KRESHA’S POV
DAYS PASSED
Kakauwi ko lang galing sa coffee shop. Kaunti na lang ang kailangan sa coffee shop. Makakauwi na rin ako ng Manila. After kong matapos ang renovation dito sa Cebu naman ang aasikasuhin ko.
Matapos kong kumain ay sinubukan kong i-stalk siya sa f*******:. Friend naman kami. Pero kaunti lang ang friend niya.
Nag-scroll lang ako nang nag-scroll. Nag-check rin ako ng mga comment nang hindi ko maintindihan kung bakit ko nga ba ginagawa iyon.
Hindi ko inaasahan na makita ang isang comment ng babae. Alison Rivera? Nagulat ako sa comment niya. Tinawag niya si Kyle ng Babe.
Hindi ko alam pero kinabahan ako. One week ago na iyon. Kaya sobrang nakakapagtaka na tinawag niya si Kyle ng Babe.
May girlfriend siya?
Yan ang unang katanungan na pumasok sa isip ko. Hindi ko alam pero naiinis ako na kinakabahan. Ito na naman ako, nag-overthink na naman ako sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Pero paano nga kung tama ako? Na may girlfriend siya sa Manila?
Bigla na namang nagulo ang utak ko. Kaya naman ako na ang gumawa ng paraan para malaman ang katotohanan.
Gusto ko na talagang malaman ang lahat. Dahil kung siya ang tatanungin ko ay sigurado akong ide-deny niya iyon.
Muli kong tinignan ang babae. Alison Rivera. Yan ang nakalagay sa profile name niya. Hindi pa man ako nakaka-scroll nang manlaki ang mata ko sa nakita ko.
Nakalagay sa bio niya na in a relationship siya kay KT Reyes. Nalilito akong chineck iyon. Naka-lock ang profile niya kaya naman binalik ko muli kay Alison. Huminga ako ng malalim bago sinubukang tignan ang wall niya. Naka-public iyon kaya mas lalo akong kinakabahan.
Pumunta ako sa may photos at nakita ko ang picture niya. Maganda siya. Nag-scroll pa ako at natigilan ng makita ko ang picture nila ni Kyle. Anong ibig-sabihin nito?
Tinignan ko naman ang album na isa at natigilan ako na makita muli ang mga pictures nila ni Kyle na sobrang sweet sa isa’t-isa. Anong ibig sabihin nito? Kung one week ago ay tinawag niya si Kyle ng babe ay hindi imposibleng break na sila. Naguguluhan ako. Hindi ko talaga alam kung bakit.
Muli kong binbisita pa ang mga pictures nila at sobrang dami noon. Pero nagulantang ako sa osang pictures. Hindi ko iyon inaasahan.
Nakita ko ang pictures ni Vince. Natigilan ako at lumakas ang t***k ng puso ko. Anong ginagawa niya dito? Paano sila nagkakilala ni Kyle? Hindi ko alam at sobrang gulo ng isip ko. Ano ba ang nangyayari? Bakit ganito?
Napahinto ako nang may ma-realize ako. Napailing akong muli nang maisip iyon. Hindi. Imposible.
Tumawa pa ako at umiling-iling. Napaka-imposible nang bagay na iyon. Sobrang imposible.
Pero mas lalong lumkas ang kutob ko sa naiisip ko. Nagsimulang manginig ang buong katawan ko.
Napaka-imposible na maging anak ni Vince si Kyle.
Napangiti ako ng mapait. Unang-una, Reyes ang surname ni Kyle. Nakalagay iyon sa papel. Pero hindi ako sigurado kung Reyes nga ba ang surname niya.
Muli kong binalikan ang sss ni Alison at tinignan muli ang name ng boyfriend niya.
KT Reyes?
Mas lalong nanlaki ang mata ko nang ma-realize ko ang name na iyon.
“Kyle Tristan?” mahinang sambit ko at napahawak sa bibig ko.
Hindi! Hindi maari ito. Imposibleng siya si Tristan na anak ni Vince. Bigla kong naalala ang sinabi ni Vince last week. Nandito ag anak niya at mas naunang dumating sa kaniya dito na halos kasabayan ko. Unti-unting bumilis ang t***k ng puso ko.
Kahit na ang daming nag-uugnay na posibleng anak ni Vince si Kyle ay hindi ako naniniwala. Naasa pa rin ako na magkaiba sila.
At habang hindi ko nalalaman ang totoo, hindi ko iisiping iisa sila. Imposible!
***
“Good Morning, Ma’am!” nakangiting sambit ni Kris sa akin nang pumasok ako sa coffee shop. Tapos na ang lahat. Kaya naman nag-book na ako ng flight pauwi ng Manila.
Hindi ako masyadong nakatulog kakaisip sa mga bagay na nalaman ko. Hindi. Kailangan kong kumalma dahil for sure ay mali ako ng kutob.
“Good morning.” Kasunod noon ang paglapag ng pandesal at coco jam sa mesa. Ayokong lumingon dahil sigurado akong si Kyle iyon. Pabango pa lang ay alam kong siya na. Kaya huminga ako ng malalim. Ayoko siyang tignan. Pero may isang side ko ay gustong malaman kung ano ang totoo niyang pangalan. Kung isa nga siyang White.
Umupo siya sa harap ko at ngumiti. Hindi kaya alam niya na ang tungkol sa akin kaya niya ito ginagawa?
“Hey? Are you okay?” tanong niya at nagbago ang expression ng mukha niya.
Ngumiti naman ako bago tumango at umiwas ng tingin. Dahil feeling ko ay tama ako. Sa tuwing titignan ko siya sa mata ay naiisip ko na anak siya ni Vince.
“May sakit ka ba?” tanong niya at hinawakan ang leeg ko. Napatingin naman ako sa kamay niya na nakahawak sa leeg ko.
“I’m fine,” nakangiting sambit ko bago umiwas ng tingin. Ayoko talaga siyang tignan.
Mabuti na lang at tumigil na siya. Tahimik lang akong uminom ng kape habang hindi ginagalaw ang pandesal na bigay niya. Alam kong nagtataka siya pero hindi na siya nangulit pa.
Bakit ba ang sweet niya? May girlfriend naman siya sa Manila. Pero bakit ba ganito siya?
Lumipas ang oras. Inaasikaso niya ako gaya ng ginagawa niya pero madalas kong i-reject lahat ng inaalok niya. Ayoko nang ma-involve sa kaniya kung ganoon.
Natatakot ako na baka malaman niya ang totoo. Pero mas natatakot ako na mawala siya sa akin. Hindi ko alam. Ang gaan ng loob ko sa kaniya. Nagiging sandalan ko siya sa tuwing wala oras sa akin si Vince.
Kaya ang hirap lang tanggapin na hindi talaga kami pwede bukod sa kabit ako. Isang bagay ang kailnagn kong malaman. Kung isa nga ba siyang White.
Tahimik lang akong nakatingin sa labas habang busy si Kyle sa pag-drive. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating kami agad sa hotel. Paalis na sana siya nang tawagin ko siya. Lumingon naman siya sa akin.
“May gusto akong malaman,” sambit ko sa kaniya na ipinagtaka naman niya. Lumapit siya sa akin bago nagsalita.
“Ano ang gusto mong malaman?” tanong niya sa akin habang nagtatakang nakatingin sa mga mata.
Huminga ako ng malalim bago muling tumingin ng seryoso sa mga mata niya. Handa na akong malaman ang katotohanan.
“A-ano ang totoo mong pangalan? Sino ka nga ba talaga?” tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya.
Nakita kong nagtataka siya sa mga tanong ko. Pero huminga siya ng malalim bago ngumiti.
“I’m Kyle Tristan Reyes,” sabi niya kaya nagtataka akong tumingin sa kaniya.
“Yes, I’m the son of former singer Hanny Reyes,” sabi niya kaya napa-atras ako.
Siya nga? Pero paano nangyari iyon? Ngumiti naman siya bago nagsalita.
“Since my father’s left us, I used my mother’s surname. I was White before,” saboi niya kaya natigilan ako.
Bakit hindi ko agad naisip ito? Bakit sa dami ng tao siya pa? Sila pa ng Daddy niya?
Napa-atras ako sa sinabi niya bagay na ipinagtaka niya.
“Are you okay? What’s wrong?” tanong niya sa akin kaya tumingin ulit ako ng seryoso sa mata niya.
“Tell me the truth. Sino si Alison sa buhay mo?” tanong ko sa kaniya na ikiantigil niya., Hindi agad siya nakapagsalita.
“Is she your girlfriend?” dugtong ko pa. Hindi na naman siya nakasagot. Kaya alam ko na ang ibig sabihin noon. Tama nga ang lahat ng kutob ko. Tama ako sa lahat.
“ I see,” sabi ko at ngumiti bago pumasok sa loob ng hotel. Agad niya akong pinigilan.
“El, sandali!” sabi niya at hinwakan ang kamay ko.
“Magpapaliwanag ako. Matagal nang hindi kami nakakapag-usap,” sabi niya kaya naman humarap ako sa kaniya.
“But she still your girlfriend,” sabi ko sa kaniya.
Hindi siya nakasagot ako kaya tumawa ako ng mapakla.
“Niloko mo lang kami? Parehas mo kaming niloko, Kyle. Habang busy ka sa akin, may nasasaktan ka palang babae sa Manila,” sabi ko sa kaniya.
“She’s not in Manila. She is living here in Palawan,” sabi niya kaya mas lalo akong natawa ng mapakla.
“Seriously?” sabi ko pa bago ako tuluyang pumasok sa loob ng hotel. Hinabol niya ako pero agad kong pinindot ang elevator para sumara iyon. Mabuti naman at nagsara agad ang pinto. Hindi niya ako naabutan. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at agad akong pumasok sa room.
Agad ko rin iyong isinara. Para akong wala sa sarili. Humiga ako sa kama ko at ipinikit ang mata. Bakit sa dami ng pwedeng makilala siya pa? Siya na iniiwasan ko dahil anak siya ni Vince. Aano na lang ang sasabihin niya kung malaman niya na ang babaeng gusto niya ay kabit ng Daddy niya. Ang sumira sa pamilya niya.
Ipinikit ko na lang at hinyaan na tumulo ang luha koi nang hindi ko maintindihan kung bakit. Mahal ko na nga ba siya? Bakit nasasaktan ako? Hindi ba dapat maging masaya ako dahil may dahilan na ako para iwasan siya?
Pero hindi. Lungkot ang nararamdaman ko. Bakit siya nagtago? Hindi ko rin alam kung alam ba niya na ako ang kabit ng Daddy niyaa. Nawalan na ako ng panahon na itanong sa kaniya. Dahil masyado na akong maraming gustong malaman.