17

1522 Words
SACHI’S POV Mahaba pala talaga ang oras na inilalaan ng mga estudyante sa training. Tatlong oras na kaming nagte-training ngayon at may natitira pang dalawang oras. Ramdam ko na ang sakit ng katawan ko dahil sa simula pa lang ng training ay nabugbog na ako ni Ms. Aira. Matagal na rin kasi ang huling training ko noon kaya mabilis na ulit mapagod ang katawan ko. Maski nga ang mga Grandis ay mahahalatang pagod na pagod na sa training. “Teka lang, Ms. Aira. Bakit yata parang masyadong mapagod ang training natin ngayon?” narinig kong reklamo ni Lyca. “Ipagpaumanhin mo Prinsesa ngunit iyon ang bilin ni Director Montero. Mas kailangang tutukan ang training niyo dahil sa insidenteng nangyari no’ng nakaraan. Hindi na tayo pwedeng magpa-easy easy lang dahil seryoso na ang threat sa buhay mo,” seryosong sagot naman ni Ms. Aira. Sumulyap ako kay Lyca at hindi nakatakas sa paningin ko ang biglang pagkalungkot niya. Alam kong nasa kaniya ang lahat ng pressure dahil siya ang prinsesa at katulad ng sinabi ng teacher ko kanina ay si Lyca ang natitirang pag-asa upang muling mabuhay ang kaharian dito sa mundo namin. “Don’t you think it’s a bit too much?” malagong na tanong ni Blake. Nalipat ang tingin ko sa kaniya. Nag-aalala siya kay Lyca at alam kong naiinis siya sa desisyon ng kaniyang ama. At ngayon ko lang din napagtanto na bagay nga silang dalawa. Hindi na nga nakakapagtaka kung itinadhana silang dalawa. “I’m glad that I hear your voice today, Mr. Blake. But we don’t have a choice. We need to prepare before a possible war came. It’s better to be well-ready,” nakangiting sabi naman ni Ms. Aira. Lumipat ang tingin sa akin ni Ms. Aira at ipinakita ang nakakaloko niyang ngiti. Bigla akong kinabahan dahil pakiramdam ko ay may binabalak na naman siya na hindi ko magugustuhan. “Bueno, balik na tayo sa training dahil may dalawang oras pa tayo. Ms. Sachi and Mr. Blake, please step forward.” I knew it. Sa iilang oras ko pa lang nakakasama si Ms. Aira ay alam ko na ang mga ikinikilos niya. Madali kasing makabisado ang kilos at galaw niya at mabilis lang din maintindihan kung anong iniisip niya. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at humakbang pauna. Ganoon din si Blake na tahimik na ulit. “I want the two of you to continue your fight before the incident,” seryosong sabi ni Ms. Aira. “Pero Ms. Aira, hindi ko pa po ulit napapalabas ang Special ko,” mahinang sabi ko naman. “Yes, at mapapalabas mo iyan kapag nilabanan mo si Blake,” nakangiting sabi naman niya. Umatras si Ms. Aira kasama ng iba pang Grandis hanggang sa kami na lang ni Blake ang naiwan sa gitna ng training field. Huminga ako ng malalim upang mapakalma ang bilis ng t***k ng puso ko. Tumingin ako kay Blake na walang emosyong nakatingin din pala sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nagdadalawang isip ako kung ako ba ang unang aatake o hihintayin ko na lang ang lalaking ito na mauna. Ngunit lumipas ang isang minuto na nakatayo at nakatingin lang sa akin si Blake. Nagsisimula na akong makaramdam ng pagkailang sa klase ng tingin niya. “Blake, I think we need to start,” mahinang sabi ko sa kaniya. “Attack me,” maikling sabi naman niya. Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko alam kung paano magsisimulang umatake. Medyo dehado kasi ako dahil maaari niyang magamit ang Special niya samantalang ako ay physical combat ang kaya. Bahala na siguro. Mabilis akong sumugod kay Blake at sinubukan siyang suntukon ngunit agad naman niya iyong naiwasan. Hindi naman ako tumigil sa pag-atake at agad na hinabol ang galaw niya. Nang tamaan ko siya sa may kanang dibdib niya ay doon lamang siya umatake rin. Pinalibutan niya ng apoy ang buong katawan niya at saka niya ako sinugod. Dahil sa takot na mapaso ay umiwas lang ako ng umiwas sa mga atake niya. Ang unfair talaga ng match na ito ngunit wala naman akong karapatang tumutol dahil ito ang utos ng trainor naming si Ms. Aira. “Is that what all you’ve got, Sub-Grandis?” nang-aasar na tanong sa akin ni Blake. Heto na naman siya sa pangmamaliit niya sa akin. Kahit kailan talaga, hindi ko naramdaman sa lalaking ito na tanggap na niya ako sa grupo nila. Kung gaano ka-welcome sina Monica, Clyde at Lyca sa akin ay siya namang kasalungat ni Blake. Muli akong inatake ni Blake pero hindi na ako umiwas pa. I tried to dodge his attacks. Ramdam ko ang bawat init na pumapaso sa akin kapag nagkakadikit ang mga balat namin ngunit hindi ko na lang iniinda iyon. I want to win in this match. Ayokong isipin nina Monica na mahina ako dahil natatakot akong baka pati sila ay maisip na hindi ako karapat-dapat sa grupo nila. “Gusto mo ba talagang matusta, Annasha? Gamitin mo ang Special mo,” baritonong sabi pa sa akin ni Blake. Para na namang tumalon ang puso ko nang tawagin na naman ako ni Blake sa second name ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan niya at Annasha ang tawag niya sa akin. Ni minsan kasi ay hindi ako naghangad na may tatawag sa akin sa pangalan kong iyon. “Alam mo namang hindi ko pa alam kung paano gamitin iyon, hindi ba,” sabi ko naman sa kaniya. Bahagyang ngumisi naman sa akin si Blake. Lumayo siya sa akin at mas lalo niyang pinalaki ang apoy na nakabalot sa katawan niya. Kahit na medyo malayo siya sa akin ay ramdam ko kung gaano kainit ang element niya. Nang makita kong susugudin na niya ako ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang enerhiya sa loob ng katawan ko. Hindi ko ito kayang labanan kaya hinayaan ko lang itong dumaloy sa buong katawan ko. Nang maramdaman ko na lalabas ito sa aking magkabilang kamay ay inilahad ko ang mga kamay ko. Kasabay ng paglapit ni Blake sa akin ay ang paglabas ng isang nakakasilaw na liwanag sa mga kamay ko. Itinapat ko ito kay Blake at sa isang kisap mata ay nakita ko na lamang siyang nakagapos gamit ang mga vines na galing sa ilalim ng lupa. Sinubukang makawala ni Blake sa pagkakagapos ngunit agad kong ikinuyom ang mga palad ko dahilan para mas humigpit ang pagkakagapos niya. “D*mn Annasha, may balak ka bang patayin ako?” galit na sigaw niya sa akin. “Teka, hindi ba’t may balak kang tustahin ako,” sabi ko naman sa kaniya. “Okay. That’s enough. Let him go, Sachi,” biglang singit naman sa amin ni Ms. Aira. Napabuntong hininga naman ako. Tinanggal ko sa pagkakakuyom ang mga palad ko kaya unti-unting kumawala ang mga vines sa kamay at paa ni Blake. Nang tuluyan siyang makawala ay agad niya akong sinamaan ng tingin kaya mabilis akong nagtago sa likod ni Ms. Aira. Narinig ko naman ang mahihinang tawa ni Ms. Aira. “Hindi ko inaasahan na ikaw ang makakapagpadaldal sa kaniya, Sachi.” Nainis yata si Blake sa sinabing iyon ni Ms. Aira dahil agad siyang nag-form ng fire dagger sa kamay niya at walang pagdadalawang isip na ibinato sa pwesto namin ni Ms. Aira. Agad na umiwas si Ms. Aira kaya wala akong nagawa kundi ang iwasan din iyon ngunit ramdam ko ang pagdaplis nito sa may pisngi ko. Kinapa ko ang kanang pisngi ko at may dugo ito. “Sachi,” nag-aalalang tawag naman sa akin ni Monica ngunit ngumiti lang ako sa kaniya. “Okay. That’s all for today. See you tomorrow kids,” anunsyo ni Ms. Aira. Iyon lang ata ang hinihintay ni Blake dahil agad siyang tumalikod sa amin at humakbang palayo. Marahan akong napailing. Hindi naman ako papayag na ako lang ang uuwing duguan. Mabilis akong tumakbo palapit kay Blake. Narinig ko pang tinatawag ako nina Monica at Lyca pero hindi ko sila pinansin. Nang mapunta ako sa harapan ni Blake ay bigla siyang tumigil sa paglalakad. Medyo malayo pa ang agwat ko sa kaniya ngunit kitang kita ko kung gaano kaseryoso ang mukha niya. “Hindi ko sinasadya ‘yan. Kung gusto mong gumanti, go on. Hindi ako iiwas,” walang emosyong sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko. “How dare you, Blake?” Iyon lang ang sinabi ko at humakbang na ako palayo sa kaniya. Nauna na akong lumabas ng training field namin dahil ayokong makagawa pa ng isang bagay na maaari kong pagsisihan pa. Gustong gusto kong makaganti sa kaniya ngunit nang sinabi niyang hindi niya iiwasan ang atake ko ay bigla akong nagdalawang isip. Kaya mas minabuti ko na lang na lumayo sa kaniya. Kahit papaano kasi ay may utang na loob pa rin ako sa kaniya dahil iniligtas niya ako sa mga kaklase ko kanina. At isa pa, tapos na ang training kaya wala na akong karapatan na atakihin pa siya. Hindi na lang siguro muna ako uuwi sa dorm. Magpapalamig na lang muna ako at papakalmahin ang magulo kong nararamdaman. Mamaya na lang ako uuwi kapag alam kong hindi kami magkikita ni Blake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD