18

464 Words
SACHI'S POV Dahil sa halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko, dito ako dinala ng mga paa ko sa garden ng academy. Wala naman nang mga estudyante ngayon dahil nagsiuwian na sila kaya solong solo ko ang lugar. Mas gusto ko na ito sapagkat kumakalma ang puso at isip ko. "Sachi." Napalingon ako sa tumawag sa akin at kumunot ang noo ko nang makita si Lyca. "Pasensya ka na kung sinundan kita," dugtong na sabi pa niya sa akin. Bahagya naman akong napangiti. "Ayos lang 'yon." Ngumiti rin si Lyca sa akin at saka siya humakbang palapit. Umupo siya sa tabi ko at nagpakawala siya ng buntong hininga. "Ang intense ng laban niyo kanina ni Blake," seryosong sabi pa niya. "Oo nga. Muntik na akong masunog ng buhay," pabirong sabi ko naman. Nararamdaman ko pa ang hapdi sa pisngi ko dulot ng atake ni Blake. Sa totoo lang ay hindi dapat ako naiinis o nagagalit dahil naging kampante rin ako. Buong akala ko kasi ay hindi na aatake pa si Blake dahil pinatigil na kami ni Ms. Aira. Nakalimutan ko ang pinakamahalagang sinabi sa akin ni Daddy. Don't ever let your guard down. "Hindi naman ganoon ka-sama si Blake. I'm sure he has reasons, kung ang iniisip mo ay ang sugat mo sa pisngi," sabi naman ni Lyca. Lihim akong napabuntong hininga. Lumayo muna ako dahil ayokong pag-usapan ang nangyari kanina. Ngunit alam ko naman na kaya nandito si Lyca ay upang pagaanin ang loob ko. "Wala naman na sa akin iyon. Gusto ko lang talaga magpahangin muna," sabi ko naman. Marahang napatango si Lyca. "I love him," pag-iiba niya ng usapan. Hindi na ako nagulat pa doon. Ang nakakagulat lang ay kung bakit niya ito sinasabi sa akin ngayon. Aaminin ko kasing mas close ako kay Monica dahil siya ang una kong nakilala. Hindi ko lang inaasahan na magiging ganito ka-open sa akin si Lyca. "It's normal, right? I mean kayo ang nakatadhana," sabi ko naman. Bahagyang ngumiti si Lyca. "Pero hindi ko alam kung pareho kami ng nararamdaman. Alam mo naman si Blake, kung hindi mo makikita ay hindi mo malalaman na nandyan lang pala," sabi pa niya. "Hindi ka mahirap mahalin, Lyca. I'm sure may nararamdaman na rin 'yon sa 'yo. Hindi lang siguro talaga siya showy," nakangiting sabi ko naman. "Sana nga, Sachi. Dahil baka hindi ko kayanin kung sakali mang magmahal siya ng iba. O sige na, mauna na ako sa 'yo. Sasabihin ko na lang kay Monica na nandito ka para hindi siya mag-alala sa 'yo. Umuwi ka na rin bago mag-dinner ha." "Oo sige, Lyca," sabi ko pa. Tumayo na si Lyca at humakbang palayo. Sinabi ko kanina na baka kaya siya nandito ay upang pagaanin ang loob ko. Ngunit bakit parang mas lalong bumigat ang nararamdaman ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD