat nakikita ko. Habang hinahanap ang hagdanan sa ikatlong palapag, nahagip ng mga mata ko ang isang bukas na kwarto kaya balak ko sanang isara 'yon. Hindi ko tuloy maiwasang silipin ang nasa loob niyon. Nakita ko ang isang nakatalikod na wheelchair at nakaharap sa veranda ng mansyon. Mukhang matandang babae 'yon. Biglang sumagi sa isip ko ang lola ni Ulrich. Hindi ba't nasa ospital ang matanda kung gayon anong ginagawa nito rito? Huwag mong sabihing? Nanginginig ang mga kamay ko habang pumipihit patalikod, bumibigat maging ang paghinga ko at bumibilis ang pintig ng puso sa nerbiyos. "Pumasok ka rito." Narinig kong wika nito. Muntik pa akong mapatili sa gulat kaya lang agad ko ring natakpan ang bibig ko. "Hija, pumasok ka rito," malumanay na utos ng matandang babae... kaya lang. Paano kung kaluluwa lang 'to ng matanda? O nagsisinungaling lang talaga ang tipaklong sa sinabing na-ospital ang lola nito? Kapag talagang nalaman kong nagsisinungaling lang ang tipaklong na 'yon! "Hilutin mo nga ang balikat ko hija, masakit kasi..." aniya. Wala akong nagawa kung hindi lumapit dito at para malaman na rin ang nasa isip ko. Tulad ng inaasahan... mainit at humihinga ito. Parang napahiya ako maging mismo sa sarili ko kung bakit ba naman gano'n ang naisip ko noong una. Naiilang ako ng simula kong ipatong ang dalawa kong kamay sa magkabilang balikat ng matandang babae. "Dahan-dahan lamang hija," bilin niya sa 'kin. Ginawa ko ang sinabi niya at dahan-dahan na minasahe ang balikat niya. Sanay naman akong magmasahe dahil ginagawa ko rin ito sa ina ko tuwing dadaing itong masakit ang balikat. Lihim akong natuwa dahil tila nakita kong nagugustuhan ng donya ang pagmamasahe ko. "Ganyan nga hija..." puri niya. Dumaan ang ilang sandali patuloy pa rin ako sa pagmamasahe. Mukhang hindi pa ata tapos ang dalawang matanda sa baba. "Ano nga pala ang pangalan mo hija?" natigilan ako sa biglang tanong niya. "Po?" gulat kong tanong. "Ano ang pangalan mo, parang ngayon lang kasi kita nakita hija?" pag-uulit ng donya. Saka ako nakaramdam ng pagkailang at hiya. "A-ako po si ano... Frexa po." "Frexa?" tila bakas ang gulat sa boses niya. "Po?" Nilingon niya ako tila sinisiyasat ang buong kabuuan ko. Binalot ako ng lubos na pagtataka sa ginawa niya. "Marahil kapangalan mo lang." "Bakit ho?" Hindi ko maiwasang itanong. Mahinang natawa siya. "Kapangalan mo kasi hija eh `yong gusto ng aking apong lalaki..." Halos hindi maipinta ang reaksyon ng mukha ko habang pabalik sa sala. Hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang dalawang magkaibigan sa pag-uusap. Sa totoo lang napakabigat ng bawat paghinga ko. Ang lakas ng pintig ng puso ko tila gusto ng kumawala sa kinalalagyan nito. "Oh, Frexa! Kumusta ang paglilibot mo?" bungad agad ng aking ama nang makita niya akong palapit sa kanila. "Bakit namumutla ka?" nag-aalalang tanong niya. Maraming sinabi sa 'kin ang doña habang nasa silid ako nito, at hindi nag-alinlangang naikuwento nito kung gaano kabait ang pinakamamahal nitong apo. Bumibigat maging ang bawat mga hakbang na ginagawa ko. Pero isa lang ang gumugulo sa isip ko, talaga bang ako ang tinutukoy ng lola ni Ulrich? O masyado lang akong nag-aakala na ako ‘yon? "Halika't maupo ka muna rito," aya sa akin ng ama ko ng mapansin niyang humihinto ako sa paglalakad. "Ano ba'ng nangyari hija?" nagtatakang tanong ni Mayor Alfredo. Nahimasmasan ako sa tanong ng matanda kaya't inayos ko ang postura ko. "W-wala po, malaki po pala ang mansyon kaya medyo napagod lang po ako," pagsisinungaling ko. Kung gaano ako kabilis sumagot, ganoon din ang bilis ng t***k ng puso ko. "Mukhang hindi ka lubhang nalibang habang naglilibot ka hija sa mansyon," tila dismayadong wika ng matandang alkalde. Agad na umiling-iling ako. "Naku! Hindi naman ho sa gano'n Mayor Alfredo." "Hija, Lolo Fred na lang. Magagalak ang aking kalooban kung tatawagin mo ako'ng ganoon, lalo't malapit sa akin ang 'yong ama." Napangiti ako. "Opo–" "Grandpa, could you please call someone to fix my airconditioning?" Binalingan naming tatlo ang nagsalitang si Ulrich na kasalukuyang pababa ngayon sa hagdan. Halatang wala siyang ideya na naroon kami ng ama ko. Nang dumilat ang mga mata niya matapos humikab. Ilang beses na pumikit-pikit pa siya upang marahil tiyakin na hindi siya niloloko ng mga mata. Sa isang iglap namula ang magkabilang tainga niya. Gusto ko tuloy ngumiti dahil ang cute niyang pagmasdan kapag nahihiya siya, na unang beses ko marahil makita sa kanya. Pero hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon. Bahagyang yumuko lang ako para batiin siya. Subalit sa totoo lang gusto ng kumawala ng puso ko mula sa dibdib sa tindi ng tensyong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam ang sasabihin, nakatitig lang ako sa kanya tulad siya sa akin. Kahit gulo-gulo ang kulot niyang buhok, pumupungay pa ang mata at nakapantulog hindi man lang nabawasan ang taglay niyang kagwapuhan. Lalo lang tuloy akong humanga sa napakaganda niyang mukha. Kahit siguro maligo siya sa putikan, hindi pa rin mababawasan ang karisma na mayroon sa kanya. Mukhang hindi pa rin siya nakakaligo, pero bakit ganoon parang ang bango-bango pa rin ng itsura niya? Kawawa naman ang buong sambayang Pilipino kung sakaling maglakad siya sa labas, masasayang ang napakagandang tanawin lalo't dito sa Sunny Village siya nakatira at bihira ang mga tulad kong kabilang sa middle class na marunong maka-appreciate sa katulad niyang nilalang. "Do you know her, grandson?" biglang tanong ng lolo niya. "Parang nakita na kita hijo kung saan?" palaisipang tanong ng ama ko. Tipid na ngumiti lang ako. Pero nanatiling tahimik siya na nakamasid sa amin. Ayoko naman na biglang sumabat at sabihing kaklase ko siya o maski kakilala. Sa katunayan, isinusumpa ko na ang pagkatao niya sa lahat ng santo na kilala ko sa pang-iimbyerna niya sa buhay ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD