CHAPTER 12

1182 Words
KRESHA’S POV Gabi na nang makauwi ako sa condo. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama bago ko pinikit ang mata ko. Ang sakit ng ulo ko dahil sa jetlag ko. Kakauwi ko lang galing sa Palawan. Matapos kong malaman ang lahat ay agad akong umuwi dito. Lahat ng social media accounts niya pati ang number niya ay nai-block ko na para di na niya ako ma-kontak pa. Ayoko nang ma-stress pa sa kaniya. Prehas lang kaming nagloko. Isa pa wala siyang pinagkaiba sa akin dahil sarili niyang relasyon ang sinisira niya. Hindi ko tuloy alam paano haharapin si Vince. Wala nang dahilan para kausapin ko pa si Kyle. Si Tristan o kung sino man siya. Tapos na ang sandaling nakilala ko siya., Ayoko nang balikan pa iyon kahit na sobra rin akong nasaktan sa nangyari. Hindi ko nnamalayan ang oras at nakatulog ako sa pagod. Nagising ako tumunog ang cellphone ko. May text galing kay Vince. Hindi ko alam kung bakit imbes na matuwa ako ay nalungkot ako. Naalala ko si Kyle. Kaya pala halos lahat ay may kaparehas siya. Ang mga galawan nila, paborito pati na rin ang ugali. Gayang-gaya ni Kyle ang lahat ng iyon. Kaya naman sobra akong nalungkot sa nalaman ko. Noong hindi ko pa alam na aank siya ni Vince ay bawal na kami. Ngayon pa na siya nga ang lalaking pilit kong iniiwasan. Dahil nakokonsensya ako sa nangyari sa amin ng Daddy niya. Tumayo na ako para mag-asikaso. Hindi makakapunta si Vince ngayon kaya naman kakain na lang ako sa labas. Pupuntahan ko na lang ang Cafe ko. Aasikasuhin ko rin ang sa Cebu para mas maganda ang takbo ng negosyo ko. Naging buys rin ako sa pagpapagamot ni Papa kaya naman hindi na ako nakakabisita sa mga branches. Mabuti na lang at tinutulungan ako ni Vince na asikasuhin iyon. May inuutusan siyang katiwala niya para asikasuhin ang business ko. Ang totoo, sa kaniya rin ang perang ito. Pinautang niya sa kin. Noong una ay gusto niyang ibigay na lang pero tumanggi ako. Masyado na siyang maraming naitulong sa akin kaya naman inayawan ko na iyon. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Pumunta agad akong cafe upang maasikaso ko naman iyon. Sa labas pa lang ay kita ko na ang mga tao sa loob. Napangiti na lang ako at maganda ang takbo ng cafe ko. Umupo ako sa VIP seats bago inilabas ang laptop ko. Hindi ko alam pero nalungkot ako nang malala ang pandesal na may coco jam. Naalala ko bigla si Kyle. Dahil sa two weeks ko sa Palawan halos tuwing umaga ay may dala siyang mainit na pandesal na may kasamang coco jam. Kaya naman nasanay ako kahit na ganon lang kaiksi ang panahong iyon. Dapat na akong masanay ulit na wala siya. Dapat ay isipin ko na lang na pansamantala lang ang pagkakilala namin. May Alison na siya. Hindi na ako dapat nakiki-agaw pa sa kaniya. Huminga ako ng malalim bago nag-focus sa laptop ko. Ilang oras ang lumipas pero hindi ko pa rin magwang tapusin ang ginagawa ko. Para bang ilang oras akong nakatingin sa laptop habang nalipad ang isip ko. Hindi ko rin alam kung bakit ba aklo ganito. Bigla kong naisip si Kyle. Kumusta na kaya siya? Hinahanap niya ba ako? Naiisip niya rin kaya ako? Imposible iyon. Sigurado akong niloko niya lang rin ako gaya rin ng ginawa ko sa kaniya. At sigurado rin akong nag-focus na rin siya sa girlfriend niya. Kasi kung seryoso siya sa akin, dapat hahanapin niya ako. Kokontakin niya ako gamit ang ibang number o accoount. Pero kagabi ay wala. Wala akong natanggap na kahit na ano. Bakit ba ako lang ang ganito? Bkit parang hindi naman ako mahalaga sa kaniya? Bakit parang ako lang ang nahulog sa bitag niya? Plano niya ba ito? O alam niyang ako ang kabit ng Daddy niya kaya niya ginawa iyon sa akin? Naiinis na naman ako kaya isinara ko na ang laptop ko. Kung anu-ano na lang ang naiisip ko. Kailnagn ko munang mag-relax. Tatayo na sana ako nang biglang may sumigaw galing sa pinto. “OMG! Mars! Nakauwi ka na nga!” sigaw ni Senia habang papalapit sa akin. Natawa naman ako sa kaniya, “I miss you, Mars!’ sigaw niya pa at niyakap ako ng mahigpit. “Pasalubong ko, Mars?” tanong niya pa at ngumiti. Natawa naman ako sa kaniya. “Nasa kotse, huwag kang mag-alala. Hindi ka mauubusan,” sabi pa sa kaniya. “Kaya mahal kita, Mars eh!” sabi niya pa at umupo sa harap ko. “So, kumusta ang Palawan? Masaya ba? Nag-enjoy ka ba? Mag-kwento ka naman!” sabi niya pa. Ngumiti lang ako nang maalala ko si Kyle. “Ngumingiti ka, so ibig sabihin ay may magandang nangyari?” sabi niya at nakataas pa ang isang kilay na nakatingin sa akin. “Wala yon, maganda lang yung Farm,” sabi ko pa sa kaniya at ngumiti. “So, iyon lang? Wala kang nakitang pogi?” tanong niya habang kinikilig pa. “Andon ako para sa business,” sabi ko pa. “Aissh! Sabi ko na hga ba eh. Kapag pogi, ignore mo na agad,” sabi niya pa kaya naman ngumti na lang ako. Ayokong sabihin ang tunkol kay Kyle. Dahil baka klalo lang magkagulo. Ayoko na rin sanang ma-involve pa ang panglan ni Kyle sa kahit na ano. Gusto ko na siyang makalimutan. “Nga pala, Mars. Dahil ilang linggo kang nawala. Kaya ngayon babawi ka sa akin. Sasama ka,” nakangiting sabi niya na ipinagtakaa ko naman. “Saan naman iyon?” tanong ko pa sa kaniya. “Basta mamaya, dadaanan kita. Kaya maghanda ka na lang. Nga pala, huwag kang magsuot ng pang-simba. Ibang klase ang pupuntahan natin,” sabi niya pa. Kaya naman may kutib na ako sa kaniya. “Kung Bar yan, alam mo na ang sagot,” sabi ko pa sa kaniya. “Mars naman eh! Kahit isang beses lang,” sabi niya pa kaya naman agad akong umalma. “Mars, alam mo naman na wala akong ors para diyan,” sabi niya pa. “Kahit isang gabi lang. Ngayon lang promise,” sabi niya pa at nagmakaawa sa hatrap ko. Hindi talaga ako mahilig sa party. Hindi ko bet ang ganoong lugar. Kaya hindi rin niya ako mahatak papunta kung saan. “Please? Kung gusto mo ako na ang kumausap kay Vince-” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla kong takpan ang bunganga niya. “Fine, pero kakausapin ko siya. At sana pumayag,” sabi ko pa bago lumingon-lingon sa paligid. “Ayiie! Hihintayin kita mamaya, Mars!” sabi niya pa at ngumiti ng malawak. Hindi pa ako sigurado kung papayag nga ba si Vince. Dahil gaya ko iisa lang rin ang isasagot noon kundi ang hindi. Hindi rin kasi siya mahilig sa ganoong klase ng lugar. Pero dahil tama siya. Minsan lang naman at hindi masama kung susubukan ko. Isa pa, gusto ko lang makapag-relax kahit isang gabi. Baka sakaling bukas paggising ko ay wala na yung stress ko. Sana lang talaga ay pumayag si Vince.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD