Kabanata 6

1912 Words
Isang linggo na ang nakalilipas ng huli beses kong makita si Ulrich. Parang hindi ata sanay ang mga mata kong hindi siya makita at marinig ang mga pang-aasar niya, lalo't sa ginawa ng Diyos 'yon lang ata ang alam niyang gawin ang mang-asar. Pinilit ko siyang alisin sa isipan ko para kahit papaano'y maibsan ang panggugulo niya sa kahit man lang sa utak ko. Pero talagang nananatili ang imahe niya sa isipan ko nang gabing ma-realize ko kung gaano siya biniyayaan ng Maykapal ng napakagandang mukha. Bigla tuloy akong napatayo sa kinauupuan ko. Lihim akong nagpapasalamat dahil recess palang naman. Bakit ba kahit saan ako magpunta palaging siya ang pumapasok sa isip ko? "Bwisit ka talaga Ulrich!" tili ko nang ibato ko sa pintuan ng classroom ang isang notebook ko. "Oh, I'm surprised that you'd miss me." Pumasok bigla ang hindi ko inaasahang tao. "K-kailan ka pa nandiyan?" mabilis kong tanong bakas ang matinding gulat sa biglaang pagsulpot niya. Na-late lang ba siya ng pagpasok kaya ngayon ko lang siya nakita? Tila pasimple pa siyang nag-isip ng isasagot. "Just now. Maybe, let me see." Sinipat niya ang relong pambisig. "One minute and thirty-one seconds and unfortunately still running..." Humalukipkip ako at tiningnan siya ng masama. "Nagpapatawa ka ba?" sarkastikong tanong ko sa kanya. Tinaasan ko pa siya ng isang kilay. "No. I'm just stating the truth," nakangising sabi niya. "Did you miss me Frexaline Kaye Villaruiz?" Saka naman siya ngumiti, kitang-kita ko na naman ang mga ngipin niya at ang napakaamo niyang mukha. Tila may kung anong humawak sa puso habang nasa rib cage ko 'to at nagwawala. Parang huminto ang lahat sa ko buong paligid nang mga oras na 'yon. Nagmamadaling tumakbo ako palabas ng room, hindi alintana kung sino man ang mababangga ko. No way! What is wrong of me? "Hey Frexaline!" narinig kong paulit-ulit na tawag sa 'kin ni Ulrich habang mabilis akong tumatakbo para lang makalayo sa kanya. Hindi ko inaasahang mabubunggo ako sa isang matigas na bagay. Sapo ang nasaktang pang-upo. Hindi ko tuloy agad nakita kung sino mang tumulong sa 'kin para makatayo. Pagdilat ko ng mata, tumambad ang mukha ni Joseph sa mukha ko. Saka ko lang napagtanto na sa kanya pala ako bumangga. Bakas ang hindi magandang timpla ng mukha niya nang balingan ang likurang bahagi ko. "Next time huwag kang tatanga-tanga para hindi ka nakakaabala," wika ni JJ. "Hindi ako tanga! Ikaw nga 'tong nakaharang sa daan!" singhal ko. "Manahimik ka nga Frexa," malumanay na saway niya sa 'kin. Pansin kong ang buong atensyon ni Joseph ay nakatuon lang kay Ulrich. Mukhang hindi pa ata magkabati ang magkaibigan. "What did you just say to Frexa?" nakakunot-noong tanong ni Ulrich kay Joseph. Napalingon ako kay Ulrich, laking gulat ko ng makitang nasa harapan ko na pala siya. "Wala kang karapatan na diktahan ako sa kung ano man ang sabihin ko." Hindi na sana aabot sa puntong iyon ang inisan nila sa isa't isa. Kaya lang masyadong umiinit ang bawat titigan nila, tilang walang susuko. Aalis na ko? Pero teka nga lang! "Anong sabi mo? Hindi ako tanga!" bulyaw ko kay JJ. "Hindi ka nga siguro tanga, pero isa kang manhid." Hindi naman ako manhid. Ano bang kalokohan na ang mga sinasabi niya? Bumaling ako kay Ulrich. Nang biglang basta na lamang niyang hinablot ang braso ko. "Lets go." Sa isang kisap mata nakaalis na kami sa harap ni Joseph at patungo na ngayon sa school garden. Binalot ng nakabibinging katahimikan ang pagitan naming dalawa matapos kaming magpunta sa school garden, parang wala naman yata kaming pag-uusapan. Dahil na rin siguro sa insidente kanina sa pagitan ni Joseph at Ulrich nagawang kumalma ng buong sistema ko upang makapag-isip na ngayon ng maayos. Pero hindi tulad ko, mukhang tense pa rin hanggang