NO LIMITS
The forbidden game begins…
ALMIRA
Dalawampu’t walong araw pa ang natitira.
Paulit ulit kong binibilang sa isip ko tuwing gigising ako sa umaga. Dalawampu’t walo. Dalawampu’t pito. Bawat araw na lumilipas ay isang araw na palapit sa dulo o palapit sa simula ng katapusan ko. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot.
Sa loob ng classroom walang pagbabago sa turo ko pero sa paraan ng pagtingin niya ibang usapan na. Strict pa rin ako. English pa rin ang ginagamit ko kapag nagtuturo.
Walang espesyal na trato kapag tinatawag ko siya Rico lang. Walang ibang diin. Pero kapag nagtatama ang mata namin hindi siya bumababa ng tingin. Ramdam ko ang bigat nito parang sinusuri niya ang bawat kurba ng katawan ko kahit nasa harap kami ng klase.
Alam ko at alam niya na sa likod ng bawat tingin ay matinding pagnanasa na hindi na niya itinatago.
Tuwing matatapos ang klase hindi na siya agad umaalis. Laging may tinatapos na gawain o kaya naman ay may itatanong tungkol sa leksyon. Mga simpleng bagay na pwede namang pag usapan ng grupo pero pinipili niyang ako ang kausap. At hinahayaan ko siya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya pinalalayas. Baka dahil sinimulan ko na rin ang pagbilang o baka dahil kahit anong tanggi ko parte na ng araw ko ang presensya at init ng paglapit niya.
Sa bahay doon mas lalong mahirap kontrolin ang sarili niya. Halos araw araw na siyang nandoon dumadating pagkatapos ng klase tumutulong sa paghahanda at nakikipagkwentuhan kasama si Danilo at Jelo. Wala man lang hinala ang asawa ko at ang anak ko. Para sa kanila mabait na kaibigan at estudyante lang siya na laging handang tumulong. Pero ako ang nag iisang nakakaalam na sa bawat pagdikit niya ay ramdam ko ang init ng katawan niya at ang pagnanais na lapain ako ng tingin.
Isang hapon mag isa lang ako sa sala nakaupo sa couch nagbabasa ng libro. Simpleng pambahay lang ang suot ko maluwag at komportable dahil hindi naman ako nag aasahan ng bisita. Biglang bumukas ang pinto at pumasok siya may dala siyang prutas gaya ng dati. Pero nang makita niya ako tumigil siya sandali at huminto ang paghinga niya parang nabighani at hindi makagalaw sa kinatatayuan.
Ang tingin niya ay mabigat at dahan dahan gumapang mula sa mukha ko pababa sa leeg balikat at sa hugis ng katawan ko sa ilalim ng damit. Hindi niya ito itinago tila sinadya pa niyang hayaang maramdaman ko kung gaano niya kinahuhumalingan ang bawat bahagi ko.
"Magandang hapon po Ma'am Almira."
Tumango ako pero hindi ko nagustuhan kung paano niya ako tinitignan parang babae na handa niyang angkinin kaysa gurong dapat igalang.
"Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko habang tinutulungan ko siyang ilagay ang dala niya sa mesa.
"Kakadating lang po. Napakaganda at napaka natural po ng ayos niyo."
Natigilan ako sa tindi ng emosyon sa boses niya may halong pananabik at pagnanasa. "Pambahay lang ito Rico mainit lang kaya ganito ang suot ko at hindi pormal."
Ngumiti siya ng ngiting alam kong ginagamit niya kapag talagang gusto niya ang isang babae puno ng tapang at pang akit. "Alam ko po pero mas lalo kayong lumilitaw at gumaganda kapag maluwag at komportable ang suot. Mas kitang kita ang tunay na hubog at lambot ng katawan niyo na parang tinatawag ang atensyon ko kahit sa malayo."
Hindi ko na siya sinagot at pumasok sa kusina para maghanda ng meryenda sa pag aakalang mananatili siya sa sala. Pero sumunod siya agad tumayo sa pintuan at hindi kumukurap habang pinapanood ang bawat galaw ko. Ang tingin niya ay nakakapaso parang hinahaplos na ako kahit hindi pa naman kami nagkakadikit. Alam ko kung saan siya nakatingin sa bawat kurba at paggalaw ng dibdib at balakang ko habang gumagalaw ako sa kusina.
"May kailangan ka pa ba Rico?" tanong ko nang medyo mahigpit ang boses dahil hindi ko na kaya ang bigat ng titig niya.
"Wala po pinapanood lang po kayo at iniisip kung gaano kalambot at mainit ang pakiramdam kapag nakadikit sa inyo."
Umiling ako sa tapang niya. "Tumigil ka na nga diyan umupo ka na muna sa labas magluluto na ako ng hapunan natin."
Umalis siya pansamantala pero ramdam kong nakangiti siya at nasisiyahan dahil alam niyang nararamdaman ko rin ang kanyang atraksyon. Ipinapakita niyang sanay siyang makakuha ng gusto niya gamit lang ang matang nagpapahiwatig at salitang nanunukso. Hindi pa siya diretsong nagtapat pero ang kilos at titig niya ay sapat na para sabihing gusto niyang maramdaman ang balat ko at maging akin ako.
Nang maghapunan kami kasama si Danilo at Jelo nagkukwentuhan at tumatawanan sa ibabaw ng mesa pero sa ilalim ay ibang laro ang nangyayari. Naramdaman ko ang sadya at mabagal na pagdikit ng tuhod niya sa hita ko nanatili doon mainit at matigas. Tumingin ako sa kanya at akala ko iiwas pero lalo lang siyang tumitig nang masinsinan habang nakangiti nang bahagya isang ngiting nagsasabing alam niya ang ginagawa niya at gusto niya itong ipagpatuloy.
Hindi ko inalis agad ang paa ko at hindi rin naman ako lumapit masyado hinayaan ko lang ang saglit na dikit na nagpapatunay na lampas na kami sa simpleng guro at estudyante.
Pagkatapos kumain tumulong siya sa pagliligpit at naging magkatabi kami sa kusina. Ako ang naghuhugas siya ang nagpupunas. Masikip ang pwesto kaya madalas magkadikit ang balat ng braso at balikat namin pero hindi siya umiiwas bagkus ay parang sinasadya pa niyang dumikit nang mas mahigpit at madalas. Ramdam ko ang init ng balat niya at ang pagbilis ng t***k ng puso niya tuwing nadadampian ako.
"Rico" tawag ko sa kanya nang mahina pero seryoso. "Alam mo kung hanggang saan lang dapat ang hangganan natin huwag mong lagpasan 'yon."
Lumapit pa siya nang husto halos magkatabi na ang mukha namin at amoy ko ang hininga niyang mainit at mabilis. "Ano po ang ibig sabihin niyo Ma'am? Nagtatrabaho lang po tayo pero hindi ko po maitatanggi kung paano ako apektado ng bawat kurba at sa mabangong feminine scent na lumalabas sa inyo."
"Alam mo kung ano ang mali sa ginagawa mo. Yung tingin mong parang kakainin ako ng buhay. Yung paglapit mong kulang na lang ay yakapin ako nang buo. May asawa ako at respetadong tao. At ikaw ay estudyante at kaibigan ng anak ko kaya itigil mo na iyan."
Tumango siya nang mabagal pero hindi nahiya at hindi humingi ng tawad mula sa puso. Parang tinanggap lang niya ang babala pero wala siyang intensyong magbago. "Naiintindihan ko po ang sinasabi niyo pero hindi ko po makokontrol ang mata at damdamin ko kapag nakikita ko kung gaano kayo kababae at kaakit akit. Para sa akin ay hindi lang kayo simpleng guro kundi isang babae na puno ng ganda at sigla na gustong gusto kong lapitan at mahawakan nang totoo."
Iniwan ko siya sa kusina habang nanginginig ako sa halo halong takot at kilig. Hindi pa siya direktang nagsasabing mahal niya ako pero ang bawat dampi at matinding pisikal na pagtingin ay sapat na para malaman kong gusto niya akong pagmasdan hawakan at angkinin.
Bago siya umuwi nagpaalam siya sa mag pamilya pero pagdating sa akin ay huminto siya sa pinto at sinuri ang buong katawan ko mula ulo hanggang paa nang walang takot at may malalim na pagnanasa sa mata.
"Uuwi na po Ma'am Almira salamat po sa dinner at sa pagpapahintulot na makita ko kayo ngayon."
"Ingat ka Rico" ang tanging lumabas sa bibig ko dahil hindi ko na kaya ang bigat ng dibdib ko.
Nang makaalis siya napabuntong hininga ako nang malalim. Dalawampu’t walong araw pa ang natitira. At habang tumatagal ay lalong lumalakas ang hatak ng atraksyon niya sa akin. Lalong mahirap panindigan ang tamang landas kapag ang katawan at diwa ko ay tila handa na ring sumuko.
Hanggang kailan ko pa kaya mapipigilan ang sarili ko na huwag patumbahin ng lakas ng pisikal na damdamin niya? At sa dulo ng lahat sino nga ba ang mananaig sa larong ito na pareho kaming nahuhulog sa bawat galaw?