NO LIMITS
The forbidden game begins…
RICO
Nang matapos na ang klase at lumabas na ang karamihan sa mga estudyante nanatili ako sa likod. Alam kong may sasabihin siya at hinihintay ko na rin ito.
"Rico please stay. Mag usap tayo bilang teacher at student," sabi niya. Tumingin naman siya kay Jelo. "At ikaw naman Jelo you may go ahead."
Walang pag aalinlangan sumunod si Jelo at lumabas ng silid. Naiwan kaming dalawa na lang. Tahimik muna sandali hanggang sa tuluyan nang sumara ang pinto. Lumingon siya sa akin seryoso ang mukha matigas ang tingin at walang bakas ng kahinaan.
"I know what you are doing," simula niya. Malinaw ang boses kalmado pero puno ng babala. "The way you look at me. The things you say. How close you try to be. It has to stop Rico. I am your teacher. And I am your best friend’s mother. I am a married woman. What you are doing is wrong. It cannot continue. So please stop this before it goes too far. Before someone gets hurt."
Hindi ako umiwas ng tingin. Tinitigan ko siya nang diretso buong tapang at walang pag aalinlangan. Hindi ako nagpaliwanag at hindi rin ako humingi ng tawad. Sa halip ay ibinigay ko ang hamon na matagal ko nang pinag iisipan.
"What if I don’t want to stop Ma’am Almira?" tanong ko. Kalmado ako pero alam kong naramdaman niya ang bigat ng bawat salita ko. "What if I told you na bibigyan kita ng tatlumpung araw. Tatlumpung araw para makilala mo ako nang lubusan. Tatlumpung araw para makita mo kung sino talaga ako. At kung pagkatapos ng tatlumpung araw at sasabihin mo pa ring itigil ko ito ay gagawin ko. Aalis ako at hinding hindi na babalik. Pero hanggang hindi pa tapos ito hayaan mo akong manatili. Hayaan mong ipakita ko sa iyo ang tunay kong nararamdaman."
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya inaasahan ang ganitong sagot. Umiling siya agad mabilis matigas at walang pag aalinlangan.
"No absolutely not. This is not a game Rico. This is my life. My family. My reputation. I cannot risk any of this. Thirty days changes nothing. My answer is no."
"Your answer can wait thirty days," sagot ko. "Hindi mo kailangang magdesisyon ngayon. Hindi mo rin kailangang pumayag agad sa lahat. Ang kailangan mo lang ay bigyan mo ako ng pagkakataon Ma’am Almira. Hayaan mo akong manatili sa loob ng tatlumpung araw. At kung sa huling araw sasabihin mo pa ring hindi ay aalis ako. Pangako iyon. Pero huwag mo sanang hilingin na itigil ko na ngayon dahil hindi ako titigil."
Tumayo siya tila aalis na agad. Tumingin siya sa pinto tapos ay ibinalik ang tingin sa akin. Nakatingin siya nang matagal na tila naghahanap ng paraan para tanggihan ako nang tuluyan pero hindi niya magawa. Huminga siya nang malalim at malalim pa.
"You are asking me to play with fire," sabi niya. Mahina na ang boses niya ngayon halos pabulong na lang ito. "You are asking me to take a risk I should never take."
"I am asking for thirty days," ulit ko. "Nothing more. And if you still say no pagkatapos Talo ako. Kaya manalo man ako o matalo tatapusin ko ito pagdating sa huling araw. Pero hanggang doon pa lang ang usapan hindi ako titigil."
Bumuntong hininga siya nang malalim. Tumingin siya saglit sa sahig. Nang magtaas ulit siya ng tingin sa akin hindi na kasing tigas at kasing talim kanina ang kanyang mata.
"Thirty days," parang kinakausap niya ang sarili niya habang sinasabi ito. "And after that you leave."
"After that I leave."
Tumahimik siya saglit. Tila tinatanggap na niya na kahit anong sabihin niyang hindi ay hindi ako aalis. Na kahit anong tanggi niya ay nagsimula na ang lahat at mahirap na itong pilipitin pabalik.
"Fine," sabi niya sa huli. Mahina at halatang hirap na hirap siya sa desisyon. "Thirty days. But do not expect anything from me. Do not expect me to change my mind or my heart. Nothing will happen. This will not change anything between us."
"I accept the game Ma’am," sagot ko nang may diin. "Thirty days. And we will see."
Lumakad siya palayo patungkol sa pinto. Bago siya tuluyang lumabas ay lumingon siya sandali.
"This conversation never happened," paalala niya. "And do not think this means I agree with what you want. I am only giving you thirty days to prove you are wrong. Nothing more than that."
"I understand," maikli pero sigurado kong sagot.
Umalis siya at naiwan akong mag isa sa loob ng tahimik na silid. Nakangiti ako dahil alam ko sa sandaling iyon hindi niya ako pinalayas nang tuluyan. Hindi niya sinabing huwag ka nang bumalik at huwag mo na akong kakausapin. Hinayaan niyang magsimula ang lahat. Tatlumpung araw. Araw isa pa lang at dalawampu’t siyam na araw pa ang natitira. Sa loob ng panahong ito gagawin ko ang lahat para hindi na niya kayang tanggihan pa sa huli. Manalo man o matalo ito ay laban na ipagpapatuloy ko hanggang sa dulo.