Kabanata 5

1986 Words
Itinulak ko si Ulrich dahil nagawa pa niyang humarang sa harapan ko ng akmang lalagpasan ko siya. Lalong pinukol ko siya ng napakasamang tingin na kung sakaling nakamamatay lang talaga, kanina pa may nakatirik na kandila para sa kanya. Kahit paano'y nagagawa kong pakalmahin ang sarili ko para hindi ko siya patulan talaga, pero aminin ko man sa sarili ko nanggagalaiti na talaga akong sapakin siya. Napakarami niya ng sinabi tungkol sa Nanay ko, kesyo hindi raw patas. Masyado raw akong bulag-bulagan sa kototohanang hindi talaga ako pinahahalagahan, kesyo parang hindi rin daw ako patas sa kung ano'ng dapat kong ipaglaban. Konting-konti ka na lang sa 'kin Ulrich, mabait pa talaga ako sa lagay na 'to. "Isa pa Ulrich! Tatamaan ka na talaga sa 'kin!" banta ko na sa kanya. "Ibabalik ko sa 'yo `yong ginawa mo kay Joseph kanina!" Sa pagkakataong 'to, nakita ko mismo ang tila pagdidilim ng anyo ng mukha niya. Biglang nakaramdam ako ng sandaling takot pero agad din akong nakahulma. "Do you like Joseph?" biglang tanong niya. Pinantayan ko rin ang bawat tingin niya. Nang ma-realize ko kung ano ang sinabi niya, sandaling nagulat ako. "Ano'ng kalokohan ba ang sinasabi mo?!" bulalas ko. Tila nagulat din siya. "I thought you like him. Kung paano ka mag-alala sa kanya ng sobra kanina," malumanay niyang saad. "Hindi pa ako tanga para pumatol sa tulad niya, at pwede ba! Sa dinarami-rami ng sasabihin mo `yon talaga?" Nagkibit-balikat siya. "I don't know." Hindi ko talaga maintindihan kung minsan ang mokong na 'to. "Uuwi na ko." Nagulat na lang ako dahil inagaw niya ang dala kong bayong. "Ano ba? Umuwi ka na nga rin!" pagtataboy ko. "Baka kailangan mo ng tulong kahit sa pagbubuhat." Parang naninibago ako rito kay Ulrich, hindi naman siya tulad dati na kung mambara at ngayon naman kung magpa-sweet ay akala mo ay hindi matatanggihan. Ang laki ng pagbabago niya sa loob lang ng ilang araw o sadyang hindi ko lang talaga napansin. Noong dumating siya rito sa San Agustin parang isa lang naman siya sa mga tipikal na lalaki na tagasyudad. Lahat ng mga babae halos magkandara para magpapansin sa kanya. Nasabi ko bang apo rin nang alkalde ng San Agustin si Ulrich, ang ina niya ang anak ng alkade kaya't maimpluwensya ang mokong. Sa katunayan hindi lang obvious, dahil tulad ng sinabi ko dati maypagkatahimik talaga 'to... at pagkababaero na rin. Mga ilang buwan na rin ng guluhin niya ang San Agustin sa mga simpleng ngiti at pagpapa-cute niya. Halata naman. Ang buong klase nga namin ay lahat naging nobya na rin niya ata. Kaya sobrang matinik talaga ang mokong na 'to. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ngayon ko lang din na-realize. "Salamat na lang, pero susunduin ako ng Tatay ko maya-maya lang." Isang malaking kasinungalingan na nilikha ko ngayon-ngayon lang. "Pero gusto talaga kitang tulungan." "Pakiusap lang Ulrich, marami pang ibang babae ang pwede mong abalahin huwag na lang ako dahil hindi ako tulad ng ibang uto-u***g humahabol sa 'yo. At saka pagabi na rin baka mapahamak pa ang apo ng alkalde at madamay pa ko." Isa lang talaga ang tumatakbo sa isip ko parang may kung anong mali kay Ulrich. "Hmm..." "Anong sagot `yon?" Pinilit kong agawin sa kanya ang bayong ko. Pero sadyang maliksi ang mokong. Parang tulad lang ng dati noong sunduin ako ng Tatay, madilim at `yong lumang lamp post na kurap nang kurap ang nagsisilbing liwanag ng paligid. Sa kauna-unahang pagkakataon nasilayan ko ang tunay na itsura ng tipaklong, para siyang prinsipe ng kadiliman lalo na kahit sa simpleng checkerd lang na mukhang bagong bili sa mall. Mas nangingibabaw ang itsura niya sa pagka-wavy ng kulot niyang buhok, asul na asul na mga mata, matangos na ilong at mamula-mulang manipis na labi. Bwisit na tipaklong na 'to ang hot pala niya! Kahit sa suot nitong simpleng jeans, fit na fit sa mahabang binti niya. Napamaang ako. Parang international model ang mokong sa ganda ng katawan at mukha. Kadalasan kasi ay nakikita ko siya nasa tabi lang at nakikipag-usap sa mga kabarkada niya tungkol sa mga kalaswaan ng buhay nila. Sa haba-haba ng panahon o sa madaling salita sa loob ng dalawang buwan, ngayon ko lang talaga na-appreciate ang mokong! Nahigit ko pa ang hininga ko at napatalikod. Naramdamang kong muli ang pag-angat ng dugo ko sa mukha ko. Ano ba 'to? "Is there something wrong?" pagtataka na niya. Lihim kong pinagdarasal na huwag niyang balakin lumapit man lang sa 'kin. "Umuwi ka na sabi e!" sigaw ko sa kanya. "Susunduin ako ng Tatay ko kaya umuwi ka na!" "Kung may problema, ‘wag kang mahiyang sabihin sa 'kin." Inigaw ko na rin sa wakas ang bayong ko na hawak niya. "Umuwi ka na, saka hindi naman tayo close!" "May problema ba?" pag-uulit niya. "Pwede ba? Umuwi ka na lang!" "Hindi ako uuwi." Sumilay ang mumunting ngiti sa labi niya. Ang sarap talagang tagpasin ang nguso at ipakain 'yon sa mga asong gala. "Wala sana akong problema kung umuwi ka na sa inyo." Mukhang pinagpala talaga ako dahil sa hindi kalayuan may patungo sa direksyon naming tricycle. Sa wakas! Mawawala na sa landas ko ang taong ito. Gumuhit ang mumunting ngiti sa labi ko habang prenteng inaabangan ang tricycle. Bumuntong hininga sa tabi ko si Ulrich na ipinagtaka ko."I don't know anymore what to say." "Oh, bakit na naman?" Kaunting kembot lang nandiyan na ang tagapagligtas ko. "Are you really her daughter?" Biglang napalingon ako sa kanya, nasa tabi ko na pala siya. "Oo naman..." Tila hindi siguradong sagot ko. "Are you sure?" "Bakit ang dami mong satsat? Malamang anak niya ako!" "Ganoon ba." "Patawa ka?" Ngumiti lang siya lalo sa sinabi ko. Pakiramdam ko tuluyan ng natanggal ang turnilyo sa utak niya. Tamang-tama pinara ko ang tricycle na walang sakay na huminto naman sa tapat namin. Sandaling sinulyapan ko muli si Ulrich, para ipakita sa kanya na nakasakay na ako at hindi ko na kailangan ang presensya niya. Tulad noong nakaraan bumanaag muli ang lungkot sa mukha niyang sobrang ipinagtataka ko. *** Nagmamadaling iniligpit ko ang mga gamit sa mesa ko. Sinulyapan ko ang wall clock. Batid kong late na ako sa pagpunta sa bayan. Isinukbit ko sa likod ko ang backpack, sa katunayan sa pampribadong paaralang 'to, ako lang yata ang babaeng nag-iisang gumagamit ng ganitong bag at maraming dalang gamit pang-eskwela. Naabutan ko pa si Stacy habang mukhang hindi manggalaiti sa galit. Balak ko sanang lagpasan na lamang siya pero agad niyang pinigilan ako. Tiningnan ko siya ng masama. "Anong problema mo?" mataray kong tanong. Magkasalubong ang mga kilay niya. "Anong problema ko? You're actually my problem!" galit na galit na sigaw niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, pwede ba wala naman akong ginagawang masama sa 'yo!" Napangiwi ako sa sakit na naramdaman ko sa braso kong hawak niya ngayon. Pakiramdam ko bumabaon ngayon sa balat ko ang mahahaba niyang kuko. Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya. Pero sadyang mahigpit lang talaga ang pagkakahawak niya sa 'kin. "Bitawan mo nga ako!" Halos dinig na sa labas ang sigaw ko. "Kung umasta ka, akala mo kung sinong santa ka! Pero ‘di alam ng lahat ang katotohanan sa mukha mong ‘yan na isa kang malandi na kumakapit lang sa mga mayayaman dito sa school. You're a wh*re!" Teka ang buong akala sina Ulrich at si Grace ang kasalukuyang magkarelasyon? Oh I forgot, it's Ulrich. Saka para naman ako ako ang masama rito, hindi ba't dapat niyang kausapin ay si Grace at hindi ako? Wala nga akong alam sa kanilang lahat, at kung paano pinagsasabay-sabay ni Ulrich ang halos lahat na yata ng kaklase ko. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, at saka hindi ako malandi!" "You're a sl*t..." May mga namumuong luha sa gilid ng mga mata niya. Iiyak ba siya? Pero wala naman akong ginagawa pa sa kanya? Sa totoo lang siya pa nga 'tong basta na lang nambibintang? "T-tulad nga ng sinabi ko wala akong kinalaman sa kung ano man ang problema n'yo," nauutal ko pang sabi. Nakaramdam ako ng sandaling takot. Tila may kung ano'ng kumukurot sa puso ko sa tuwing may nakikitang umiiyak sa harap ko. Iyon na marahil ang pinakakahinaan ko, hindi ko kayang makakita ng taong umiiyak. "Sinabi mo ba kay Ulrich na makipag-break sa 'kin ‘no?" Akmang sasampalin niya sana ako mabuti na lang at mabilis akong nakailag. Ibang usapan na talaga ang pisikal na banta niya! "Stacy! Hindi ko talaga alam ang tinutukoy mo." Pinanlakihan ko siya ng mata, nagbabantang maaari ko rin siyang saktan tulad ng ginawa niya. "Gawin mo pa 'yon at baka hindi na makilala pa ang isang Stacy Monteclaro!" buong tapang na banta ko sa kanya. Buong lakas ko siyang itinulak para mabitawan niya ‘ko. Wala akong pakialam kung masaktan o ano pa man ang mangyari sa kanya. Hindi gano'n kalakas ang ginawa kong pagtulak dahil gutom at pagod ako. Kapag talaga minamalas saktong dumating ang tipaklong! Matalim akong tiningnan ni Ulrich. "Frexaline..." halos pabulong na tawag niya. "Kausapin mo ang nobya mo para hindi maghanap ng kaaway!" Iniwan ko na sila. Bahala sila kung anong gawin nila, huwag lang nilang idamay ako sa kung ano man ang nangyayari sa pagitan nila. Sa dami ng tao, bakit ako pa ang napili nilang guluhin, samantalang nananahimik ako! "Frexa!" narinig kong tawag ni Ulrich sa 'kin, ngunit hindi ako nag-abalang lingunin man lang siya. Mamatay ka riyan! *** Sabado pero hindi ako pinayagan ni Nanay magtinda sa palengke. Hindi ko alam ang dahilan, ayoko naman magtanong baka magalit pa ang nanay ko. Madali pa naman uminit ng ulo niyon sa akin lalo na kapag ako ang nagtanong. Tahimik akong nakatanaw sa tuyot na taniman ng palay ng Tatay ko. Hirap ang buong bayan sa irigasyon ng tubig at unang naaapektuhan ay ang taniman ni Tatay. Noong una naawa si Don Alfredo upang sanay matugunan ang kakulangan ng supply ng tubig, subalit dahil sa sunod-sunod na hindi umulan ay sa bandang huli sumuko rin ang alkalde. Batid naman ng alkadeng sa taniman lang namin ang lubhang naapektuhan ng panahon ng el-niño. Kaya lang hindi lang sa amin ang may ganitong sitwasyon, matindi ang kinakaharap na suliranin sa tamang supply ng tubig sa mga palayan. Bitak-bitak ang buong taniman kaya't hindi rin kaayang-ayang pagmasdan. Ibinaling ko na lang sa ibang direksyon ang atensyon ko. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari nang nagdaang araw. "Ano na kayang nangyari sa dalawang 'yon?" curious kong tanong sa sarili ko habang nakangalumbaba sa pasimano ng bintana. "Ano sabi mo Ate Frexa?" Muntik pa akong mapatayo sa kinauupuan ko sa tanong ng nakababata kong kapatid na babae. "Ha? Wala. Wala akong sinabi," kaila ko. Binalikan ko ang ginagawang trabaho. "Sabi n'yo po dalawa? Ano po 'yon?" usisa pa rin niya. Sa edad niya six years old batid kong mausisa na rin siya. Naalala ko pa nga nang makita niya ang napkin ko at agad tinanong para saan daw 'yon. Hindi ko maiwasang matawa sa tuwing naalala ko 'yon. "Bakit ka naman po Ate Frexa tumatawa?" "Wala lang, may naalala lang si ate mo." Hinawakan ko ang pisngi niyang mamula-mula. Pinisil ko iyon ng marahan. "Ate naman po eh!" Lalong natawa ako dahil sa pagsasalubong ng kilay niya. Pero hindi talaga mawaglit sa isip ko kung ano na kayang nangyari sa pagitan ni Ulrich at Stacy? Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling kay Stacy dahil bata palang pinagpala na ito ng magandang mukha, at sumasali na maging sa mga commercial sa telebisyon. Kaya hindi na marahil nakakagulat kung magkagusto sa kanya ang binata. Teka nga muna. Tigil-tigilan ko nga ang mga pinag-iisip ko. Pero paano nga kung may malalim na silang nararamdaman para sa isa't isa? Ah! Nababaliw na ba ako? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD