KRESHA’S POV
Naalimpungatan ako nang biglaan ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko naman iyon at tinigna kung sino ang caller. Kahit na nanlalabo pa ang mata ko ay bumangon ako para lang sagutin kung sino man ang nagpagising sa akin.
Ngayon ko lang na-realize na maaga na apala. Kaya naman bumangon na ako dahil masakit talaga ang ulo ko.
Nakita ko naman na pinatay na ni Vince ang tawag kaya nawala na ang antok ko.
Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Nasa bar ako kasama si Senia. Kaya pala sobranfg sakit ng ulo ko. Sa pagkaka-alala ko ay may lalaking naghatid sa akin.
Biglang nanlaki ang mata ko nang maalala kung sino iyon. Hindi! Imposible na andon si Kyle. Sigurado ako na imagination ko lang siya kagabi. Hindi siya iyon.
Napaka-imposible na andito siya at hinatid ako. Hindi iyon. Isang imahinasyon at lasing lang ako. Ngumiti na lang ako. Bakit ba siya ang naiisip ko?
Nag-asikaso na ako nang matapos kong i-text si Vince. Alas-nuebe na pala. Hindi ko namalayan ang oras. Nang matapos ako ay umalis na ako. Doon na lang ako mag-aalmusal. Isa pa masama ang pairamdam ko. Nasusuka ako na ewa. Kay mas mabuting pumunta na ako doon.
Matapos ang ilang oras ay agad akong nakarating sa cafe. Mabuti na lang at kaunti na ang tao dahil working hours na ngayon. Kaya naman makaakpag-check ako ng mabilis ng inventory.
Bago ako nagsimula ay nagpa-order na ako ng pagkain. Dahil nagugutom na rin ako. Ilang minuto ang luumipas nang mai-hatid ang ang tsaa ako. Agad ko naman iyong ininom. Pampawala ng hangover.
Nasa kalagitnaan ako ng paghigop nang tsaa annag dumating si Senia. Kaya naman naihinto ko iyon.
“Mars! Omg! Kumusta? Anong balita? Infairness naiinggit talaga ako sa iyo!” sabi niya pa kaya naman tinignan ko siya ng nagtataka.
“Hello? Don’t tell me wala kang maalala?” tanong niya sa akin habang seryosong nakatingin habang hinihintay ang sagot ko.
“Omg! Sayang naman girl kung wala kang maalala,” sabi niya na anjimo’y naghihinayang.
“Seriously? Wala ka talagang maalala?” tanong niya sa akin. Umiling-iling ako sa kaniya.
“Ano bang meron? Ang naalala ko lang, nalasing ako at hinatid mo ako,” sabi ko sa kaniya.
“Omg! So hindi mo talaga alam?” tanong niya at halatang nagulat dahil sa hindi ko maalala ang nangyari kagabi.
“Hindi nga ano nga iyon? Sabihin mo na, huwag mo na akong bitinin,” sabi ko sa kaniya habang hinihintay ang sagot niya. Wala talaaga akong maalala bukod sa hinatid ako ng isang… Sandali!
“Oh? Naalala mo na? Yes! Hinatid ka lang naman ng isang gwapong lalaki bukod kay Vince. Kaso, Mars. Langyaka! Sinukahan mo siya kagabi!” sabi niya na aikinagulat ko.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Huwag niya sabihing tama ako? Na si Kyle ang lalaking tinutukoy niya?
“Anong itsura niya?’ tanong ko. Agad namang nagbago ang mukha niya kaya naamn agad ko na siyang inunahan.
“Yung mga tingin mo, gusto ko lang malaman,” sabi ko sa kaniya.
“Don’t tell me, interested ka sa kaniya?” tanong niya sa akin at umarte pa na nagulat.
“Basta gwapo siya, nagulat ako kagabi dahil noong ihahatid na sana kita bigla naman siyang dumating. Mars! Anghot at ang gwapo! Lalo na yung mata niya!” sabi niya pa habang kinikilig kaya naman napatigil ako.
Yung mata niya? Hindi ko alam bigla na lang lumakas ang t***k ng dibdib ko.
“Good Morning.” Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya. Kasunod noon ang pagtili ni Senia. Kaya naman napapikit ako. Hindi! Imagination ko lang to. Hindi siya iyan! Ibang tao siya. Huminga ako ng malalim at akmang titingin sa kaniya ng biglang may inilapag siya sa table.
Isang balot ng pandesal at coco jam. Kaya naman mas lalo akong natigilan. Hindi! Baka nagkataon lang.
Ano naman ang gagawin niya dito? Imposible!
Huminga ako ng malalim bago humarap sa kaniya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya. Totoo ba ito? Seryoso siyang nakatingin sa akin. Nanaginip ba ko?
“Mars! Siya yun! Siya yung lalaking naghatid sa iyo kagabi!” sabi ni Senia at halatang kinikilig sa tono ng boses niya.
So tama ako? Na nakita ko nga siya kagabi? Na siya nga ang lalaking nagahatid sa akin? Hindi pa rin ako mapakaniwala kung paano niya ako nahanap.
Paano nangyari na andito siya ngayon? Paano niya ako nahanap dito? Hindi ko pa rin maintindihan ang ginagawa niya. Ano ba ang plano niya? Bakit niya pa ako hinanap?
“Kyle..”
Kasunod noon ang pagngiti niya. Nakita ko namang nagulat si Senia.
“So, magkakilala kayo? Akala ko ba ay wala kang maalala?” tanong niya sa akin. Hindi na ako sumagot pa at tumingin muli kay Kyle.
“Why did youin come home suddenly without telling me? You also blocked all my numbers and account. Why did you do that?” tanong niya pa. Nakita kong nagulat na naman si Senia.
Agad akong napatingin sa paligid dahil baka biglang dumating si Vince. Hindi sila pwedeng magkita. Mas lalong gumulo ang isp ko. Kaya naman agad ko siyang hinila palabas ng cafe.
Dinala ko siya sa walang gaanong tao.
“Paano mo ko nahanap? Bakit mo ba ito ginagawa?” sabi ko at lumingon-lingon pa sa paligid.
“Why? What’s wrong? I told you, I like you. I will courting you,” sabi niya na agad naman akong nagsalita.
“Hindi pwede! Sinabi ko na sa iyo na hindi tayo pwede! Hindi ba may girlfriend ka na? Bakit mo pa ako ginugulo?”
“We broke up,” sabi niya na ikinagulat ko.
Hinawakan naman niya ang kamay ko at tumingin ng seryoso sa akin.
“El, I chose you. Thta’s why I’m here to saying the truth,” sabi niya sa akin kaya naman tinignan ko siya at kita ko naman na seryoso siya.
“Pero, Kyle. Hindi pwede. Sinabi ko sa iyo njoon. Nangako na ako sa isang tao at hindi ko pwedeng bawiin yun basta-basta,” sabi ko sa kaniya.
“Do you love him?” tanong niya na ikinatigil ko.
Mahal ko naman si Vince pero bakit hindi ko siya masagot ngayon?
“Kyle, stop this. Umalis ka na. Huwag mo na akong guluhin. Bawal tayo,” sabi ko sa kaniya at akmang aalis na pero agad siyang nagsalita.
“Bakit hindi mo ako masagot?” tanong niya na ikinatigil ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siiya masagot sa simpleng tanong niya.
Dahuil ba natatakot ako na baka tuluyan siyang lumayo? Hindi ba iyon naman ang gusto ko? Ang plano ko? Na lumayo siya bago niya pa malaman na kabit ako ng Daddy niya?
Hindi ko pa rin maintindihan ang nararamdaman ko. May part sa akin na gusto ko siyang sagutin at may part rin na gusto ko na lang manahimik at lumayo.
Muli akong humarap sa kaniya, Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
“I will explain everything, El. Just give me a chance to explain everything about Alison,” sabi niya pa at hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang sinseridad niya.Kaya mas lalo akong nahirapan magdesisyon. Bakit hindi ko siya kayang ipagtabuyan? Bakit ba hindi ako makapagsalita at alisin ang kamay ko sa kamay niya.
Na-miss ko siya. Halos isang araw ko rin siyang inisip. Kung kumusta na nga ba siya. Kung ano ang ginagawa niya sa Palawan. Kung hinahanap niya ba ako.
Kaya naman hindi ko talaga maitatanggi na masaya akong nakita siya ngayon at malaman na hinahanap niya ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang saya ng puso ko dahil nalamaan kong ako ang pinili niya. Pero mali ito. Ano ba ang dapat kong gawin?