KABANATA 6 - MULTO NG DAMDAMIN MO

1630 Words
Larson “Multo” Geonad POV Umuulang ng mahina sa San Juan habang tinitigan ni Larson ang bote ng whisky na kalahati na lang ang laman. Buong gabi siyang hindi natulog. Ang mga mata niya ay mapula, hindi sa pag-iyak, kundi sa sobrang puyat, pag-iisip, at... galit. Nasa ilalim ng mesa ang baril niya. Loaded. Naka-on din ang burner phone niya, may ilang intel na binuksan niya mula sa secure files ni Calix. Larson (pabulong): "Anak nga talaga siya ni Emilio... Elen Barasaoin, ang ganda mo para idamay." Sinuntok niya ang mesa. Napasigaw. Larson: "Putangina! Bakit ako nadamay?! Wala naman akong ginagawang masama wala din naman ginagawang masama si nica. ‘Di ko nga tinanggap ‘yung trabaho! Tapos ngayon, si Nica patay. Patay!" Lumapit siya sa salamin. Nakatingin sa sarili. Magulo ang buhok, may hiwa sa kilay, at parang hindi na siya ang nakikita niya. Larson: "Ano ‘to? Gantihan? Babala? O... may mas malalim pa, ako pa talaga ito na ba katapusan ng lahat para saakin?" At doon, parang isang boses sa likod ng isip niya ang tumawag: Elysium. Ang club na para sa mga pulitiko, mayayamang kalalakihan, at mga taong may madidilim na sikreto. At alam niya, naroon ulit si Elen. Naka-jacket lang si Larson, pantalon at boots. Walang armas. Puro alak lang ang laman ng katawan. Naglakad siya sa ulan. Parang hindi niya alintana kung may tumama mang bala sa kanya sa gitna ng daan. Elysium. 11:45 PM. Puno ang club. Ilaw na kumikislap. Musika na bumabasag sa pandinig. Pero hindi iyon ang pakay niya. Tiningnan niya ang paligid at nakita niya agad, Elen Barasaoin. Nasa may bar, suot ang pulang dress na hapit sa katawan kumbaga backless. Ang buhok niya ay nakatali pataas, may dangling na hikaw, at hawak ang isang baso ng martini. Maganda. Malinis. Matalino ang mga mata. Pero halatang pilit ang ngiti. Lumapit si Larson. Larson: “Sayang ‘yung lipstick mo, hindi bagay sa lungkot sa mata mo.” Tumingin si Elen, napangiwi. Elen: "At sayang ang alak mo kung ako langñ din ang pakay mo. Hindi ako natutuwa sa mga lasing na lalaking bastos." Larson (tawa ng lasing): “Hindi ako bastos. Lasing lang talaga ako. Pero kung papipiliin mo ako... pipiliin pa rin kitang bastusin, ay, este ligawan.” Binubuyo ko si Elen nang maging magaan ang loob niya saakin. Elen (nakasimangot): "Kung hindi mo aalisin yang ngiti mong parang serial killer, tatawag ako ng bouncer." Larson (lumapit ng konti): “Hindi ako serial killer... kahit mukha akong multo. Pero may gusto akong aminin.” Elen: “Baka mas okay kung huwag na lang.” Larson (malumanay): “Ako ‘yung tinatawag nilang ‘Multo’. Hitman. Assassin. Lason. Pero hindi ako nandito para patayin ka. Gusto lang kitang... makita. Kausapin.” Umamin ako para makuha ang kaniyang loob. Napakunot ang noo ni Elen. Elen: “Multo? Ibig mong sabihin, ikaw ang tinutukoy nila na... 'Black Death'? ‘Yung hinahanap ng halos lahat ng sindikato?” Tumango si Larson. Larson: “Kasama na tatay mo. Emilio. Alam ko anak ka niya.” Tumigil si Elen sa pag-inom. Hindi siya umiwas ng tingin, pero halata ang biglaang kaba sa kanyang mata. Elen: “Bakit ka nandito? Papatayin mo ba siya o ako?” Larson: “Hindi ko tinanggap ang trabaho. Mahal siya ng mundo at ang tinatawag niyo na diyos. Galit siya sa marami. Pero ako... hindi ko siya kayang patayin.” Elen: “Bakit?” Larson (tumitig sa kanya): “Kasi ikaw.” Natahimik si Elen. Ang mga salita ay parang suntok sa dibdib. Elen: “Hindi mo ako kilala.” Larson: “Pero gusto kitang makilala. Gusto kong malaman kung anong meron sa mundo mo na kayang magpabago sa isang multong tulad ko.” Umiling si Elen, pero bago pa siya makasagot, hinawakan ni Larson ang kanyang kamay. Dahan-dahan. Walang pwersa. Parang humihingi ng pahintulot. Nagkatitigan sila. At sa isang iglap, parang tumigil ang paligid. Ang ilaw, ang musika, ang ingay. Si Elen ang unang binitawan ang baso. At siya rin ang unang yumuko... at hinalikan si Larson. Hindi ito halik ng pagnanasa lang. Ito'y halik ng pagtanggap. Halik ng dalawang taong pagod sa mga lihim at kasinungalingan. Sa likod ng bar, sa gitna ng usok at ingay, nagtagpo ang dalawang kaluluwang hindi dapat nagkatagpo. Elen: “Larson... kung totoo mang mahal mo ako... ‘wag mo na siyang patayin.” Napakabilis niya akitin, halatado na siya ay nag hahanap din ng pagmamahal. Larson: “Hindi ko tinanggap ang trabaho. Pero pinatay nila ang mahal ko. At habang hindi ko alam kung sino ang nasa likod nito... hindi ko matitigil ang paghahanap.” Elen: “Paano kung tatay ko nga ang dahilan ng lahat? Paano kung siya ang nagpapatay?” Larson (pabulong): “Papatayin ko ang kahit sino... pero hindi ikaw.” Tumulo ang luha sa gilid ng mata ni Elen. Elen: “Hindi pa kita kilala ng buo, Larson... pero sana... wag mong hayaang mapuno ka ng poot. Kasi kung ganon, mawawala ka na rin.” Larson: “Baka matagal na akong nawala.” At sa gabing iyon, habang ang ulan ay muling bumuhos sa labas ng Elysium, nagyakapan silang dalawa sa likod ng bar, dalawang nilalang na parehong may sugat, parehong may sikreto. Pero sa gabing iyon, totoo ang lahat ng halik. Totoo ang lahat ng salita. At totoo ang takot, na baka ang pag-ibig nila ang mismong makasira sa kanila. Basa pa rin ang buhok ni Larson habang nakaupo sa gilid ng curb ng Elysium. Hindi siya sigurado kung anong klaseng demonyo ang pumasok sa katawan niya’t nilapitan si Elen, anak ng target. Pero hindi rin siya makatanggi sa kakaibang hilang naramdaman niya nang tumingin si Elen sa kanya, parang wala siyang takip, parang sa unang pagkakataon, may nakakita sa kanya, hindi bilang multo, kundi bilang tao. Lumapit si Elen sa kanya, suot pa rin ang pulang dress, pero may suot na siyang trench coat ngayon. Elen: “Sumama ka sa akin, umalis muna tayo, iwanan muna natin ang lahat, please.” Tumingin si Larson sa kanya, may kunot sa noo, may pagdududa sa mata. Larson: “Bakit? Saan tayo pupunta?” Elen (malumanay): “Sa sasakyan. Gusto ko lang makausap ka… ng tahimik.” Tumayo si Larson, pero hindi pa rin sigurado. Tumingin siya sa paligid. May instincts siyang nagsasabing delikado ito. Na baka bitag. Na baka setup. Pero nagtagpo ulit ang mata nila ni Elen. Wala siyang makita roon kundi pagod… at takot. Sumakay siya. Sa loob ng itim na GMC na tinted, mabango ang loob. Amoy Chanel at leather. Si Elen ang nagmamaneho paakyat ng konting bundok, papunta sa isang parking spot na tahimik. Ang mga ilaw ng lungsod ay tanaw mula sa bintana. Tahimik muna silang dalawa. Larson: “Sabihin mo na. Bakit mo ako pinasama?” Elen (huminga ng malalim): “Akala ko… ikaw ang pinadala para patayin ang tatay ko.” Napalingon si Larson. Sandaling natahimik. Larson: “Hindi ko tinanggap ang trabaho.” Elen: “Pero ikaw ‘yung pinaka-kilala. Pinaka-expert. Kapag sinabi ng isang sindikato na ‘ipapatumba kita’, pangalan mo ang unang lumalabas sa mga bangungot nila.” Tumingin sa kanya si Larson. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiiyak. Larson: “Ano’ng ginagawa mo sa bar gabi-gabi? Akala ko anak ka ng mob boss. Bakit ka naglalabas?” Elen: “Para makalayo. Para huminga. Kasi...” (huminto siya sandali, parang nahihirapang sabihin ang susunod) “...pinipilit ako ng tatay ko na magpakasal sa anak ng business partner niya. Para sa politika. Para sa negosyo. Para sa kapangyarihan. Pero ayoko. Hindi ko siya mahal. Hindi ko nga siya kilala.” Larson: “Pwede mo namang tanggihan.” Elen (tumingin sa malayo): “Sinabi ng lalaki na kapag hindi natuloy ang kasal… ipapapatay niya ang tatay ko. At naniniwala ako. Kasi kaya niyang gawin.” Tumingin si Larson sa kanya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman—awa, galit, o takot. Pero sigurado siya sa isang bagay: hindi ito ang buhay na gusto ni Elen. Larson: “Hindi ako pinadala para patayin ang tatay mo. Pero baka pinadala ako para lumapit sa ‘yo.” Elen (lumingon): “Para saan?” Larson: “Para maintindihan ko kung anong meron sa mundong ‘to na mas malupit pa sa lahat ng baril na hawak ko.” Tahimik muli. Elen: “Bakit ka naging hitman?” Larson: “Wala akong choice. Bata pa lang ako, pumatay na ako para mabuhay. Tapos tuluy-tuloy na. Hanggang sa natutunan kong hindi lahat ng dugo ay kulay pula. May ibang dugo na mabigat… yung hindi mo basta-basta nahuhugasan sa palad mo.” Elen: “Gusto mo pa bang manatili sa ganitong buhay?” Larson (mahina ang boses): “Hindi na.” Bumuntong-hininga si Elen. Kinuha ang isang tissue at pinahid ang gilid ng mata niya. Elen: “Pareho pala tayo.” Larson: “Pareho tayong gusto ng kalayaan. Pero hindi natin alam kung paano ito kukunin.” Nagkatinginan sila muli. Walang halik ngayon. Walang hawakan. Wala pang init ng katawan. Pero may bigat sa pagitan nila, bigat ng parehong takas, parehong bihag ng buhay na hindi nila pinili. Larson: “Kung may mas malupit pa sa akin, ‘yun ‘yung taong marunong tumanggi sa giyera. At ngayong gabi… gusto ko maging ‘yun.” Elen: “Pero hindi pa tapos ang giyera, Larson. At baka sa huli… kailangan pa rin kitang patayin o kailangan mo pa rin akong iwan.” Larson (pikit): “Kung darating man ‘yun… sana hindi ngayon.” Sa gabi ring iyon, habang unti-unting bumubuhos ang ulan, nanatili silang dalawa sa loob ng sasakyan, walang kasiguruhan, walang plano. Pero sa unang pagkakataon, pareho silang may pag-asang kahit paano… baka pwede pa. Pero nangagalaiti pa din ako sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD