KRESHA’S POV
“Hon? Aalis ka?” tanong ko sa kaniya nang mapansin kong nagbibihis siya.
“Nandito si Tristan, Hon. Pupuntahan ko lang siya,” sabi niya kaya naman nagtaka ako.
“Nandito rin siya sa Palawan? Kasama mo ba siyang pumunta?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.
“Mas nauna siya dito, Hon. Kagabi sinabi ko sa kaniya na pupunta ako,” sabi niya pa kaya naman hindi na ako nagtanong pa. Hindi ko kasi feel makialam sa buhay nila. Lalo na isa lang akong kabit.
“Mag-iingat ka,” sabi ko sa kaniya.
Hinalikan naman niya ako bago siya umalis.
Nang makaalis siya ay isang malalim na paghinga ang ginawa ko.
Na-curious ako bigla kung ano nga ba ang ginagawa ng anak niya dito. Isa pa, hindi ko pa nakikita ang anak niya dahil ayaw rin niyang mag-picture gaya ni Vince. Kaya wala akong ideya kung ano ang itsura niya. Aalis rin mamaya si Vince kaya naman hindi ko alam kung magkakasama ba kami.
Mabuti na lang at hindi napunta si Kyle. Kagabi, tawag siya nang tawag. Hindi ko dala ang cellphone ko kaya naman hindi ko nasagot ang tawag niya. Hinatid lang rin ni Jay kagabi ang cellphone at bag ko dito.
Hindi na siguro muna ako lalabas hangga’t andito si Vince. Baka magkita kami ni Kyle. Bagay na iniiwasan ko sa ngayon. Hindi rin ako makatulog kagabi dahil sa konsensya ko habang katalik si Vince. Si Kyle ang naiisip ko. Kung ano ang pinaplano niya sa mga oras na iniiwasan ko.
Ayokong makarinig na kahit na anong insulto galing sa ibang tao lalo na kung wala naamng alam sa buhay ko lalo na sa mga pinagdadaanan ko.
Huminga ako muli ng malalim bago binuksn ang bintana. Bumungad sa akin ang napakagandang tanawin. Pati na rin ang simoy ng hangin na tila nadampi sa balat ko.
Muli kong chineck ang cellphone ko. May text mula kay Kyle. Kagabi pa mula nang hindi ko replyan. Pinatay ko ito kagabi dahil wala akong maisip na dahilan. Dahil kung sasabihin kong kasama ko si Vince. Maaring malaman niya ang tungkol sa pagkatao ko. Ayoko rin namang malaman ni Vince ang nagawa ko.
Lumipas ang oras at nanatili lang ako sa hotel. Oorder na sana ako ng pagkain nang biglang may kumatok. Binuksan ko naman iyon at bumungad sa akin ang iang waiter na may dalang pagkain.
“Ma’am Delivery po,” sabi niya kaya naman napangiti ako. Alam ko naman kung sino ang may gawa nito.
“From Mister Reyes po,” sabi niya na ikinagulat ko.
“A-ano po?” tanong ko muli. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko o nabingi lang talaga ako.
“Si Mr. Kyle po ang nagpa-deliver nito,” sabi niya kaya naman mas lalo akong napanganga.
“Thank you,” sabi ko na lang kahit na naguguluhan.
Hindi ko naman inaasahan na ganito siya. Bakit ba ang dami nilang pagkakatulad ni Vince? Ang inaasahan kong magpapadala ng ganito ay si Vince pero mali ako. Mukhang nakalimutan niya ako?
Hindi ko na lang pinansin iyon dahil baka stress siya at sobrang busy.
Pero si Kyle? Bakit ba parang alam na alam niya ang ginagawa ni Vince? Napatigil ako sa pagkain nang bigkla kong ma-realize. Hindi kaya alam na niya ang tungkol kay Vince? Kaya niya ginagaya si Vince para nahulog rin ako sa kaniya?
Pero bakit? Anong rason niya? Bakit hindi siya nagalit kung ganon? Kung alam niyang isa kong kabit, bakit nagpapatuloy pa rin siya?
Ano ba talag ang binabalak mo kyle?
Agad kong kinuha ang cellphone at agad na tinawaganb siya. Hindi ako mapapakali hangga’t di ko nakokompirma.
Maya-maya ay sumagot naman siya.
“Good Morning,” masaya ang boses niya kaya naman medyo kinabahan ako. Bakit hindi siya galit? Iniwan ko siya kahapon sa coffee shop. Pero bakit parang walang ano mang galit s boses niya/
“Bakit mo ginawa yon?” tanong ko sa kaniyaa.
“Manliligaw mo ako hindi ba? Huwag ka nang magtaka kung bakit ko ginagawa ito,” sabi niya.
Hindi ko alam pero ang kalmado niya lang. Ano ba talaga ang binabalak niya?
“I will call you later. Kumain ka na agad. Huwag kang magpapagutom,” sabi niya pa bago binaba ang tawag.
Ang weird niya talaga. Hindi ko mabasa ang kinikilos niya. Ang nakakainis lang dahil imbes na kabahan ako ay napapangiti ako habang binabasa ang notes na nasa tray.
Matpos kong kumain. Nag-asikaso na ako. Ilang oras ang lumipas nang dumating si Vince.
“Hon,” sambit ko at niyakap siya.
“Hon, sorry. Hindi ko namalayan ang oras,” sabi niya at hinalikan ako.
“Kumain ka na ba?” tanong ko naman sa kaniya.
“Yes, Hon. Kumain na kami ni Tristan. Kumain ka naba?” tanong niya pa.
“Katatapos ko lang kumain ng lunch,” sagot ko.
Nakita ko namang nakaupo lang siya kaya napataas ang kilay ko.
“Alas-sais ang flight mo hindi ba?” tanong ko sa kaniya tumango naman siya.,
“Baka ma-late ka sa flight mo,” sambit ko pa at inasikaso ang bag niya.
“I miss you, Hon,” sabi niya kaya naman napangiti ako.
“Uuwi na ako next week. Hihintayin ko lang matapos ang gawain dito,” sabi ko sa kaniya.
“Sana makasama ba ako sa Cebu sa iyo next month,” sabi niya.
“Sana nga, Hon,” sabi ko sa kaniya.
Inasikaso na namin ang gamit niya bago siya hinatid sa airport. Matapos iyon ay umuwi na ko. Hinatid na ako ni Jay. Papasok na sana ako ng hotel nang may humila sa akin.
“Kyle?” Hindi ko pa man siya nakikita ay naamoy ko na ang pabango niya kaya naman alam kong siya iyon.
Nakita kong ngumiti siya. Hinawakan niya ang mukha ko.
“I miss you, isang araw kitang hindi nahawakan,” sabi niya at seryosong tumignin sa akin. Tumama naman sa mukha niya ang kaunting liwanag na mula sa kotse. Kaya napatigil ako. Para bang huminto ang mundo ko nang makita ko ang mga mata niya.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at maglakad papasok sa hotel.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya nang makapasok kami sa kwarto.
“Bakit?” balik na tanong niya sa akin.
“Hindi ka pa ba uuwi ng Manila?” tanong ko sa kaniya.
“Kung uuwi ka na, uuwi ako,” sabi niya pa.
“Wala ka bang trabaho? Bakit parang napaka-relax mo dito?” tanong ko sa kaniya.
“Meron, pero wala soilang magagawa. I’m the boss,” sabi niya pa kaya naman natigilana ako.
“Ako ang papalit na CEO kapag nag-resign si Dad,” sabi niya pa. Natahimik ako. Kagaya lang pala siya ni Vince.
“Are you worried?” tanong niya at ngumiti sa akin.
“Of course not,” sabi ko at tumayo pero agad niya akong hinala. Nawalan ako ng bvalanse at napa-upo sa kaniya.
Nagkatitigan pa kami bago ako umayos ng upo.
“Excuse me,” sambit ko sa kaniya at pumasok sa banyo.
Tumingin ako sa salamin at sinampal-sampal ang sarili ko. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto. Aalis na agad siya?
Agad naman akong lumabas at nakita ko na nasa pintuan siya habang kausap ang isang waiter. Kasunod noon ang pagpasok ng pagkain.
Napataas ang kilay ko nang ngumiti siya.
"Akala mo ay umalis na ako?" sambit niya at ngumiti pa.
Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ako umupo. Ang totoo nagugutom na ako. Pero nahihiya akong sumandok dahil nakatingin lang siya sa akin.
"Let's eat," nakangiting sabi niya at nagsimulang sumandok. Sumandok na rin ako ng pagkain at kumain.
Nasa kalagitnaan ako ng pagngiya nang mapatingin ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin na tila ba pinapanood ako kumain.
Kaya naman natigilan ako at tumingin sa kaniya.
"Bakit ka nakatingin? Hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kaniya habang nagtatakang nakatingin sa kaniya.
Ngumiti naman siya. Bakit ba ang hilig niyang ngumiti? Bihira kasi ang lalaking ganito. Bakit ba ang relax niya lang na parang wala siyang stress sa buhay?
Nag-ring ang cellphone niya. Nag-excuse naman siya sa akin. Bigla akong na-curious dahil parang nag-iba ang expression niya. Anong meron?
Isa sa pinaka-ayoko ay ang na-cruious ng ganito. Dahil buong gabi ako mag-iisip ng maaring maging dahilan. Tatayo nasa ana ko nang bigla siyang bumalik.
“Sorry,” sambit niya at ngumiti. Hindi ko alam kung may kakaiba sa ngiting iyon o imahinasyon ko lang na may nagbago nga sa mood niya?
Ngumiti na lang ako bago nagpatuloy sa pagkain.
***
“Goodnight,” nakangiting sambit ni Kyle. Hindi ko talaga alam dahil mula kanina ay nagbago na ang kilos niya. May problema ba siya?
Paalis na sana siya nang magsalita ako. First time kong tanungin siya nito.
“Are you okay?” tanong ko sa akniya. Lumingon naman siya sa akin bago ngumiti.
“Yes,.” nakangiting sambit niya at nagsalita pa.
“Don’t worried about me,” nakangiting sambit niya at kumindat pa sa akin.
Tumango na lang ako bago nagpaalam sa kaniya.