ngayon si Ulrich. Parang inis pa rin siya sa nangyari sa pagitan niya at ng marahil dating kaibigan. Hindi ko ring maiwasang magtaka kung bakit ganoon na lang sa kanya kahalaga kung ano'ng sasabihin sa akin ng ibang tao, samantalang wala rin naman siyang ipinagkaiba sa kanila. Sa katunayan, kung umasta siya ngayon siya ang dakilang inosenteng walang alam sa tunay na nangyayari. Ngunit ayoko naman na dagdagan ko pa ang inis niya, at wala rin yata siyang balak bitawan ang braso ko. Tahimik naman ang lugar at wala na rin masyadong tao. "Bakit absent ka ng isang linggo? Nagkasakit ka ba noong huli tayong nagkita?" pagbubukas ko ng topic. Kung hindi ko gagawin 'yon, hindi siya haharap sa 'kin at mapapansing kasalukuyan niyang hawak ang braso ko. Tila nagulat pa siya sa tanong ko. "I-I'm with my grandpa last week. Binisita namin ang lola ko na naka-confine ngayon sa ospital," aniya at gumuhit muli ang malapad na ngiti tulad kanina. Nakatatawa ba ang tanong ko? "Bakit parang natatawa ka? May nakakatawa ba sa tanong ko?" "Of course not! As a matter fact, its actually the first time you ask me something I am not expecting to hear from you." Nagulat ako sa narinig. Parang umakyat ata lahat ng dugo ko sa mukha sa pagkapahiya. Is he implying that I'm interested to know what is he up to? Pumuti man siguro ang uwak, at mamuti na ang mata niya. Imposible 'yon na mangyari. "Hindi ‘no!" I quickly denied. Ayoko na pahabain pa ang pag-uusap namin kasi sigurado akong hahantong lang ang lahat ng ito sa pagkainis ko sa kanya. Dahil iyon naman talaga ang gusto niya ilabas lahat ng ugat ko sa leeg sa tindi ng galit ko sa kanya. He crossed his arms in front of his chest. "Really?" ngiting-ngiti siya habang sinisiyasat kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Naku, tigilan mo na 'ko!" Mabuti pa atang iwan ko siya. Kung sakali man sana'y huwag niyang mapansing nag-iinit ang magkabila kong pisngi. "You know what, I actually miss you Frexaline Kaye!" Biglang napatingin ako sa kanya. Napamaang siya. "Are you really blushing?!" Nanlaki ang mga mata niya sa matinding gulat. Halos patakbo akong pumasok sa isang building. Hindi ko na inalam kung ano'ng building 'yon ng eskwelahan, ang mahalaga ngayon ay mapakalma ko ang puso at isip ko. Hindi pwede ang itinitibok ng puso ko, nahihibang na ba ako para magustuhan kahit katiting lang ang mukhang tipaklong na 'yon? Sumalisi ako sa isang bukas na silid. Naupo ako sa isang sulok sa loob niyon. Yakap-yakap ko ang mga tuhod ko at tahimik na nagdarasal. Sa dinarami-rami ng mga lalaki sa mundo. Bakit si Ulrich pa? Dahil ba gwapo siya, malinis sa katawan at magandang ngumiti. Mahinang napamura ako sa mga tumatakbo sa isip ko saka umiling-iling. Pero hindi maiwasang mangilid ang mga luha ko. "Frexa?" Napapiksi ako ng marinig ang boses na 'yon. Tumingala ako para makita ang mukha ng taong nagsalita. Si Sam iyon na bakas ang pag-aalala sa mukha habang nakatingin sa akin. "Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong niya. Agad na umiling ako. "H-hindi napuwing lang ako," pagsisinungaling ko. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. "Use this." Ibinigay niya sa 'kin ang panyo na galing sa bulsa niya. Tumayo na ako. "H-hindi na ‘no, okay lang ako. Napuwing lang talaga ako." Pinagpagan ko ang suot kong palda at akmang aalis na nang marinig kong bumuntong-hininga siya. "Admitting you're weak sometimes is normal. Hindi ka palaging malakas, wala namang masama na minsan naging mahina tayo. Sa loob ng ilang taon, you live your life as if it's not yours. Pero nang dumating ang bago mong kaklase, you started to look different, you changed for the better of yourself." Nakangiti lang siya habang nasa likod ang mga kamay. Samuel Mandragon, pinsan ni Ulrich. Isa rin siya sa apo ng mayor ng San Agustin. Tulad ni Ulrich, nagtataglay din ang pinsan nito ng magandang mukha at height. Pero syempre, sa personality ang laki ng pagkakaiba nilang dalawa dahil si Samuel ay maunawaing tao samantalang si Ulrich buhay pa ngunit mapapatay ko na. "Ganoon ba," sabi ko na lang. Hindi ko rin naman alam ang susunod kong isasagot sa sinabi niya. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Saka ko napagtanto na nasa Music Room ako, at syempre kabilang naman si Samuel sa banda ng school. "Ikaw lang mag-isa dito?" "Oo, umalis sandali si Luna para bumili ng pagkain." Tumalikod siya. Tumango-tango ako. Nakita kong may binuhat siyang medyo may kabigatan kaya agad ko siyang nilapitan at tinulungan. "Madalas kayong magkasama ni Luna," puna ko. Inilapag namin ang kahon sa isang gilid. "Talaga?" "Oo." Narinig kong malakas na tumawa siya. Ito ang unang pagkakataon na marinig ko siyang tumawa ng malakas, kaya medyo nagulat ako. "Kung hindi ako nagkakamali, iniisip na siguro ng lahat na may relasyon kaming dalawa." Mas bagay sa kanya na nakangiti at nakatawa, madalas kasi siyang tahimik at hindi mo makikitaan ng kahit na ano mang emosyon. "We don't have any hidden relationship aside from being friends." Umupo siya sa isang bakanteng upuan, kaya naupo naman ako sa isang nakita ko ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya. "Pasensya na, hindi 'yon ang ibig kong sabihin," agad kong hinging paumanhin sa kanya. "Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin." Tumingala siya sandali, kahit ako napatingin din sa kisame. Ang buong akala ko may makikita roon, pero laking pagkadismaya ko wala naman. "Naalala ko, nakilala ko si Luna sa San Nicholas. May event kasi niyon kaya pinapunta ako ni Lolo para manood, laking pasasalamat ko dahil doon napanood ko sa tana ng buhay ko ang pinakamaganda tugtog ng piano, and it was Luna who's playing the piano that time." "Ibig sabihin marunong pala mag-piano si Luna," manghang wika ko habang nakatingin sa isang piano na naroon. Ang buong akala ko talaga, wala itong hilig gawin maliban sa manahimik sa isang tabi buong klase. Pinasubok sa 'kin ni Sam ang isang gitara, natatakot akong hawakan noong una dahil batid kong may kamahalan 'yon. Pero ang sabi ni Sam ayos lang daw kaya hindi na ako tumanggi pa. "Hindi ba't dati kang miyembro ng music club? Dati kang pianist at pinalitan lang ni Luna." Marahang tumango ako. "Oo. Pero dati na 'yon." "Sabi ko na nga ba ikaw 'yon!" bulalas niya. Muntik na akong mapatili sa biglang pagtaas ng boses niya na hindi ko inaasahan. "B-bakit?" pagtataka ko. "Ngayon alam ko na kung bakit siya nagkakagano'n sa 'yo," umiiling-iling niyang sabi. Lalong bumakas sa mukha ko ang pagtataka, wala akong ideya kung sino ang tinutukoy niya. "Sino ba ang tinutukoy mo, Sam?" Pero imbes na sagutin ay tumawa lang siya. "Nothing. I'm sorry." Pero hindi pa rin mapuknat ang pagkakangiti niya. Napakunot-noo na lamang ako. Sino ba ang tinutukoy niya? Ilang minuto ang nagdaan. "Nasa'n na kaya si Luna..." narinig kong bulong ni Sam. Mukhang nag-aalala na siya sa kaibigan. Alam kong kalmado na rin ang pakiramdam ko kaya tumayo ako at inilipag sa gilid ang gitara. "Tara hanapin natin siya," aya ko. "Sige." Naunang lumabas ako ng Music Room habang nakasunod si Sam. Tahimik ang buong paligid lalo't kasalukuyang nasa classroom ang bawat estudyante. "Pupunta ako ng cafeteria para hanapin siya ro'n, while you Frexa, kindly look for him in the library..." wika ni Sam. Tumango ako at agad nagtungo sa library. Kaya lang agad ding naudlot dahil may naramdaman akong nakatingin sa 'kin. Multo? "Frexa..." Napatili ako ng malakas nang maramdamang may humawak ng balikat ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD